CHAPTER 40 [Music Camp 4]
(DEON'S POV)
KINABUKASAN... hindi ako masyadong nakatulog. Siksikan kami nila Dylan, Gemar at Kuya Ken sa hindi ganoong kalakihang tent. Ni hindi nga ako makapag unat eh, ni gulong wala! Hindi na nga ako makahinga at tingin ko basa yung unan ko dahil sa laway ni Dylan =_= parang gripong umaagos.
Tapos yung hanging sa loob puro carbon dioxide na panis. Lahat nakanganga maliban sa akin na hindi nakatulog ng maayos. Tuwing pipikit ako kaagad na hihilik si Kuya Ken, kapag dilat naman ako tatahimik sya =_= Parang may CCTV yung bibig.
Nakatulog naman ako pero hindi ganon ka buti kaya lumabas na ako ng tent para makalanghap ng sariwang oxygen. Hindi na ako makahinga sa loob. Pagkalabas ko, nakita ko na pasikat na ang araw. Wala rin hindi na ri ako makaka round two na tulog. Inunat ko yung na stock kong kasukasuan. Grabe! Yung tunog ng mga buto buto ko parang mawawarak na.
"WOOOOAHHH!" paghikab ko ng matinde pa sa bunganga ng kweba. Hindi ako sumugaw ah! Ganyan lang talaga ako humikad pake nyo?
"Huy! Easy! Baka malunok mo kami!"
Napalingon ako sa babaeng nag salita. Sila Meshel lang pala iyon at Heartless na kasalukuyang nakaupo sa isang torso.
"Aga nyong magising ah!?" sabi ko sa mga to. Lumapit ako para umupo sa isang mahabang trosong inuupuan nila. Napapagitnaan namin ni Meshel si heartless. Pansin naman nya na masama ang tingin ko sa kanya. "Sino ba talagang sasagipin mo? Hanggang pagtulog mo ba suot mo yan? Tagalin mo nga yang maskara mo!?"
"Ano bang pake mo!?" angal nito at bahagyang napalayo sa akin. Tingnan mo to! Kinakausap ko ng matino tapos nakanguso naman syang sumasagot. Halata naman na iniiba lang nya yung boses nya. Kaagad kong dinakma yung maskara nya. "ALISIN MO YAN!"
"Hindi! Hanggat hindi mo pinaparinig sa akin yung natural mong boses! Pa mysterious ka pa dyan? Hindi mo kinaganda yan!" sabi ko habang pigil na pigil sya sa pag hila ko paalis sa maskara nya.
"HUY H'WAG!" sigaw ni Meshel at tinutulungan si Heartless.
"Kahit pagtulungan nyo pa ako! Hindi nyo ko kaya! Walang makakapigil sa akin" sabi ko sa mga ko at buong lakas naming pinag aagawan yung suot suot ngayon ni Heartless.
"Tama na yan!!!!" sabi ni Heartless na hilong hilo na sa pag aagawan namin ni Meshel. "Aray ko yung mata ko!?"
"Tumigil ka na nga Deon! Napakatigas ng ulo mo!?"
Halos yugyugin namin yung ulo nito. Wala namang umaawat sa aming tatlo. Yung mga dumadaan pinagtatawanan lang kami at dinuduro duro.
"Wa-lang ma-ka-ka-pi-gil sa a-kin!" sigaw ko at hinila yung maskara. Nang bigla ko itong nakuha ang kaso tumalsik ako ng matindi. Napahiga ako sa damuhan at napagulong. Para akong carpet na ni rolyo ng mga tatlong beses. Tiningnan ko yung hawak ko, akala ko nagmalikmata lang ako. Hawak ko ngayong yung maskara ni Heartless.
Lumingon ako sa kanila kung saan nasa ilang metro lang ako ng kinauupuan nila. Nakatakip ang mukha ni Heartless gamit ang mga palad nya. Hindi ko sya mamukhaan pero parang may naaalala akong tao kapag nakaganyan sya at parang iiyak.
"Aray ko!" sabi ko at dahan dahang tumayo. Ang sakit ng likod ko, namali ata ako ng pagkabagsak kanina. Pasugod na lumapit sa akin si Meshel habang yung mukha nyang parang member sya ng isang killer squad, ganon.
"Akin na nga yan!?" sambit nito at kinuha mula sa kamay ko yung maskara na yun habang hindi naman maka angat ng mukha yung kasalukuyang nakatakip na mukhang si Heartless. Bumalik ito sa kanya at iniabot yung bagay na kinuha ko. Sayang nakita ko na yung mukha eh kung hindi lang sana ako na pwesa sa pagkabagsaki baka mamukhaan ko pa sya.
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] Black Prince's Girl (COMPLETED)
Teen FictionSi Deon Lloyd Legarda ay isang popular na lalaki dahil sa kasamaan ng ugali. Binawi naman kasi yun ng looks nya. Ang looks nya at matipunong boses ang nagpaangat sa kanya. Ang sabi nga ng iba wala na raw ang makakapagpalag sa ugali ng taong to. On...