CHAPTER 35 [Last week of class 3]
(MESHEL'S POV)
After ng botohan, Kasalukuyan kaming nagtitipon tipon sa field. Kami lang lima ah. Hintayan ganun, inuugat na nga kaming apat eh paano ba naman si Gemar wala pa sa usapang oras.
"Meshel? Sinabi mo ba kay Gemar na ihintayin natin sya?" tanong ni Dylan na kanina pa nagbubunot ng damo habang nakaupo sa lupa. Napanot na yung buong field, wala ni isang anino ni Gemar ang sumulpot ditto. "baka naman naghihintay tayo sa wala?"
"Sinabi ko yun sa kanya! Ang tagal lang talaga nyang magpakita, hindi naman natin nakasama yun nung bumoto tayo eh" paliwanag ko sa mga to na halos mahulog na ang mukha ko sa lupa sa sobrang busangot. Kanina pa naman kasi nandito eh ni isang daliri sa paa walang talaga.
"Hindi ata yun marunong magsulat ng pangalan nya eh" asar na sabi naman ni Deon na nakasandal sa puno habang nakatingala sa langit.
Tahimik namang nakayuko si Hya habang tinitingnan yung mga daliri nya sa kamay. Napansin naman namin na wala ni isang sigawan o bangayan ang nangyayare kanina pa sa kanilang dalawa ni Deon kaya pinagkaisahan na namin. Lumapit ako kay Hya habang si Dylan naman kay Deon.
"Uy! Kayo na ang bahala dyan ah... Hintayin nyo si Gemar may bibilhin lang kami" paalam ko habang pilit na itinatayo si Hya. Kaagad naman itong sumunod sa akin.
"Oo tama, ialis nyo yan" sabi ni Deon.
Inirapan ko na lang sya at hinila si Hya paalis sa kapatid nya. Nagtungo kami sa canteen na wala masyadong tao ngayon. Tingin ko dahil sa karamihan sa kanila nagsisibalikan para tumambay sa kanya kanyang mga classroom or nasa stage para manuood ng mga nagpeperform doon. Foundation week nga naming ngayon eh, anyways. Kahit hindi naman nila sabihin eh halata na namin na may problema sila. Pinaupo ko sya sa isang upuan doon.
Maluha luha syang nakayuko sa harap ko kaya inalok ko sa kanya yung panyo ko. Napabuntong hininga ako at nung maramdaman na okay na sya saka ako nagsalita.
"Uy! Hya? Alam namin madalas kayong mag away pero mas nakakatakot naman yung hindi kayo nagkikibuan?!" paliwanag ko rito. "Ano bang problema ni Deon?"
Umiyak na naman sya. Grabe! Wala talagang patawad ang lalaking yun maski ang kapatid pinapaiyak. Tumingin na lang ako sa malayo. Alam nyo yun? Minsan kasi kapag may tao akong nakikita na umiiyak na iiyak na rin ako. Itinakip nya yung panyo sa mukha nya.
"Eh kasi... Gusto nya akong isama sa music camp na tinutukoy nya eh" sabi nito habang umiiyak.
"Oh? Minsan lang mag aya yun ah? Anong sagot mo?" tanong ko sa kanya at napalapit para marinig pa sya.
"Oo minsan nga lang eh ang kaso hindi ako pwede Meshel" sabi nito at pinupunasan muli yung luha nya.
"Bakit?"
"Dahil sa trabaho ko..."
"Ano bang trabaho mo?" tanong ko sa kanya. Nanahimik ito bigla at hindi nagsalita. Maski ako nako-curious sa trabaho nya na simula't sapul wala kami kaide-ideya. "Dinahilan mo ba kay Deon yan?"
Tumango tango sya. Napakamot ako ng ulo at agad naman humarap uli sa kanya.
"Tingin ko Hya, eh kung sabihin mo sa amin yung trabaho mo? Para maintindihan ka namin" sabi ko sya kanya. Napatingin sya sa akin bigla na parang nagulat sa request ko. "Alam mo tingin ko lang talaga ano, kasi... kung ilalagay ko yung sarili ko sa katayuan ni Deon. Baka ganun din ang magiging pakikitungo ko sa'yo nyan. Kasi ni isang bahagi sa trabaho mo hindi ko alam, lalo na kapag inaya rin kita at puro trabaho mo yung dinadahilan mo? Magkakaganun talaga yan"
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] Black Prince's Girl (COMPLETED)
Teen FictionSi Deon Lloyd Legarda ay isang popular na lalaki dahil sa kasamaan ng ugali. Binawi naman kasi yun ng looks nya. Ang looks nya at matipunong boses ang nagpaangat sa kanya. Ang sabi nga ng iba wala na raw ang makakapagpalag sa ugali ng taong to. On...