Rachel’s POV
‘Aaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh.’
‘Papa Drake!’
‘Oh Em Gee!’
‘Akin ka na lang!’
Oh eto na yung tinitilian. Papalapit sa table namin. Teka, he looks familiar. Ah yeah. Siya pala yung kasama ni Austin noon. Si Prince Sungit. Gwapo niya. Hoy Chel. Keep your calmness.
“Oh Drake. Nandito ka na pala. Dito ka na umupo. Kain tayo.” sabi ni Austin. Tapos nag-smile si Prince Sungit este Drake. Tsaka siya umupo sa tabi ni Austin.
“Guys, si Drake. My best buddy. Bro, this is Chel, this one’s Krizza, that one’s Paola and that one's Luzy.” Pagpapakilala sa ‘min ni Austin.
“Hi there. I’m Drake Rui McCartney. Drake for short.” Tapos nag-smile ulit siya.
Di naman pala masungit eh. Actually pala ngiti pala siya. He’s so cute. Ang saya. Buti naging kaibigan ko si Asungot kundi, di ko makikilala ang gwapong nilalang na ‘to. Ayun, um-order na siya ng food, pumunta sa may cashier. Ang daming nakapila that time pero pinauna siya. Sa bagay puro naman babae yung mga nakapila eh. Halata naman nagpapa-cute yung mga ewan. Sus. Akin yan. Wag na umepal. Asa pa ako. After few minutes, nandito na ulit si Papa Drake. Ay Drake lang pala. Nahahawa na ako sa mga babae. Tsk!
“Ang daming nakapila kanina tapos pina-una ka lang.” Sabi ni Krizza na may halong pagtataka.
“Oo nga naman Drake. Ano bang meron ka ha?” Tanong ni Luzy.
“A-ah. Eh. Ewan ko sa mga yun. Kawawa naman sila. Pina-una pa kasi nila ako.” Sabi niya.
“Ako alam ko ang dahilan. Isa lang naman sagot diyan. Kasi gwapo siya.” Sabi ko naman. Sabay smile.
“Eh mas gwapo pa ako diyan. Tss.” Pabulong na sabi ni Austin.
“Hoy mahiya ka nga. Mas gwapo si Drake kesa sayo. Dagdag mo pa yung pagka-gentleman niya. Di hamak na mas lamang siya sayo. Hahahaha.” Sabi ko.
“Ano ba namang klaseng tenga ang meron ka ha Chel. Binulong ko na nga lang narining mo pa din? Sus. Di tengang aso. Hahahaha. Ang galing naman.” Sabi niya na may halong pang-aasar.
“Tengang aso pala ha? Eh ikaw bulong ka ng bulong. Para kang bubuyog. Di lang yun. Asungot ka na, kasing kapal pa ng dictionary yung fez mo. Hahahaha.” Sabi ko naman.
“Anong sabi mo?!” Asar na to.
“Oh? Di mo narinig? Ah oo nga pala. Ako pala may tengang aso, eh ikaw? WALA. Hahaha. Kawawa ka naman. Wala ng ulitan. Belat!”
Tapos, tumayo siya. Akmang hahabulin ako neto. Hahaha. Asar siya. Wala palang binatbat sakin eh. Tumayo na din ako sabay takbo. Naghabulan kami hanggang nakalabas kami sa canteen.
Drake’s POV
Hello. I’m Drake Rui McCartney. 18. Ang akala ng iba masungit ako. Snobbish kung baga. Ganun talaga ako lalo na pag di ko kilala. I don’t need everyone’s attention. Naiinis lang ako. Di kasi ako sanay. Nung sumali ako ng Basketball at naging varsity player ako, dun na nagsimula ang worst nightmare ko. Kung yung iba gustong gusto ng attention, well ako, hindi. Gusto ko lang ng simpleng buhay tulad nung nasa Great Britain pa ako kasama ni Papa. Dun ako ipinanganak ni mama. Dun ako lumaki. Bumibisita lang kami dati dito sa Philippines dahil sa mga company namin. Vacation lang kami nagpupunta sa Pilipinas. Nags-stay kami dito for only 2 months. Kapitbahay namin noon si Austin siya lang kaibigan ko since then. Yung mga pinsan ko, ayaw sa ‘kin kasi daw ubod ako ng sungit. Si Austin lang nakatagal sa kasungitan ko. Mabait din naman ako at pala-ngiti. When I turned 10, nagdrama si mama. Pinapatira ako sa Philippines para daw may kasama siya. Si mama kasi, umuwi sa Pinas nung 8 pa ako. Siya kasi umaasikaso sa mga kumpanya namin dito. Since 10 years young pa lang ako nun at di ko pa kayang mag-isa sa pagpunta sa Philippines, pinasundo ako ni mama sa P.A. niya. Tapos ayun. Lagi ko na kasama si Austin. Same school, same room. Eh diba siya lang kaibigan ko? At siya lang nakakasama ko. Kakatapos lang nung klase namin kanina.