CHAPTER 39 [Music Camp 3]
(DEON'S POV)
Napatayo ako bigla nung narinig ko syang sumingot at nangininig pa yung boses. Napatingin sa akin si Kuya Ken.
"Sino yan?" tanong sa akin ni Kuya Ken. Umiiling lang ako sa mga to. Pinagpagan ko yung pants ko at inilibot mata ko para humanap ng luugar na pagtataguan. "San ka pupunta?"
"Masakit yung tyan ko"
"Kailangan kapag masakit yung tyan balisa?"
"Ano bang gusto mong gawin ko magpaparty?" tanong ko rito at hinayaan na lang nila ako umalis.
Tinatawagan ko tong tukmol na to hindi sumasagot pero ngayon an nagkakasayahan kami saka tatawag. =_= Wrong timing sya lagi! Ngayon parang timang naman akong naghahanap pa ng lugar makausap lang sya. Nung makalayo ako sa mga baliw kong kaibigan kaagad kong idinikit yung phone sa tenga ko.
"Nandyan ka pa?" tanong ko rito. Pinakinggan ko ng mabuti yung nasa kabilang linya. Umiiyak nga sya, rinig ko yung haguygoy ng babaeng to. "huy! Sumagot ka naman! Umiiyak ka ba?"
(Naririnig mo naman hindi ba? Ba't tinatanong mo pa mas lalo akong napapaiyak eh)
"Anong bang nangyare ah? Dahil bas a trabaho mo? Huy! Anon a naman ba kasi yang pinapasukan mo?" pasigaw kong tanong rito. Para akong nagpapa blotter sa pulis kung makasigaw. Pinagtitinginan na tuloy ako ng mga taong nasasalubong ko sa daan.
(Hindi! Ano ayos ka lang?)
"Ako pa tanungin mo ng ganyan!? =_= Yung totoo narinig mo ba akong sumingot? Ikaw kaya!? Ano na?"
(Sorry Deon kung inaaway kita lagi...)
"Haha! Pwede ba? H'wag mo ko ngayon patawanin. Yung lang ba yung ikinaiiyak mo?" tanong ko rito ng mapansin kong nagiging bato na naman ako. Kahit anong try ko maging mabuting tao wala talaga. "Sorry na agad, ano? Bakit ka ba umiiyak? May nang away ba sa'yo?"
Narinig ko na naman yung hagulgol nya sa kabilang linya.
"Huy! Anong drama na naman yan?" tanong ko uli.
(Kasi ikaw! Pinapatahan mo ko lalo akong napapaiyak eh!?)
"Malamang ano bang gusto mong gawin ko sa'yo? Murahin kita? Anon a? Bakit ka ba umiiyak?"
(H-Hindi ko kasi nasagot yung tawag mo eh!)
"=_= Ikinaiyak mo na yun? Paano kung mamatay ako? Baka wala ka ng luha sa kakaiyak dahil sa hindi mo pagsagot sa tawag ko?" asar kong sabi. Ang mga babae nga naman tulad pa rin ng dati, mga baliw. Kapag papatahanin mo lalong iiyak. Kapag tatanungin mo, tanong rin yung ibabato sa'yo. Ang babaw pa ng dahilan kung bakit umiiyak?! May Ghad! I hate drugs! Hinintay ko lang syang sumagot sa kabilang linya pero hindi pa rin sya tumitigil, Alam nyo yun? Hikbi ng hikbi. "Tinawagan kita kasi, gusto ko lang malama kung okay ka lang dyan? Wala kasi ako dyan eh kaya malay ko ba kung may maiyak sa'yo dyan. Nakakatawa nga lang eh, wala naman ako dyan hanggang pero ako pa rin pala yung nang aaway sa'yo"
(Hindi kasi, akala ko galit ka na na naman sa akin eh!?)
"Hindi ka pa nasanay? Lagi naman akong ganyan eh"
(Alam ko...)
Naubusan na kami ng topic mga ilang minute akong nagiisip ng topic pero wala akong maibanat! Uy utak isip ka pa ng topic.
(...ilang baso yung nauubos mo sa isang araw?) tanong nya. Sus! =_= Kamuntikan ko ng itapon yung cp ko palayo sa akin dahil sa tanong nya eh.
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] Black Prince's Girl (COMPLETED)
Teen FictionSi Deon Lloyd Legarda ay isang popular na lalaki dahil sa kasamaan ng ugali. Binawi naman kasi yun ng looks nya. Ang looks nya at matipunong boses ang nagpaangat sa kanya. Ang sabi nga ng iba wala na raw ang makakapagpalag sa ugali ng taong to. On...