CHAPTER 30 [Baby sitter 2]
(DEON'S POV)
Lagi ko na lang napapansin yung kakaibang pakiramdam ko t'wing kumakanta sya hindi naman sa nagpapakalalim pero parang hinihipo nya yung bawat sulok ng kailaliman ko. Yung pakiramdam nay un yung nagbibigay sa akin ng pananaw na hangaan sya, pero sayang lang! Hindi ako ganong tao na basta basta na lang mahuhulog sa taong ni minsan hindi ko nakita o nakausap.
Natapos ang kanta at katulad ng inaasahan pinuno ng mga tao ng palakpakan si Heartless. Ngayon na kapansin pansin ang agarang pagsikat ng babaeng to.
"Naging regular na sya rito" banggit ni Ken habang kasabay ang mga taong pumapalakpak din. "Bakit mo nga pala sinama yung kapatid mo?"
"Paano mo nalaman na kapatid ko yun?" tanong ko rito kami lang nakakaalam ng mga kasama ko yun ah?
"Tanong na naman?! Nalaman ko kasi mag nakapagsabi sa akin. Don't worry hindi naman yun mukhang chismosa"
"Sino?"
"Basta! Puro ka tanong!"
"Hindi mo kasi ako denederetso eh" asar kong sabi rito at bumalik sa paghahanap kay Hya. Umalis na kaya yun?
"Yung kakantahin nyo, para ba yan sa kapatid mo?" tanong ni Ken.
"Ewan, basta wala ka na doon" asar kong sagot at napalingon lungon. Asan nab a yung paasang yun!? Hindi ako maguumpisa habang wala pa yung babaeng yun!?
"Welcome to my life ng Simple Plan? Napaka expressive mo namang kapatid Deon!" matawang tawang sabi ni Ken at inakbayan ako. Muli nya akong hinawakan sa braso at itinulak paakyat ng stage. "Dederetsuhin na kita! Simulan mo na yan"
So yun ang paaran ng para deretsuhin ako! Bwisit na straight na yan!? Dahil sa nakaapak na rin ako sa unang baitang ng hagdan kaya itinuloy ko na para umakyat sa stage kasama ang Checkmates.
"Nasaan na pala si Hya?" tanong ni Gemar na sinisipat ang paligid.
"Kanina nandito lang yun ah!?" puna naman ni Meshel.
"Sisimulan na ba natin?" tanong ni Dylan sa akin na handa na para magbigay ng syenyas. Kaagad akong umiling at tumingi sa paligid.
"H'wag muna! Hindi ako kakanta habang hindi ko nakikita rito si Hya!" sagot ko.
Mga naka ilang minuto na rin kami nakatayo. Seryoso ako sa sinabi ko alam namanyung ng mga kasama ko eh. Kahit na nagpapahiwatig na si Ken na magsimula na kami hindi ko pa rin hinahawakan yung microphone. Sa sobrang inis nya, nilapitan na nya ako sa stage.
"Ano na? ba't hindi pa kayo nagsisimula?" tanong ni Ken na nakatingin sa mga kasama ko. Ano pa ba ang magagawa nila? Mga nagkamot ng ulo, napatingin sa malayo at nakayuko. Humarap sa akin ito. "Ikaw!? Ba't hindi mo sinisimulan?"
"Umalis na si Hya?"
"Yan ka na naman sa tanong mo eh" reklamo nito at napakamot na rin ng ulo. Bumaba ng stage si Ken at pumunta sa backstage. Habang kami ng mga nanunuod nagkakamatayan na sa titig. Patagalan sa titigan, walang kurapan. Nangako sa akin yung mangkukulam na yun eh tapos bigla bigla nawala?
Mas mahalaga pa ba ang trabaho nya?
MAy pangapangako pa syang nalalaman dyan!
Mukha talagang pera oh!?
"DEON!"
Napalingon ako sa gilid ng makita si Ken kaakbay nya si Hya na hingal na hingal. Kumaway pa sa akin ito habang nagtuturo turo naman si Ken para magsimula. Madali lang naman ako kausap eh. Sinenyasan ko muna sila Dylan at muling lumapit sa microphone.
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] Black Prince's Girl (COMPLETED)
Teen FictionSi Deon Lloyd Legarda ay isang popular na lalaki dahil sa kasamaan ng ugali. Binawi naman kasi yun ng looks nya. Ang looks nya at matipunong boses ang nagpaangat sa kanya. Ang sabi nga ng iba wala na raw ang makakapagpalag sa ugali ng taong to. On...