Chapter 2.1: "The Crazy Little Thing Called Crush"

45 0 0
                                    

"SEAN PAUL VINO!"

I don't care kung ilan silang nakatingin sakin right now. Nilingon niya ako. I smiled and waved my hand. He smiled back. Kilala pa pala ako ng mokong na to. Lumapit siya samin. I can feel Paola's tension. I looked at Paola. She's blushing. I think she had a crush on Sean. I'll be the cupid. Paglalapitin ko kayo.

"Hey there, Sean." Bati ko kay Sean.

"Hey Chel. Nice to see you again." Sabi niya with a smile on his face.

Napansin ko lalong namula si Paola nung nag-smile si Sean. As I've thought, she has a crush on him. Napangiti ako.

"Nice to see you too. Anyways, kumusta na sina Tita Liza at Tito Eli?" Tanong ko.

"Ayun, ok na ok. Eh sina Tita Louisa and Tito Daniel? Sweet pa rin ba?"

Kakatawa naman tong si long lost friend ko. Di na kasi kelangan tanungin if sweet pa sila sa isa't isa. Matic na yun.

"They're fine. And yes, they're sweet as always." I answered.

"Good to hear that. Sige. I got to go. Hinihintay ako ng mga kasama ko. Dalaw ako sa bahay niyo bukas. See you around." Paalam niya.

"Ok. Ingat."And yun, umalis na si Sean. Pero bakas pa rin sa mukha ni Paola ang kaba. Medyo kinilig ang loka sa smile ni Sean. Mapagtripan nga tong si Miss Makahiya.

"Hoy Paola Paulita. Crush mo si Sean no? Oyy oyy aminin." Habang tumatawa ako ng nakakaloko.

"H-hindi no." Sagot niya. Aba't namumula ang loka.

"Anong hindi? Ang lagkit ng tingin mo sa kanya kanina." Sabat ni Krizza.

"Oo nga. Kulang na lang tunawin mo si Sean sa titig mo kanina. Sean nga ba yun?" Sabi ni Luzy.

Natahimik si Paola. Pinagkaisahan kasi namin eh. Hala.

Paola's POV

Hi there. I'm Paola Salonga, 16, representing Philippines! Ako ang soon-to-be-girlfriend ni Sean Paul Vino KO. I repeat, KO. Chos! Kung pano ko siya naging crush? Here's the story...

*FLASHBACK*

Summer nun. I think it's 23rd of May. Since wala pang pasok at bored ako sa bahay, naisipan kong pumunta sa National Book Store. Naisipan kong bumili ng mga book na interesting basahin. So nung mabili ko na mga 'yon, naglalakad ako papuntang park. Dala-dala ko ang mga book na kakabili ko lang kanina. Bookworm kasi ako eh. Busy ako sa paghahalungkat ng kanta sa iPod Shuffle ko nang...

"Aray!" Nabangga ako... ng gwapong nilalang na 'to. Pansin niyo lagi na lang may nakakabangga sakin? Malas na swerte ako. Ang ironic no? Malas kasi lagi nalang ako nabubunggo ng mga tao sa paligid ko. Swerte dahil halos lahat ng nakakabangga sa kin ay nagiging kaibigan ko.

"Ayy sorry miss. Nasaktan ka ba?" Tanong ni kuya boy.

"H-ha? O-ok lang ako." Eto nanaman ako, nag-blush nanaman.

"Sure ka ha miss?" Paninigurado niya.

"O-oo. Oo naman." I assured him.

Tinulungan niya akong pulutin yung mga book ko. Napaka-gentleman naman. Last book na lang ng biglang...

"S-sorry."

Sabay naming sabi. Pano kasi accidentally naming nahawan kamay ng isa't isa. Lumakas lalo tibok ng puso ko. Parang gustong kumawala. Maya-maya...

"SEAN PAUL VINO, LET'S GO BRO. TARA NA SA COURT, BASKETBALL NA TAYOOOOO."

So Sean Paul Vino pala ang name niya. San kaya mag-aaral to? I got curious. Di ko namalayang sinundan ko na pala sila. Nanood ako ng laro nila. Nice game. Ang galing niya pala. So eto ako, LAGLAG ANG PANGA. At the same time pati puso ko gusto na humiwalay sa katawan ko. After their game, I can't stop thinking about him. Pagka-uwi ko sa bahay, dun na ako nagsisisigaw.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!"

"Huy Paola. Anung nangyayari sa imo." Tanong ni Manang Chacha.

"Ah w-wala. Wala po. AAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!"

"Wala daw. Eh baket ka sumesegaw deyan? Para kang balew. Hayy naku. Ambot sa imo day." Anu daw sabe ne Manang Chacha? Iwan ku. De ku alam. Ibig kong sabihin, 'ano daw sabi ni Yaya Chacha? Ewan ko. Di ko alam.' Haaaaaaaaaaay ano ba yan. Nakakahawa naman si Manang Chacha. I love her! I entered my room and I put the books on my study table then I went straight to bed and nagpagulong-gulong ng paulit-ulit.

*END OF FLASHBACK*

"Hoy Paola Paulita. Crush mo si Sean no? Oyy oyy aminin." Ani Chel habang tumatawa ng nakakaloko.

Tawagin ba naman akong 'Paola Paulita' nitong si Chel? Bagong pangalan ko? Teka, ganun na ba ako kahalata? Ita-tanggi ko na lang. Baka malaman pa ni Sean. Close pa naman ata sila nitong si Chel. Tama. Tama. Ide-deny ko na lang. "H-hindi no."

"Anong hindi? Ang lagkit ng tingin mo sa kanya kanina." Sabi ni Krizza.

"Oo nga. Kulang na lang tunawin mo si Sean sa titig mo kanina.Sean nga ba yun?" Sabi naman ni Luzy. Bistado ka Paola.

"Ah. Eh. Wag kayo maingay. Please?" Pakiusap ko sa kanila. No choice na kung di umamin. Masiyado na ako halata. Nako, Nako.

"Maaasahan mo kami." Sabay sabay nilang sabi. I hope so. Para sa katulad kong, alam niyo na, mahiyain, na para bang walang self-confidence. Nako Chel, Krizza, and Luzy, pagambag-ambagan niyo naman ang pagbibigay sakin ng confidence.

"Sige, aasahan ko kayo ha. Let's make a promise. We'll keep my secret and we'll be friends forever.So, promise?" Ayan na. Mukhang pinky swear ang mangyayari dito ha?

"WE PROMISE." There. We made a promise. And no one shall break that. After a while, bigla nanamang may lumapit kay Chel na babaeng ubod ng puti. Grabe ang ganda niya. Parang si Chel. Ano niya kaya 'to?

"Hey bestie. We met again. So sup?"

Ah best friend niya pala. No wonder. Birds of the same feather, flocks together. Ano daw?! Eh sa pareho silang maganda eh. Actually, lahat ng kasama ko ngayon, magaganda. Ako lang ata ang naiba. Bukod kasi sa Nerdy look ko, di pa ako nag-aayos. Saka, what for kung mag-aayos ako diba? Eh di din naman ako mapapansin ni Sean.

"Bes, meet my new friends. This is Luzy, this is Krizza and that one's Paola. Paola, Krizza, Luzy, this is my best friend, Iza." Pakilala ni Chel.

"Hi. Nice to meet you all." Iza said with a smile on her face.

And siyempre. We're all pleasured to meet her so we greeted her back.

"Guys, bes, siya na. I have to go. So I guess, see you around? Bye." Paalam ni Iza.

"Bye." Tuluyan na siyang nawala sa aming paningin. She's so d*mn beautiful. Parang nakakita ako ng artista.

Tumunog na ulit ang bell. The break's over. We have to go back to the room before our next class starts. So ayun, nagstart na kaming maglakad pabalik ng room.

Rule Breaker No. 143Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon