CHAPTER 23 [Theme song of our story 4]
(MESHEL'S POV)
"Himala! Hindi sila sumabay sa atin ah?!" sabi ko sa dalawa kong kasama sila Gemar at Dylan. Kahapon, iniwan namin sila ng magkabati. Hindi ko lang alam kung kabaliktaran nun ang nangyare roon. Yun nga! Kaya kinakabahan kami ngayon habang papunta sa Music room.
"Kasi kayo eh!? Iniwan nyo lang silang dalawa, tinangay nyo pa ako pagkaalis nyo" nakangusong sabi ni Dylan. Inakbayan naman namin agad ni Gemar yung kawawang bata.
"Pre tigilan mo yan! Baka ma-hire ka magbajao dyan! Mukha kang nammamalimos eh" puna ni Gemar. Padabog naman nitong tinanggal yung braso nito sa leeg nya.
"Ang iniisip ko baka wala na tayong maabutan na gamit sa music room. Alam nyo naman kung paano magwala yun eh" sabi ko. Bigla kami nagkatinginan sa isa't isa.
"Bwisit ka naman Mesh eh!? Ba't mo pa sinabi yan" nanlalaki ang mata ni Gemar.
"Kailangan na ba nating tumakbo?" tanong ni Dylan. Kaagad naman kaming kumaripas ng takbo.
Ayokong maging almusal ni Sir Zeke. Pag nasira yung mga instrument doon baka hindi na kami makapagaral tapos lulutiin pa kami ni Sir Zeke, Igigisa ganon. Iuulam sa kanin. Nung makarating na kami doon, nakasarado ang pinto at may naririnig kaming taong nagsasalita at may tugtog ng piano kaya idinikit namin yung tenga namin sa may pinto.
"Multo kaya?" tanong ni Dylan.
"Kung may multo man dyan =_= baka napaalis na yun ni Sir Zeke. Pari yn eh? Maliban dun nangangain pa ng kaluluwa" sabi ni Gemar. Hindi pari si Sir Zeke pero parang ganoon na rin kasi madalas nya kasi kaming sermonan.
"Shhh! H'wag kayong maingay!" saway ko sa mga to at pinakinggan yung boses na nasa loob.
"SABAYAN MO KO!" sigaw nung nasaloob. Letse! Boses ni Deon yun na nagwawala ah!? Since ako naman yung malapit sa door knob dahan dahan kong binuksan yung pinto para sumilip.
"Edi ulit! Magbigay ka kasi ng signal" sabi ni Hya na nakaupo katabi ang piano.
"=_= Yun nga yung maganda sa kantang yun eh! Bigla bigla sa umpisa! Ano yun mag wa-one two three pa ako para sa'yo?"
"Kahit bulong lang hindi mo magawa?"
"Ano pa yun utusan mo dyan!"
"Huy! Ano ba? Bubuksan lang eh!?" sabi ni Gemar ng biglang itinulak pabukas ng todo yung pinto kaya kasabay ng pagbukas ng pinto ang pagplakda ko sa sahig.
Nagulat naman yung dalawang magkapatid sa aming tatlong mga chismoso. Napatayo ako kaagad na parang walang nangyare. Pahiya pa ako ah!?
"Oy! Ba't mo naman binuksan ah!?" nakapamewang kong tanong kay Gemar.
"Ah? Kala ko bubuksan mo eh! Edi tinuloy ko" sagot nito.
"Anong ginagawa nyo?" tanong ni Deon sa amin. Nakatingin ito sa amin at parang binabalaan kami na 'Ayusin nyo yung sagot!'
"AH! NATATAE RAW SI DYLAN!" sigaw ni Gemar at hinawakan yung braso ni Dylan. Takang taka naman itong napatingin sa aming dalawa. AY PALUSOT! OO NGA PALUSOT!
"MAABUTAN NA RITO SI DYLAN!" sigaw uli ni Gemar.
"Ha? Hindi naman---" nagtatakang sabi ni Dylan kaagad kong tinakpan yung bibig nito. Hinawakan sya sa kabilang braso. Mukhang kahit papaano nagkakasundo naman sila ni Hya eh. Wala rin namang nasirang mga instrument na hindi tulad sa inimagine namin kanina.
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] Black Prince's Girl (COMPLETED)
Teen FictionSi Deon Lloyd Legarda ay isang popular na lalaki dahil sa kasamaan ng ugali. Binawi naman kasi yun ng looks nya. Ang looks nya at matipunong boses ang nagpaangat sa kanya. Ang sabi nga ng iba wala na raw ang makakapagpalag sa ugali ng taong to. On...