CHAPTER 50 [It was only just a dream]
(HYA'S POV)
Ayaw ko munang mag-isip. Yan lang ang nasa isip ko ngayon kahit na binigyan muna ako ni Mesh ng space para mag isip. Ayokong umuwi kami ng ganito, since bukas pa ang balik namin dapat ngayong gabi may magawa ako para maayos ko lahat.
Kahit nilalamok na ko rito sa labas, hindi pa rin ako umaalis. Kahit na halos ilang oras na nung iniwan ako ni Mesh dito. Nung tiningnan ko yung relo ko, hindi ko namalayang 10:45pm na pala.
Ang haba naman ng pinagmumuni ko? Nakakatulog pa ako ng buong oras nun?
Naalala ko madamo nga pala rito. Baka may ahas. Nagpalinga linga ako nang marinig yung kalukos sa paligid.
Sh*t ! wala pa nga akong naiisip na solusyon tas mukhang lalapain pa ko ng ahas dito. Tumayo na lang ako para tingnan mabuti yung inuupuan ko, baka naman nandito na yung ahas.
Nang biglang may dumampa sa akin mula sa likod. Muntikan na akong mapasubsob nun. Kaagad kong tinanggal yung kamay nun na nakapulupot, humarap ako rito at walang ano ano'y itinulak ito. Napahiga ang lalaki habang hawak nya yung isang bote ng alak. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko iyon at halata naman na lasing na lasing na ito.
"DEON!" sigaw ko habang nakatingin sa nakaplakda sa damuhan na si Deon. Since abot pa kami ng ilaw mula sa back door kaya kitang kita ko at naaninag ko ang mukha nito.
Tumakbo ako paalis doon at nagtago sa likod ng puno. Yun na lang yung paraan ko para makapagtago. Hindi pa ko handang humarap sa kanya at aminin yung trabaho ko. Mga ilang minuto pa ay wala ako ni isang response na nakita sa kanya mula sa malayo.
Yung pwesto nya nung itinulak ko sya at napahiga sa damuhan ay yun pa rin ang pwesto ngayon. Dahan dahan akong lumapit dito, mukhang masama ang pagkabasak eh. Nung nakalapit ako rito, nakita kong nakapikit ito at parang tulog na. Napaupo ako para yugyugin yung balikat nito.
"Deon?" mahina na tawag ko rito.
"ummmmm"
"Huy!" tawag ko ulit this time tinatapik ko na yung pisngi nya na magising.
"Tama na... Z-Zariah di ko na kaya" mahinang sabi nito. Lasing na lasing na hindi pa makatayo. Bagmat amoy chico sya hindi pa rin nawawala yung mabangong amoy ni Deon. "Ummmm"
Napakunot pa ito ng mukha. Sinampal ko nman ito ng hindi kalakasan sa pingi. Nakakainis to!
"Ikaw talaga! Iinom inom hindi naman kaya!" saway ko rito. Hindi ko maintindihan yung sarili ko alam ko naman na hindi sya sasagot sa akin sa sobrang kalasingan nya at hindi rin nya maintindihan ang ma sinasabi ko kaya napapaiyak na lang ako bigla. "Kapag iinom ka kasi siguraduhin mong kakayanin mo!"
Hinahampas hampas ko pa yung balikat nito habang iyak ako ng iyak. Ang dami ko na ngag problema dadagdag pa sya!
"Ummmmm" iritableng pag gulong ni Deon sa damuhan. Pilit nitong itinatayo yung sarili pero ni ulo nya hindi maangat.
"Nakakainis ka talagang demonyo ka!" pagiyak ko ng tuluyan. Kinuha ko ung kamay nito at sinubukang itayo sya. "Sinong maghahatid sa'yo sa loob?! Bawal ako roon! Nandoon si Zariah!"
Itinayo ko sya. Bigat na bigat ako rito. Nakayakap ang isang kamay ko sa bewang nya habang yung isang kamay naman ay nakahawak sa kamay nito na nakapasan sa leeg ko. Tulo lang ng tulo yung luha ko.
"H'wag mo na kong pahirapan Deon pease lang!" sabi ko rito. Hindi ko sya maiwan sa damuhan. Nahihirapan akong magpunas ng luha ko. Mas mabigat pa yung nararamdaman ko sa dibdib kaysa sa kanya. Ilang saglit gusto gusto ko ng humagulgol para lang mailabas ag bigat na ito.
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] Black Prince's Girl (COMPLETED)
Ficção AdolescenteSi Deon Lloyd Legarda ay isang popular na lalaki dahil sa kasamaan ng ugali. Binawi naman kasi yun ng looks nya. Ang looks nya at matipunong boses ang nagpaangat sa kanya. Ang sabi nga ng iba wala na raw ang makakapagpalag sa ugali ng taong to. On...