CHAPTER 26 [Theme song of our story 5]

1.2K 38 0
                                    

CHAPTER 26 [Theme song of our story 5]

(MESHEL'S POV)

"Ang tagal naman ng taong yun?" nakangusong sabi ni Dylan. Nagrereklamo na sya nawawala raw yung lucky coin nya kasama si Gemar. Dati nga na date na ng taong yun yung aso namin eh. Nawala rin sila parang ganito.

"Baka ibinili na nya yun, alam mo naman yun eh?! O kaya tumakas" sabi ko habang pinaglalaruan yung acoustic guitar ni Deon na pinahiram sa akin. Nakasilip naman si Deon sa may stage kung saang may nagpeperform pa. Actually, ang start talaga ng sport festival namin ay bukas pa. Ngayon puro performances lang ng bawat club.

"Ang galing sumayaw ng boyfriend mo oh!?" banggit nito at may itinuro sa stage na hindi ko naman makita.

"Sinong lalaking yun? patay na?" tanong ko rito. Ramdam naman nila na inis ako sa mga pang aasar nila eh hindi lang talaga nila kayang hindi ako tantanan.

"Yung lalaki! Yung sumasayaw!" pilit na sabi ni Deon at parang sirang tinuro pa paulit ulit yung stage. Maski yung facial expression nya tumuturo sa stage. Bigla ssyang nanahimik, ayan galit na naman sa akin. "Tingnan mo kase! Papahirapan pa ako eh!"

"Hindi ko naman sinabi na ituro mo dyan ah!"

"Edi h'wag! Sinasabi lang sa'yo eh" galit galitan naman si Deon at muling na nuod ng sayaw. Napabuntong hininga na lang ito. "Anong balak natin dito sa backstage? Lumutin? Amagin? Agiw na lang ang kulang sa atin kakatambay dito"

"Lakas mong magreklamo! Edi umalis ka! Total naman mamayang hapon pa tayo. Wala lang talaga kaming magawa" sabi ni Hya na nakatambay lang din kasama namin. Nang biglang may narinig kaming may ringtone ng cellphone parang mga tatlong patak ng tubig yun.

"Tumunog yung alarm ko! Naiihi na ko" sabi ni Deon sabay takbo paalis sa backstage. Yeah' kala ba nya hunghang kami? Alam naming galing sa cellphone yung tunog. Kaagad napatayo si Hya habang gulat na gulaty naman yung mukha nya.

"Hala!" sabi nya pa nya habang nakatayo.

"Ano yun?" tanong naman ni Dylan. Napatingin kami rito habang hindi sya mapakali na nagiisip.

"Cellphone ko yun eh!?" sabi nito sabay alis din. Hindi na nagpaalam sa akin si Dylan at kaagad na sinundan si Hya. Edi sila na fall! Ako mahuhulog na ako sa kinauupuan ko sa kabaguran eh.

Kulang na lang pumitik yung mata ko ng magmukha akong na murder ditto eh. Tumayo ako para manuod ng sayaw. Nang biglang may taong napahinto malapit sa akin at hingal na hingal. Isang pormadong lalaki, nakaleather jacket din at black ripped jeans matched with black and white shoes, Si Bryan.

Nyeta! Kikidnappin pa ata ako nitong taong to ah. Napakapit ako sa upuan ko kasabay ng panalangin ko na magsibalikan naman yung mga kasama ko. Nakangiting hinawakan ni Bryan yung braso ko at pilit na hinila patayo.

"Sama ka na!?" abnormal nyang sabi. Actually normal naman ang kaso yun yung tingin ko sa kanya. Putek!? Hindi ko makalimutan yung una naming pagkikita! Na-attract ako sa kanya tapos bigtla bigla nagpakilala na Bongbong!

"Ano ba kasi yun!?" asar kong sabi rito. Pati yung mga paa ko nakakapit sa paa ng upuan. Nung hindi nya ako magawang hilahin. Kaagad nyang hinawakan yung likod ng upuan at hinila iyon kaya napatayo ako. "Baliw ka ba? Talagang pati yung upuan tatangayin mo?"

"Panuorin mo naman ako!?" pakiusap nya habang hawak ang braso ko para hindi lang ako makatakas.

"Ano? Bakit?"

[BOOK 1] Black Prince's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon