CHAPTER 14 [Damn Deon!]
(HYA'S POV)
Kinabukasan, kasalukuyang kaming naguumagahan. Alam mo na? Hindi ko kaya ang hindi mag almusal pero bago yan may kailangan pa akong hanapin. Simula ako sa kwarto hanggang sa kusina naghahanap ako. Nawawala kasi yung cellphone kong mahal. Mahal na mahal ko, hindi naman ganoon kamahal pagbinili mo. Maski sa ilalim ng lamesa nag hanap na ako.
"Anong hinahanap mo dyan? Pagkain? Nasa refrigerator yung mga yun. Hwag mong ubusin!" paalala ni Deon. Tiningnan ko sya at kaagad na inirapan. Habang sya kala mo kung sinong donya na nakatayo pagkatapos kumain.
"Tumigil ka! H'wag mo akong simulan!" sigaw ko rito habang nakaluhod pa rin at sinilip na yung bawat sulok ng kusina. Dito lang naman ako madalas tumambay eh.
"Anong pagkain ba ang wala sa lamesa at hinahanap mo?"
"Nawawala CP ko! Mukha bang pagkain yun!?" asar kong sagot rito at nagpatuloy sa paghahanap. Naku! Kung kalian first time ko lang magkaroon ng touch screen na cellphone nawala pa!? Badtrip namna hirap na nga ako mag keypad ngayon eh.
"Depende kung kinakain mo"
Tumayo ako para ibato kay Deon yung basahan na nakita ko sa sahig kaso paalis na to nung tumayo ako. Ang aga naman nito pumasok!
"Hoy! Sabay ako!" sigaw ko rito. Lumingon sya saka kinabit yung bagong bili nyang headphone.
"Pabigat ka lang! Magpahatid ka kay Papa!" utos nya at katulad ng dati sya na naman ang nasunod. Umalis na lang sya na hindi pa nagpapaalam kanila Mama at Papa na kasalukuyan namang nakatingin sa taong yun.
Napahawak na lang ako sa mukha ko sa kahihiyan sa ugali ni Deon habang si Papa lumung lumo sa sulok kasi sya yung nagpalaki sa taong yun.
"Ay! Ako na bahala sa kanya! Pasasabihan ko Pramis!" sabi ko sa kanila.
Yun nga! Si Papa na nga mismo ang naghatid sa akin papunta sa school. Hindi ko naman talga kasi kabisado yung daan papunta sa kanila eh. Kung alam nyo lang yung nasaranasan ko kagabi, feeling ko makakatulog na ako sa kalsada buti na lang nakita ko sya sa may gate at doon ko lang na mukhaan ang bahay nila!
Pagkapasok ko na school. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong karumaldumal na krimen pero ganoon kasi yung tingin nila sa akin. Kapag daaan ako sa mga tao tinitingnan nila ako saka magbubulungan.
OHMAYGOSH! Don't tell me nalaman na nila! Nalaman na ba nila na kapatid ko yung tinatawag nilang Black Prince? O kaya nalaman na nila na nakapatay ng daga? Teka! Hindi ko naman kasalanan yun! Biglang sumulpot eh kaya napalo ko ng walis. Malay ko bang mamatay agad yun?
"HOY!"
"Nanay ko po! Hindi ko po ginawa yun!" sigaw ko sa lalaking humawak sa balikat ko mula sa likod. Nung maaninag ko na si Dylan lang pala yun na nakasabayan ko sa paglalakad. "Ikaw lang pala! =_= Hindi mo naman kinailangang sumigaw"
"Sorry naman! Nag iisa ka ata?" tanong ni Dylan at sinuot yung salamin nya. Hindi ko lang nasasabi pero dumadalas yung pagsusuot nito ng salamin tuwing may performance lang sya nagtatanggal nun.
"Sanay na ko! Sanayan na lang talaga... atsaka nauna na si Deon ngayon eh" sabi ko rito at nagpalinga linga sa paligid. Buti kahit papaano hindi sya napapaligiran ng mga babae. Tiningnan ko naman sya mula ulo hanggang papa, Ah kaya pala, hindi sya ganon ka pormado.
"Ah Ganon! Alam mo Hya may ipapakita ako sa'yo!"
"HWAG! BATA PA KO!"
"Ano bang iniisip mo ah? Ito yng ipapakita ko oh!" sabi nya at ipinakita sa akin yung cellphone nya. Nanginggit pa oh? Nang makita ko yung picture ko nakaytagotago a gallery ng cellphone ko. "Kumalat yan!"
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] Black Prince's Girl (COMPLETED)
JugendliteraturSi Deon Lloyd Legarda ay isang popular na lalaki dahil sa kasamaan ng ugali. Binawi naman kasi yun ng looks nya. Ang looks nya at matipunong boses ang nagpaangat sa kanya. Ang sabi nga ng iba wala na raw ang makakapagpalag sa ugali ng taong to. On...