CHAPTER 27 [Theme song of our story 6]

1.1K 43 0
                                    

CHAPTER 27 [Theme song of our story 6]

Yun nga at nung nagumpisa na naman yung araw ng klase namin. Binigyan kami ng teacher namin na isang color book sa halagang fifty-pesos. Pinagdala kami ng crayon para mag kulay.

"Uh? Hindi naman ako yung mataba eh kaya pwede mong gawin yung utos ko" paliwanag muna ni Gemar at ibinigay sa akin yung color book nya na puro Justice leage. "Palit tayo! Akin na lang sila Barbie"

"Hindi mga Barbie to! Princess sila! Pero sige ito oh!" sabi ko at nagpalit nga kami. Grabe ang panget naman magkulay ni Gemar! lagpas lagpas sa guhit! Sa kinauupuan ko ramdam ko na yung mahinang pagyanig ng sahig. "Lumilindol ba?"

Umiling si Gemar na kasalukuyang nakatingin sa matabang dadaan malapit sa table nya.

"HOY! MESHEL! KULAYAN MO NGA TO!" isang Godzilla na naman ang lumapit sa amin. Tinakpan na ng tabatsoy si Gemar. "Kapag hindi mo kinulayan to hindi ko ibabalik siButtercup"

Ano pa bang magagawa ko? Wala si Ma'am sa room halos wala namang paki ang mga kaklase ko sa paligid nila.

"Hindi na! ayoko nga! Gawa ako ng gawa eh! Tapos kinukuha mo pa yung baon naman ni Gemar. Ayoko nga! Ikaw na lang! makukuha ko rin yan!" yun lang ang sabi ko. Hindi naman makapagsalita yung tabatsoy at bigla bigla na lang tahimik syang umalis.

"Sabi ko sa'yo eh! Ipakuha na lang natin kay Ma'am si Buttercup mamaya" sabi ni Gemar tumango naman ako. "Sabi ng mga kaklase nating Bongbong raw ang pangalan ng elepanteng yun"

Nung mag uwian na, cleaners kami kaya naiwan ang row namin para maglinis. Napansin ko kaagad yung nakatumba na basurahan sa room. Tumambad sa akin yung gutay gutay na katawan ni Buttercup. Hindi na ako nagsalita at umiyak na lang ng umiyak nung mga oras nay un.

Ano bang nangyare sa akin pagkatapos nun? Hindi na ako pumasok. Kung ano anong dinahilan ko kay Mama para hindi lang ako papasukin hanggang sa nalaman nila na biktima ako ng Bullying kaya pinalipat kami ni Gemar ng school.

*END OF FLASHBACK~

Tapos bigla bigla, ganito? Ka schoolmate ko na pala ang nam-bully sa akin, si Bryan na kilala namin dati bilang Bongbong. Kaya bigla akong nainis nung maalala ko iyon, SOBRA!

Masama akong nakatitig sa kanya habang sya palapit na sa akin. Sobrang nagsiksikan yung mga tao kaya biglang may tumulak sa akin pasubsob ako sa harap. Patakbong lumapit si Bryan sa akin at kaagad naman akong sinalo.

"Ayos ka lang?" tanong nito sa akin. Itinulak ko sya palayo sa akin kaya natahimik yung mga tao habang tinitingnan kami. "May problema ba?"

"Tumigil ka nga! Kahit na ano pang sabihin mo dyan hindi ako susunod sa'yo!" bulaslas ko at napatakip ng bibig. Ano bang pinagsasabi ko? Dapat sinabi ko yun dati sa kanya yung binubully nya ako eh. Natahimik si Bryan at may kinuha sa bulsa nya. "Ah! Wala akong ibig sabihin doon"

"Alam ko na!? Dahil ba yun sa ginawa ko dati?" tanong nya at ipinakita sa akin yung isang keychain na may nakakabit na mini buttercup. "I'm sorry, dahil sa ginawa ko dati sa'yo, hindi ka nagpakita sa school hanggang sa nalaman kong nagtranfer ka na sa iba. Simula nun, lagi ko ng iniisip na kasalanan ko yun"

Tinitingnan ko pa lang yung mukha nya halata na sa kanya na binabagabag din sya sa ginawa nya.

"Ms. Buttercup pwede ba akong bumawi?" tanong nito. Walang ano ano? Napapatango na lang ako sa sinabi nya ta muli syang ngumiti.

Wala ka talaga Meshel ang sabi mo hindi ka na susunod! Eh ano ba tong ginawa mo? Sinunod mo na naman sya!

(HYA'S POV)

[BOOK 1] Black Prince's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon