CHAPTER 24 [Theme song of our story 5]
(DEON'S POV)
Ngayon na yung program namin, actually mamaya na after 15 minutes kaya mga nag aayos na kami sa loob ng music. Natapos na kami sa pag aayos, kaming mga boys kasalukuyang mga nagpapagpag ng pulbos sila Mesh at Hya sa loob ng nakasaradong pinto.
"Grabe! Tayo mga 5 minutes tapos na eh sila ilang oras na silang nandyan wala pa rin" reklamo ni Gemar habang pinapaikot yung isang drumstick ni Dylan na parang isang majorette.
"Hindi nyo naman naiintindihan ang mga babae, sila kasi syempre gusto nilang maganda sila sa harap ng tao" pagtatanggol ni Dylan habang inaagaw kay Gemar yung isang stick na hawak nito.
"Ba't mo alam yan? Babae ka ba Dylan?" tanopng ko. Syempre nag react agad yung nguso nya.
"May ate ako kaya alam ko yun!" sabi nito ng makita namin yung paggalaw ng doorknob sa room. "Ayan na pala lalabas na pala sila"
Isang usok ba yun o natapong pulbos ang lumabas. Saka iniluwa ng pinto sila Meshel at Hya. Mga naka black leather jacket kami na iba't iba ang design at white T-shirt para sa panloob. Napatingin kami sa kanilang dalawa at napatulala. Bagay na bagay yung itsura nila sa theme namin ngayon.
"Yung laway mo Dylan" matawa tawang sabi ni Mesh Kaagad kong isinara yung bibig ko, nakanganga na pala ako. Napakamot ako ng ulo na kunwari walang nangyare at tumalikod sa kanila. Biglang inakbayan ako ni Gemar na tinuturo pa yung mukha ko habang tumatawa.
"Ano ba yan!" asar kong sagot rito at ibinaba yung daliri nya.
"Na attract ka sa kapatid mo no? Gandang lahi!" sabi ni Gemar at binatukan pa ako.
"Inggit ka lang!" sagot ko rito.
"Teka!? Ba't hindi pa rin naaalis yung usok? Ilang pulbo ba yung tinapon nyo!" tanong ni Dylan. Napakamot ito ng ulo, para kasing naging langit na yung music room sa dami ng usok na lumalabas.
"Hindi pulbo yan! Smoke machine na aksidenteng nabuksan ni Hya kaya ganyan ang nangyare" sabi ni Mesh. Kaagad naman pumasok sa loob si Dylan para patayin yun. Pahamak kasi yang babaeng yan eh kaya ganon.
"HOY ANONG SINUNOG NYO DYAN!" pasigaw na sabi ni Sir Zeke at tumakbo sabay silip sa loob ng room ng makita nyang smoke machine ang gumawa nun. Dismayadong humarap sa amin ito. "kala ko kung ano na?"
"Hya umamin ka na napapaligiran ka namin" sabi ko at masamang titig na naman ang ibinato nya sa akin.
"Aamin naman ako eh! Hindi kailangang magmadali no!?" sabi nito at nag crossed arms.
"First time mo nga pa lang makipagjam sa Checkmates no?" tanong ni Sir Zeke at tumango tango naman sya. "By the way, ang ganda mo ngayon Hya"
"Salamat Sir, buti pa po kayo napansin nyo, eh yung isang bakulaw dyan hindi"
"Ba't ko papansinin! Kaano ano ko ba yan?" tanong ko habang naglalakad kami paalis sa lugar papuntang stage. Kaagad naman nakahabolo ang umuusok pa na si Dylan.
"Grabe kala ko hindi na ako makakahinga" sabi ni Dylan at humabol pa ng lakad palapit kay Sir. Sumalubong na sa dinadaanan namin yung maraming tao. Kaya halos nagsisiksikan na kami. Hindi ko lang malabanan ngayon. Mabait ako eh? Ngayon oras lang! after ng opening song namin susugurin ko ang mga tao na to isa isa.
Napunta sa likod namin si Hya. Kaya binagalan ko na yung paglalakad. Akalain mo namang nabasang pusa si Hya dahil sa mukha nyang parang kinakabahan na ewan.
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] Black Prince's Girl (COMPLETED)
Novela JuvenilSi Deon Lloyd Legarda ay isang popular na lalaki dahil sa kasamaan ng ugali. Binawi naman kasi yun ng looks nya. Ang looks nya at matipunong boses ang nagpaangat sa kanya. Ang sabi nga ng iba wala na raw ang makakapagpalag sa ugali ng taong to. On...