CHAPTER 18 [Ginawa nga!?]

1.6K 47 0
                                    

CHAPTER 18 [Ginawa nga!?]

[HYA'S POV]

"Seryoso gagawin mo nga yung sinasabi ni Gemar?" tanong ko rito.

Kinabukasan ng araw na yun, umagang umaga pumunta si Deon sa kwarto ko. Maaga raw syang aalis para hindi makita ni Mama at Papa yung gagawin ko sa kanya. Nakabusangot lang ito na nakaharap sa malaking salamin ko sa kwarto. Pansin ko lang na dumadalas na yung pagbisita nya sa akin sa kwarto ko. Naghahalo na nga yung amoy namin sa loob eh. Nasa likod nya ako at tumingin ako sa kanya gamit yung salamin.

"Pwede ba!? Hwag mong seryosohin to ah! H'wag mong kapalan yung make up" sabi nya at tumingin sa akin na parang pasan nya ang mundo.

"dapat nga sabihin mo yan sa sarili mo eh. Papatawarin ka naman nila eh kaya h'wag mo ng gawin to" pagpupumilit ko sa kanya at kinuha yung make-up kit na hiniram ko pa kahapon kay Meshel.

"Alam! Baka sila Meshel at Gemar papatawarin ako pero si Dylan... mahirap suyuin yun kahit na ganon sya" pagkwento ni Deon at napatingin malayo sa akin. "Gustong gusto pa naman namin na mangyare yun ang kaso tingnangihan nya kasi wala ako."

Grabe! Feeling ko tuloy napakabait kong ate rito kay Deon. Tinapik ko yung balikat nya para sabihin na 'I fell yah!' wala akong masabi may ganitong side pala siya kahit madalas puro awayan lang kami.

"Isa kang bayani" sabi ko sa kanya at pinihit yung mukha nya paharap sa salamin. "pero binabalaan na kita hindi ko pa natry ang humawak ng make up"

"Kaysa naman kay Mama ako magpa make-up"

"Oo nga naman, sabi ko nga sige na pikit na" utos ko rito. Ipinikit nya yung mga mata nya. Hindi ko alam kung anong unang ilalagay ko, bahala na nga!

*FLASHBACK~

"Sige ano yun?" pagpayag ni Deon.

Napatingin kaming tatlo ni Meshel at Dylan sa dalawang nag uusap. Matawa tawang humarap si Gemar kay Deon. Ano pinaplano nya?

"Ganito bukas kailangan magsuot ka ng pambabaeng uniform" utos ni Gemar. Alam namin na mahilig syang mang utos pero yung utos na to parang sobrang hindi ko maimagine. Hindi naman tatanggapin yan ni Deon eh "tapos kantahan mo kami sa music room na nakasuot pa rin ng ganyan, don't worry may awa naman ako kaya hindi ko yan papatagalin hanggang recess lang naman kaya umattend ka ng klase ah. Ano payag ka?"

"Ano bang dare yan? Syempre hindi! Tingin mo susundin kita?" asar na sagot ni Deon. Napikon agad agad sya sa utos ni Gemar. Si Gemar kasi yung nakakatanda sa kanilang apat. Ako naman ang mas matanda kapag sinama ako. Bigla na lang parang dinaanan ng hangin yung saya ni Gemar.

"Buti naiintindihan mo! Alam mo Deon kailangan ka na talagang pagsabihan eh. Yung pangarap ng grupo ang nawala dahil sa'yo! Gusto n asana namin ni Meshel tanggapin ang offer pero dahil isang banda tayo si Dylan na lang ang pinagdesisyon namin" sabi ni Gemar. Masama ang titigan nilang dalawa habang kami hindi namin alam yung gagawin sa away na to. "Yun nga lang hindi mo magawa eh pero kami mas malala pa dyan ang ginawa namin para sa'yo"

"Tama na yan Gemar" saway ko at inilayo sila sa isa't isa. Kamuntikan na kasing sugudin ni Deon si Gemar.

"Ang malala kaya ka pala wala kasi mas pinili mo yung gulo na pinuntahan mo kaya ka pala sugatan at may ganyan sa mukha, Ano masaya ba ang laban?" tanong nito at padabog na kinuha yung gitara nya na hawak ko. Bumalik na naman yung tension sa grupo nila habang ako hindi ko alam ang gagawin kaya pinipigilan ko na lang sila na mag away. "Sorry Hya, salamat nga pala sa pakikipagjamming sa amin. Siguro babalik na lang ako sa dito kapag nagkaroon ng spaceship si Batman"

[BOOK 1] Black Prince's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon