CHAPTER 3 [Fan Girls]
(DEON'S POV)
May oras ka rin sa akin!
Hindi na ako nakaganti. Bigla kasing dumating si Ma'am. Ilang saglit lang naging close na sila ni Meshel. Pati ba naman si Meshel nahawa na!!?
"Hindi nyo talaga ako bibitawan no?" tanong ko sa mga to.
"Hwag ka na kasi maging sadista dyan" sagot ni Gemar sa akin. Parehas na silang nakakapit sa braso ko at itinali yung mga binti ko gamit yung sintas ni Dylan kaya hindi ako makagalaw.
Kung sumigaw naman ako rito baka magmukha lang akong tanga kaya mas pinili ko na lang tumahimik. Buong oras ganon, hindi ko matiis yung sarili kong hindi gumaganti sa kanya. Nakakainis lang pati yung mga kasama ko pinagtitripan ako.
"Ako lang ba o talagang malabo na yang mata mo! Hindi mo ba nakikita yung mukha ni Hya" sabi ni Dylan at nakita ko na naman yung pusuan-mo-ko?-look kay Hya.
"Anong meron sa nakakairitang mukhang yan"
"Ang ganda ganda pre! I mean is... sobrang ganda nya pre! hIndi mo kita? Tapos ikaw ginaganun ganun mo lang? Nirerespeto ang mga ganyan pre!" sabi ni Gemar. Nandiri naman ako agad sa lalaking to. Hinawakan nya yung pisngi ko at pinisil kaya napanguso ako.
"UNU BU!!!?" pagsasalita ko habang pinipigilan si Gemar sa pag pisil ng pisngi ko. Nung mabitawan nya yun kaagad kong hinila yung kamay ko sa dalawang unggoy. "Parang hindi kayo yan ah! Mandiri nga kayo!! Hindi ko nakikita kung anong maganda dyan sa babaeng yan kaya hwag nyong ipagdukdukan sa akin na maganda sya kasi ang sagot ko lang dyan baka may katarata na yang mga mata nyo"
"Easy! Okay hindi na namin ipipilit... basta hwag kang gaganti dyan ah. Gwardyado namin si Hya" sabi ni Dylan kaysa sa blackboard nakatingin, nakatitig lang sya sa kanya.
Lumapit si Gemar sa akin para bumulong. Layo naman agad ako rito ang kaso bigla nyang hinila yung tenga ko palapit sa bibig nya.
"Aray naman!" reklamo ko.
"Sandali lang kasi may sasabihin lang ako!" sabi ni Gemar at patingin tingin kay Dylan. "Alam mo yang si Dylan... ngayon ko lang nakitang nagkaganyan yan kaya hwag mo ng patulan si Hya ah. Nagagandahan ako kay Hya pero tingnan mo yang katabi mo patay na patay sa kanya"
"Anong gusto mong gawin ko?" tanong ko sa kanya at inilayo yung mukha nya gamit ang palad ko.
"Hwag mo ng awayin si Hya!?"
"Hindi ko mapapangako yan" sagot ko at naghalumbaba. "Mga nakagat pa kayo ng babaeng yan? Umayos nga kayo! Tao lang yan"
"Just saying..."
"Don't me! Ang paggalang hindi basta basta ibinibigay, mapamatanda o bata man yan. Iginagalang ko kung sino ang gumagalang din sa akin"
"Wooo! Sino ka? Ibalik mo si Deon! Hindi ikaw yan!" lokong sabi ni Gemar at animong nag aacting na binubuhusan daw ako ng holy water. "maniniwala na sana ako, Kung nagagawa mo lang talaga yang pinagsasabi mo. Wala ka kayang sinisino?"
(HYA'S POV)
Lunch break, kahit papaano gumaan naman ang pakiramdam ko. Buti na lang matapos makipagkilala sa akin ni Meshel mas ginusto nyang tabihan ako kaya nakipagpalit siya sa katabi ko.
Napalingon ako kay Deon na kanina pang may sinasabing masama sa akin. Rinig na rinig ko sya kahit na hindi sa kanya nakaharap ang butas ng tenga ko. Tingin ko bumubulong bulong pa to ng mga sumpa sa akin eh. Ang pinaka masama Kaapelido ko ang kawangis ni Santanas.
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] Black Prince's Girl (COMPLETED)
Novela JuvenilSi Deon Lloyd Legarda ay isang popular na lalaki dahil sa kasamaan ng ugali. Binawi naman kasi yun ng looks nya. Ang looks nya at matipunong boses ang nagpaangat sa kanya. Ang sabi nga ng iba wala na raw ang makakapagpalag sa ugali ng taong to. On...