CHAPTER 22 [Theme song of our story 3]

1.4K 51 0
                                    

CHAPTER 22 [Theme song of our story 3]

(DEON'S POV)

Kinabukasan, higit pa sa inaasahan ko. Sabay sabay na naman kaming pumasok apat kasama na rin yung sampid sa samahan, si Hya. Lumingon ako para tingnan ng masama si Hya kaagad naman itong napatingin malayo sa akin.

Nasa bungad pa lang kami ng room namin ng makitang maraming babaeng nakaabang sa may pinto at may kung ano anong kaekekan na banner ang halos ipamukha sa mukha ko. Mga lobo at umaalingasaw na amoy ng pabango ang nalalanghap namin.

"Wow naman! Walang araw na hindi ka nila pinatahimik ah" puna ni Dylan. Tuwang tuwa pa to sa nangyayare

Nakatingin lang kami sa mga babaeng yun. Nang biglang may naglakas loob ng lumapit. Sino naman to?

"Hi Deon! Balita namin mag tinanggap ka raw na isang chocolate kahapon! Pwede ba yung akin din?" tanong ng babae. So? Kumalat pala yun? Tumingin ako ng masama kay Hya.

"Bakit? Malay ko bang ganyan ang mangyayare?" tanong nun na nakanguso. Pa inosente pa to! Sarap sugudin eh!?

"Sinabi ko PO! Na ganyan ang mangyayare pero kinuha mo pa rin PO!"

"H'wag mo nga akong ipoPO!"

"Bakit PO ba? Hindi ba gusto nyo PO na ginagalang kayo!"

"Hindi ka mukhang gumagalang! Mukha ka pangang na ngangasar eh!?" asar nyang sabi sa akin. Hindi na namin naisip yung mga babaeng nakaharang sa may pinto.

"Ah ganon? Sorry ah -.- Akala ko gusto mo ng paggalang eh" sarcastic kong sagot ko at napahawak din sa may bewang ko. Kulang na lang ipang sabaw ko sa bulalo yung dugo ko sa sobrang pagkulo sa kapatid ko eh. Despite the fact na hindi pa rin nagsisink in sa akin na kapatid ko sya. Grabe! May lahi kaming batik batik! =.=

"HAY! BWISIT KA TALAGA KAHIT KAILAN!" sigaw nya sa akin. Takang taka naman yung ibang mga taong napapatingin sa pag aaway namin. Oo nga pala =_= Walang nakakaalam na kapatid ko tong reincarnation ni San Goku. Kulang na lang mag cramping sya sa kinatatayuan nya sa sobrang pag gigil sa pagmumukha ko.

"Huy! Easy lang?! Matunaw kayo nyang sa titig nyo" sabi ni Gemar. Humarang pa ito sa pagitan namin hindi ko lang masambunutan si Hya. Talagang ginawa pa nyang bakod yung sarili nya =_=

"Tumabi ka, baka sayo ko masaksak yung bagong tasa kong lapis" asar kong sagot rito.

"Gusto mo pa palang saksakin ako ng lapis! Go! Bilis saksakin mo na!" pag aaya ni Hya. Ngayon lang sya naging mabait sa akin, hinahayaan nya akong gawin yung sinabi ko kanina.

"Napakabait mo naman" sagot ko rito. Iniharap ko sa akin yung bag ko na literal na may bagong tasang lapis. Hinawakan ko yun mula sa loob ng bag ko. "H'wag kang iiyak ah"

"Pakalmahin nyo nga yan!" utos ni Gemar. Kaagad naman inakbayan ni Dylan si Hya at nauna na silang pumasok sa loob. Nakaagaw naman ng pansin agad yung ginawa ni Dylan. Napatigil kami sa kanya kanyang ginagawa. "Anong drama yun?"

"Ewan ko! Ayan nang utos ka pa kasi eh naka damoves tuloy si Dylan, pasimpleng hokage rin yan e" puna ni Meshel. Hawak ni Gemar yung isa kong braso kasabay naman nun ang lumapit si Mesh sa akin.

"Ang hilig nyo mang corner no? Pwede na kayong kidnapper" sagot ko sa kanila. Kakausapin na naman ako ng dalawang to eh.

"Deon?" tawag ng babaeng kanina pa nakatayo malapit sa amin. Buti na lang nandito pa ang baliw na babaeng to. Hindi ko sya kialal pero pwede ng pang alibi.

[BOOK 1] Black Prince's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon