CHAPTER 44 [Music Camp 8]

979 31 1
                                    

CHAPTER 44 [Music Camp 8]

(DEON'S POV)

Hindi ako makapaniwala. Akala ko talaga sya si Hya, nagkamali lang talaga ako. Ano pang kadramahan na pinagsasabi ko kay Heartless. Hindi pala sya iyon!?

Katulad ng inasahan namin. Si Heartless, si Zariah ang nanalo para sa Solo performer category. Natapos ang araw namin na hindi namin nakita sa maghapon si Zariah.

Hindi porket nagpakilala na sya sa harap ng tao at nanalo. Hindi na magpapakita sa amin. Yun yung nagpabagabag sa akin sa maghapon. Nnakakainis na kasi yung mga sumunod na asal nya. Biruin mo! Matyapos naming suportahan, umalis lang sya sa stage at hindi na nagpakita ni isang anino sa amin. Nakakainis sya.

Kinagabihan, napuna ko sa mga kasama ko yung tamlay nila at parang nagsilayas yung kaluluwa nila sa katawang lupa. Kasalukuyan kaming nasa sa tent. Binabalak ng matulog upang makapagpahinga para sa laban namin b ukas pero ako lang ba? O ganon din sila na hindi magawang pumikit ng matagal habang nakahiga. Katabi ko sila Gemar at Dylan, hindi ko naman alam kung nasaan si Kuya Ken basta sya lang ang wala rito.

"Grabe? Paano kaya nangyare yun?" tanong ni Gemar sa kawalan. Habang si Dylan naman nagkukunwaring tulog na kada sampong segundo ay nagpapagulong gulong sa higaan. Pansin ko yun kanina pa kaya nakakairita.

"Dylan gusto mo bang gulong palabas dito! Sabihin mo lang ako na ang gagawa" inis kong parinig sa lalaking nagtutulog tulugan at dahil napapagitaan ako ni Mr. Senti (si Gemar) at si Sleepy Beast (si Dylan) sinikuhan ko yung mga sikmura nila nang malakas. Kaya nakabaluktot sila habang hipohipo ang nagsasakitan nilang mga sikmura.

"Sh*t! Deon! Ano ba? Sabihan mo naman kami kapag maninikmura ka ah. Gastog to hindi ako makahinga" reklamo ni Gemar na namimilipit sa sakit. Hindi ko na lang sila tiningnan mata sa mata baka maiyak pa ako sa mga mukha nilang sakit na sakit.


"Ang sakit" sabi naman ni Dylan. Lumingon pa ito sa akin, tingin ko mas maiiyak pa ako sa mukha nito eh. "para tuloy gusto kong kumain ng PBB?"

"Kumakain ka ng bahay Dylan?" tanong ni Gemar ng marinig nya ang reklamo ni Dylan.

"Hindi ah! Masarap kaya yun?! Spaghetti PBB, PBB ng PBB" biro ni Dylan at biglang ngumiti pa sa akin. Yung tingin naman namin rito parang ilang saglit na lang ipapatapon na namin to sa isang mental ward eh.

"Aalis na ako. Hindi ko kinaya yung joke mo" sabi ko rito. Napabangon ako ng higa at nagbalak na tumayo. Kaagad namang nihila ni Dylan yung ibabang tela ng tshirt ko kaya napaupo ako sa higaan.

"Grabe sya, hanggang ngayon hindi mo pa rin sya tanggap?" tanong ni Gemar at tinuro si Dylan. Yung joke lang nya yung hindi ko matanggap sa lahat eh.

"Hindi na ako magjo-joke. Sorry na, iba kasi yung atmosphere natin ngayon eh" puna naman ni Dylan. Inayos ko yung pagkakaupo ko. Oo nga nag iba yung aura namin dahil sa nangyare. "Last ko na yun pramis!"

"Hindi ako makapaniwala eh" sabi ko sa kanila at tumingala. "Ba't ba nandito si Zariah? Ang malupit sya pala si Heartless? Parang ang labo ata ah. Buong akala ko sya si Hya eh"

Yung reaksyon nilang dalawa, parang nakita ko na. Ganon din yung reakyon ni Kuya Ken nung sinabi ko sa kanya yung palagay ko. Nanlalaki ang mata na biglang mapapatingin sa isa't isa, may ilang Segundo ang pagitan bago mag salita. Puna ko na, may nililihim sila sa akin.

"Ano ka ba? Namimiss mo lang yung ate mo eh" matyawa tawang sabi ni Gemar habang nakatingin kay Dylan. Ayoko talaga yung reaksyon nilang ganyan.

[BOOK 1] Black Prince's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon