CHAPTER 37 [Music Camp 1]
(DEON'S POV)
Iniwasan nya ako. Buong linggo kaya hindi na ako nagbalak pa magpaalam na ngayong oras na ako aalis. Kasalukuyan kaming nasa van ni Kuya Ken. Ako yung huli nilang dinaanan sa bahay. Nandito naman kaming lahat kasama si Heartless na naka pwesto sa harap katabi ng driver's seat.
"Huy!?" tawag ko kay Heartless. Napalingon naman to sa akin akala ko haharap sya sa amin ng walang maskara yun pala hanggang dito nakamaskara sya. "Hanggang kailan mo susuotin yang costume mo?"
"Tumahimik ka nga dyan! Deon, nagsisimula ka na naman eh" saway sa akin ni Kuya Ken na nagmamaneho. Isinuot ko na lang yung headphone ko at napatingin sa bintana habang hinihintay kung saan kami padpadin ng kalsadang to. "Deon!"
"Oh?" inis kong tugon dito. Tingnan mo to patatahimikin ako tapos bigla akong kakausapin!? "Ano ba yun?"
Pansin ko naman na tulog pa yung mga kasama ko liban na lang sa aming tatlo nila Kuya Ken at Heartless. Mga tulog mantika!? Pagsasabihan na naman ako umagang umaga. Kanina pa ako sinusulyapan ni Kuya Ken sa side mirror dahil hagip ako nun.
"Kumusta kayo ng kapatid mo?" tanong sa akin.
Naalala ko na naman yung hindi ko pagpigil kagabi. Isa pa yung yung nagpapasakit ng ulo ko!? Hindi ako pinatulog ng utak ko sa kakaisip sa nangyare. Hindi ko rin naman inasahan yun? Alam mo yung normal lang sa lalaki? Kahit sino ba naman ang lalaking nasa sitwasyon ko, na gulong gulo sa sarili gagawin yun eh!? Pero kahit anong paliwanag ko sa nisip ko h'wag ko lang aalahanin pa yung ginawa ko, balewala pa rin! Nagkunwari akong wala akong narinig sa tanong nya.
"Alam kong naririnig mo ko, Deon. H'wag ka ng umiwas ng sagot dyan!? Kumusta kayo ng kapatid mo?" tanong ni Kuya Ken. Hinubad ko na yung headphone ko.
"At ano namang paki mo. Wala ka namang alam sa amin eh!?"
"May alam ako!? Baka nga ikaw yung walang alam eh!?"
"H'wag ka na ngang magpakalalim dyan?!" saway ko kay Kuya Ken. Kanina ko pa nahahalata yung logic nya na pilit isinusuksok sa akin. "Hindi ako ganon katalino kaya h'wag mo kong batuhan ng logic dyan"
"Gusto ko lang naman isuksok dyan sa kokote mo na kumusta yung pakiramdam mo na hindi mo kasama yung kapatid mo ngayon?" tanong nito sa akin. Napansin ko naman na napatingin si Heartless kay Kuya Ken. Tingin nya ata nag aaway kami pero sa totoo lang ganyan lang naman talaga kami kung mag usap.
"Ayos lang, seventeen years nga na wala sya kinaya ko eh. Ngayon pa na ilang buwan ko pa lang sya nakikilala" sagot ko sa kanya at ito na yung tinatawag naming usapang matino. Hindi ko na lang muna inintindi yung babaeng kanina pa na napaghahalataan kong nakikinig at interesado sa usapan namin ni Kuya Ken. Wala naman syang kinalaman sa akin eh. Napangiti naman bigla si Kuya Ken kitang kita ko yun mula sa side mirror ng van. Nasa bintana lang kasi ako eh.
"Kung makasalita ka ah! H'wag ka ngang magsalita ng tapos? Baka mamaya maya lang tawagan mo yang ate mo eh" matawa tawang pang asar sa akin ni Ken Ken.
"Pwede ba? Hinding hindi ko tatawagan ang taong yun!" sagot ko rito at binuksan yung bintana ng van para mahangihan ako.
(HYA/ HEARTLESS' POV)
Si Kuya Ken talaga oh!? Halos takpan ko na yung mukha ko sa kahihiyan sa tanong niya kay Deon eh!? Ba't ko pa kasi sinabi sa kanya kung ano yung nangyare??
*FLASHBACK~
Hindi ako makatulog! Matapos yung nangyare sa amin ni Deon ang laki lang ng pasalamat ko kasi hindi yun narinig o nakita man lang nila Mama at Papa. Bukod dun hindi na ako nilubayan ng nangyare at hindi ako dinalaw ng antok. Pumunta ako sa King's Bar, nagpaalam naman na ako kay Kuya Ken na makikitulog lang ako roon.
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] Black Prince's Girl (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsSi Deon Lloyd Legarda ay isang popular na lalaki dahil sa kasamaan ng ugali. Binawi naman kasi yun ng looks nya. Ang looks nya at matipunong boses ang nagpaangat sa kanya. Ang sabi nga ng iba wala na raw ang makakapagpalag sa ugali ng taong to. On...