CHAPTER 20 [Theme song of our story 1]

1.8K 50 3
                                    

CHAPTER 20 [Theme song of our story 1]

(HYA'S POV)

Sa mga sumunod na araw, inaral ko ng mabuti yung music sheet na ibinigay sa akin ni Sir Zeke. Paano kasi totoo na raw to!? Sa susunod na performance ng Checkmates. Kasama na ako kaya ibinigay nya sa akin kaagad yung music sheet na kakantahin nila.

Kasalukuyan akong nasa field mag isa sa lilim ng puno at sariwang hangin. Sobrang gaan kasi ng pakiramdam ko ngayon habang suot ang headset ko. Sa totoo lang hindi lang naman isang piece ang ibinigay sa akin. Dalawang kanta sya ng secondhand serenade, yung isa a twist in my story at yung isa naman ay yung fall for you na isa sa pinakapaborito kong kanta nila kaya madali na lang sa akin yung pag tugtog nun gamit ang piano.

"PSST!"

Lumingon ako sa kaliwa't kanan, ako lang ba o may sumisitsit talaga sa akin? Napakunot ako mukhang kong tiningnan kung may tao pero wala naman kaya bumalik ako sa pagkakatitig sa music sheet.

"PSST! HYA!"

Pagalit na akong tumayo at tiningnan muli ang paligid. Akala ata ng taong yun nagjo joke time ako eh?! Agad kong tinanggal yung earphone sa tenga ko. Hanggang sa may narinig akong bungisngis sa likod ng punong pinagsasandalan ko -.- Unggoy ata to eh!? Sinilip ko kung sino yun ng bumungad sa akin yung pagmumukha ng isang kilalang drummer sa school. Sino pa ba? Si Dylan the enlightened.

"O sige tawa ka pa? ano bang pinagtatawanan mo dyan?" asar kong tanong rito. Gulat naman syang napatingin sa akin akala nya ata hindi ko narinig yung pagtawa nya.

"AY HYA! SORRY SORRY!" sabi nya at yuyuko yuko pa. Napa crossed arms ako sa harap nya at inirapan ito. Buti na lang kahit papaano mabait na taong tong lalaking to! Kaagad ko sya muling tiningnan ng napansin ko na hindi nya suot yung salamin nya.

"Yung salamin mo?"

"Hindi ko suot"

"Kitang kita ko nga eh -.- Ba't hindi mo suot?"

"May contact lenses ako!" sabi nya sabay turo ng mata nya at lapit sa mukha ko. Oo nga hindi natural color ang contact lense nya. May pagkabrown eyes sya ngayon eh?

"brown ba talaga yung eye color mo?"

"Oo brown nga, buti napansin mo no?" tanong nya sa akin at mas nilapitan pa ako lalo para tingnan yung hawak hawak kong papel. Kaagad ko naman iniharap yun sa pagmumukha nya. Kinuha nya yun at tiningnan yung music sheet. "Ah! Ito yung dalawang kantang pinagpipilian namin, alam mo mas trip ko yung a twist in my story"

"Bakit naman?" tanong ko rito. Siguro nga kailangan ko rin ng opinion ng nya para makatulong din ako. Ngumiti ito ng malawak bago sumagot.

"relate ako riyan eh"

"Paanong relate?"

"Sa daloy ng kanta at sa lyrics lalo na yung chorus, so you see, this world doesn't matter to me I'll give up all I have just to breath the same air as you 'till the day that I die, I can't take my eyes off of you" pagkanta nya habang tinitingnan yung sheet. May napansin na naman ako rito, mukhang kakaiba sya ngayon ah.

"Uy Sino yan?" pang asar kong tanong rito.

"Wala! Wala! Wala!" pagtanggi nya. Nahiya ata sya kasi ngayon lang nya napagtanto na kumanta sya. Infairness pwede rin syang maging vocalist maganda yung boses nya, bagay pa sa kanta.

Hindi ako naniniwala rito na wala lang yun. Kinuha ko yung sheet sa kanya at hinawakan yung braso nya tinatangay ko ito palakad papunta sa music room. Wala sanang tao roon.

[BOOK 1] Black Prince's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon