CHAPTER 32 [Bampirang may lagSING 2]

1.2K 52 0
                                    

CHAPTER 32 [Bampirang may lagSING 2]

(DEON'S POV)

Gising pa pala sya na may tama pa rin. Ang lalim siguro ng pagkaka bull's eye nito sa utak. Muli akong tumayo para umpisahan na yung Tutorial sa pagpapaamo ng bampira ni KUYA RAW Ken.

"Nasan nakalagay yung thermometer?" tanong ko kay Hya. Itinuro naman nya yung taas ng Refrigerator yung maliit na box na nandoon.

Lumapit ako roon at kinuha yung thermometer, digital thermometer. Muli akong bumalik sa kanya at inilagay iyon sa kilikili nya saka iipit iyon. Kinapa ko muli yung forehead nito para makasigurado. Nung marinig ko na yung beep ng thermometer kaagad kong kinuha iyon at tiningnan.

38 degree Celsius

Ang sabi ni Ken! Tatawag daw sya? Eh? Wala na nga akong load eh!? Huling chance ko na yung kanina tapos wala ng tawag next nun. Napakabait talagang KUYA ng taong yan!

Nagpaikot ikot ako sa paglalakad. Mukha akong tangang hindi alam yung gagawin. Walang load, walang tao rito ako lang except si Hya baboy sya hindi tao, walang mga magulang (mga nag date at hindi pa nakakauwi!) at naririnig ko na rin yung malakas na ulan mula sa labas ang ingay ng mga patak nito parang may kasamang yelo tres ia ganun.

"Deon?" tawag sa akin ni Hya. Napalingon ako rito habang nakahawak ako ulo ko sa sobrang Pressure at temperature! Nakatakip sya ng unan na nahigaan nya kanina.

"Magpapakamatay ka?"

"Hindi, takot ako sa kidlat eh!?" sabi nya na parang bata nawalan ng piso, hindi nakatulog, natutong magpuyat, inaaraw araw, hanggang sa hindi na nakatulog at nahospital. Ganon!.

Hindi ko na lang pinansin yung kalandian nya.

"Ah ganun! Wala pa naman eh. Teka? Gusto mong kumain?" tanong ko sa kanya. Tumango tango naman ito kahit na hindi ko na halos makita yung mukha nya sa kakatakip nya sa tenga nya.

Pumunta ako sa kusina para mag sandok ng kanin at yung tira naming adobo kaninang umaga. Nagtimpla na rin ako ng kape. Nagpapasalamat ako sa memorya ko kahit papaano naalala ko sa mga pinagsasabi ni Ken. Muli akong bumalik sa kanya. Inialok yung pagkain... pero ang una nyang ginawa ay uminom ng kape Tinulungan ko pa tong makaupo ng maayos para naman akong nagaalaga ng lola.

"Basa na yung likod mo" sabi ko rito ng makapa ko yung likod nya na daig pa ang naligo.

Muli akong umalis sa tabi nya at hinayaan lang sya roon. Kumuha ako ng towel at maligamgam na tubig bago nun patakbo pa akong tumungo sa kwarto nya para kumuha ng damit at jogging pants. Patakbo at halos mapatid patid pang bumalik muli sa kanya.

"Sandali pupunasan lang kita ikaw na yung magbihis sa sarili mo ah" sabi ko rito at binasa yung towel na hawak ko sa maliit na plangganang nakapatong sa mesa na nasa sala.

Dahan dahan kong kinuha yung isa nyang kamay at pinunasan yun hanggang sa braso nya at sinunod ko yung kabila. Pansin ko naman an napatigil ito sa paggagalawgaw. Kaya pala napatigil kasi kanina pa ako tinitingnan ng masama.

"Anong ginagawa mo?" tanong nya na matulog tulog pa.

"Itulog mo na lang yan tapos paggising mo saka mo ko tanungin" sabi ko rito at pinunasan naman yung mukha nya. Nung hindi pa rin matanggal yung mata nya sa pagmumukha ko kaagad kong itinapon iyon sa mukha nya. "Sa'yo na! Tigilan mo yang kakatingin mo!?"

"Aray ko naman! Ang sakit na nag ng ulo ko eh!?" reklamo nya.

"Pwes sino bang inum ng inom dyan? Kasalanan mo yan magbihis ka muna tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka pa" sabi ko rito. "Kailangan ko munang mag shower"

[BOOK 1] Black Prince's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon