CHAPTER 45 [Music Camp 9]
(ZARIAH'S POV)
Pumalakpak ako pagkatapos nilang umawit. Nasapawan ang ingay ko ng mga ingay mula naman sa ibang tao. Kung makapagwala naman sila kala mo naman na stranded sa isang isla tapos pinagaagawan yung kakapirasong buko na nahulog sa puno. Hindi ko alam kung paano ko naimagine yun pero parang ganon talaga sila.
Mga nagsugudan ang ibang mga kababaihan sa may exit ng mini stage. Mga nagayuma rin ni Deon. Ang Pogi nya!. Kaagad kong hinablot ang pouch ko at sumugod din sa may exit.
"Ma'am! Wait lang po!" parang tuod na pagsunod sa akin ni Kier. Si Kier ay yung batang bata kong body guard. Actually magkasing age lang kami at wala ako kaide-ideya kung bakit naging body guard ko ang lalaking makupad na to. Kainis!
"Che! Ewan ko sa'yo mas mabilis pang sumunod ang aso sa'yo!" asar kong sabi at marahas kong pinaghahawi yung mga babaeng naka harap sa exit, makasingit lang ako. Mga masasamang mga tinginan ang naging daan para makapunta ako ng walang kahirap hirap sa may exit. "Good!"
Halos mapakapit naman si Kier sa balikat ko sa sobrang hingal. Inirapan ko ito at inialis ang kamay nya sa balikat ko.
"Ew! Don't touch me!" inis kong sabi kay Kier at humarap sa may exit inaabangan sila Deon. "Mas mabilis pa ako sa'yo paano ka kapag na kidnap ako? Baka nilalamay na ko, ikaw padating pa lang!?"
"Grabe sya! Hindi naman, syempre hindi ko hahayaan yun" sagot nya sa akin at matikas na tumayo na nakapwesto sa likuran ko hindi lang ako matulak ng mga babaeng sabik din makita sila Deon.
"Ano pa ba yung inaasahan ko? It's your job"
"No Ma'am, Kahit ano pa yun, hindi ko hahayaan yun" sabi nya.
Nagulat ako nun pero hindi na ako nagabala pang tingnan sya, nagkunwari akong hindi ko narinig yung kadramahan ng lalaking to. Hindi rin naman nagtagal, lumabas din naman ang taong kanina pa namin hinihintay. Iniluwa ng isang maliit na pinto si Deon. Nagulat pa itong nakatingin sa akin.
"Congrats Deon" bati ko rito at nakangiting inilahad ang kamay ko. Nagdadalawang isip pa sya nung mga oras na yun. Buong akala ko mapapahiya ako kasi kanina ko pa inilahad ang kamay ko pero sya nakatyitig lang sa akin na parang kinikilatis ako.
"Salamat, Heartless" sabi nya at kinamayan na rin ako. Ngumiti pa ako ng todo at napakapit sa braso nya. Nagulat sya sa ginawa ko pero hindi na rin nya naialis ang kamay ko na nakakapit sa braso nya, dumeretso ito ng lakad.
"Tiyak akong mananalo ka dyan Deon" bulong ko sa kanya at ngumisi. Hindi ko mabasa ang reakyon nya na parang walang nangyayare. Wala ni isang ngiti ang lumabas sa labi nya. Tumango lang ito sa akin.
(HYA'S POV)
Tapos na, tumayo ako at muling sumilip sa nakabukas na tent. Kaliwa't kanang tingin na parang tatawid sa kalsada. Nang biglang may kakaibang mukhang lumitaw sa nakabukas na tent.
"AHHHHHHHHHHHH!" sigaw ko ng malakas at napatakip pa ng mukha. Susme! Ano ba yun?? Sumilip ako sa pagitan ng mga daliri ko. "Lumayo ka! Nagdadasal ako hoy! Hwag kang ano!?"
"Sinabi mo sana ng maaga na iiwan mo lang ako sa ere, edi sana naka Airplane Mode ako"
Tinanggal ko yung palad ko na nakatakip sa buong pagmumukha ko. Pawis na pawis ako sa init ng hininga ko. Feeling ko lalagnatin ako ng sobra. Si Kuya Ken yung kakaibang mukha na biglang sumulpot sa may labas.
:{"srtt6i
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] Black Prince's Girl (COMPLETED)
Ficção AdolescenteSi Deon Lloyd Legarda ay isang popular na lalaki dahil sa kasamaan ng ugali. Binawi naman kasi yun ng looks nya. Ang looks nya at matipunong boses ang nagpaangat sa kanya. Ang sabi nga ng iba wala na raw ang makakapagpalag sa ugali ng taong to. On...