CHAPTER 21 [Theme song of our story 2]
(HYA'S POV)
General cleaning namin sa club. Actually, patapos na kami ngayon. Hindi ko alam kung ako lang ah? Pero nitong mga araw specifically after ng meeting hinintay ko sya sinusungitan na naman ako. Lagi naman nya akong sinusungitan eh -.- pero iba to lalong lumala.
Lumapit ako kanila Gemar at Meshel na kasalukuyang nagpapalitan nila yung string ng guitar nila. May bago kasi silang nabili sabi nila maganda raw yung tunog nun.
"Uy! Mesh! Gem! Ano bang nangyare nung nag meeting kayo nung nakaraan?" tanong ko sa mga to. Napakamot ako ng ulo at ngumuso kung nasan si Deon na kasalukuyang nakatunganga lang sa bintana nagbibilang ng agiw. "Bad mood sya sa akin. Wala pa nga akong ginagawa, sisigawan na ako"
"Ano ka ba!? Syempre nagkakaganyan yan kasi nag seselos" sabi ni Gemar. Tumango tango si Mesh. Nagseselos? Bakit naman?
"Oo tama nagseselos lang yun! Kasi ang bait bait mo kay Dylan. Hindi mo man lang inisip yung nararamdaman ng kapatid mo. Alam mo namang abnormal yun eh!?" sabi naman ni Mesh.
"Teka? Paano naman nagselos yun kay Dylan? Mabait naman din ako sa inyo ah?"
"Nalala mo nung may meeting ang music club? Hindi ba kumanta si Dylan ng a twist in my story? Si Deon ay si Deon. Ang bilis magalit, gusto lang nun na kumanta sya kasama ka. Ano ka ba?" sabi ni Mesh.
"Kung gusto mo Hya, tanungin mo si Deon, magsisinungaling yan sa umpisa pero magsasabi rin yan kulitin mo lang" pasyo ni Gemar at tinulak ako palapit kay Deon. Tumayo pa sya at inilapit ako sa kapatid ko habang ginagawa ko ng pampreno yung mga paa ko.
"Sandali ako ng magdadamoves h'wag mo muna akong iharap sa hukom hindi pa ko handa" pagpigil ko habang hindi pa napapansin ni Deon na lumalapit kami sa kanya. "Sige na let me!"
"Ha?" tanong lang ni Gemar na nagkukunwari pang walang narinig.
Itinulak nya ako ng malakas kaya napasubsob ako sa likod ni Deon. Kamuntikan naman mahiwalay yung kalahati ng katawan ni Deon na napasubsob sa bintana.
"ANO!!!?" sigaw ni Deon. Parang si Baron lang kung makasigaw ng 'ANO!!!?' Napaurong ako paatras ramdam ko yung init ng ulo nya eh.
"Kalma lang?"
"Umalis ka nga!" sagot nya at inirapan ako sabay alis sa puwesto nya at umalis na rin sa room. Nagtataka namang tumingin sa akin ang lahat.
"Anong ginawa mo? Kinagat mo ba?" tanong ni Mesh.
"Ewan ko dyan! Red alert ata nya ngayon" sagot ko rito.
Nakakapaso naman yung init ng ulo nya. Sarap buhusan ng tubig.
(DEON'S POV)
"Hi Deon!" bati sa akin ng dalawng babaeng nasalubong ko pag alis ko sa music room.
"SHUT UP!" sigaw ko.
"Ihhhhh! Sinigawan nya ako"
"Hindi ah! Ako kaya yung sinigawan nya!"
May Ghad! I hate drugs! Mga high ba ang mga taong yun? hindi man lang ba magagalit? Katulad ng ginagawa sa akin ni Hya kapag sinisigawan ko sya? Wala na abang matinong tao ngayon? Kaya ang daming namamatay eh.
Pumunta ako kung saan na ako madalas tumambay. San pa? Doon sa maraming gulo sa may bakanteng lote ng building namin. Buti na lang at walang tao roon kaya magiging payapa na naman ang mga mata ko sa mga alien na nasusulputan dito.
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] Black Prince's Girl (COMPLETED)
Teen FictionSi Deon Lloyd Legarda ay isang popular na lalaki dahil sa kasamaan ng ugali. Binawi naman kasi yun ng looks nya. Ang looks nya at matipunong boses ang nagpaangat sa kanya. Ang sabi nga ng iba wala na raw ang makakapagpalag sa ugali ng taong to. On...