Chapter 5: "The Most Awaited Party"

14 0 0
                                    

Rachel’s POV

Boring days have passed. At eto na. Kinabukasan, party na ni bestfriend ko. Matawagan nga tong babaitang to.

*Calling: Bestie Iza

(Hello?)

“Hello bes. Bukas na birthday mo!” I exclaimed.

(Oo nga. At mukhang mas excited ka pa kesa sakin. Hahaha! Loka loka ka talaga.)

“Oo kaya nga mahal mo ko eh.” Biro ko.

(Sira. Haha. Mahal kita kasi ikaw bestfriend ko! Haha.)

“Bes, busy ka ngayon?” Tanong ko.

(Di naman bes. Bakit?)

“Papasama sana ako sayo. Eh wala pa ako isusuot bukas.” Sagot ko.

(Oh sure. Sige papunta na ako diyan.)

“Really? Thanks. Wait kita dito. Ingat ka ha. Love ya.”

(Oh siya na. Sige sige. You too.)

We hung up and I started to dress up. Nako nako excited nako. Maya maya lang at nandito na bestfriend ko. We went to the mall and started to find the perfect dress that I should wear for tomorrow. Then after 3 hours, we found it. Tinreat ko si bes sa Kenny Rogers. Gutom kami pareho. Tagal naming naglakad lakad. Tapos nun, umuwi na kami.

Kinabukasan…

Eto na ang araw na pinakahihintay namin. Kagabi pa lang inayos ko na yung mga gamit na dadalhin ko. Tinext ko na din yung tatlong lukaret at ayun, ready na daw sila. Actually, kanina pa daw nila ako hinihintay. Ako kasi ang pi-pick up sa kanila. Overnight kasi kami dun kaya dadalhin ko nalang yung car ko. Ayoko naman maistorbo si Manong Julio. Saka isa pa may license na din naman ako. Dinaya yung age ko. Shh lang. 10 AM nagpunta na ako sa mall. Remember, may pinag-usapan kami ni Paola? So pagkapasok ko sa mall, agad ako sinalubong ni Paola. Bakas sa mukha niya ang excitement and curiousity. Di kasi niya alam kung anong gagawin ko sa kaniya. Basta, all I know is I want to help Paola to boost her self-confidence. Nagpunta na kami sa salon at sinabi dun sa stylist na siya na bahala. Sinabi ko na she need to look her best. Ayun. Iniwan ko muna siya para ibili siya ng dress na babagay sa kaniya. Ibinili ko na din siya ng Contact lenses. All I can say now is, “Goodbye Nerdy-Look. Hello Pretty Paola!” oh di ba? Sarap pakinggan no? After 2 hours, binalikan ko na siya. Oh M! Ang ganda talaga niya. Now that’s what I’m talkin’ about. Then after the moment  of amazement, pinasuot ko na sa kaniya yung binili ko for her. Inalis ko na yung salamin niya. Pinasuot ko na din tong contact lenses. My gawd! She looks gorgeous. I mean, reaaaaaaaaaaal gorgeous. After that, sinundo na namin yung dalawa. While we’re on our way to the resort, ang ingay ingay sa loob ng car ko! Pano naman kasi, the whole trip kinukulit nila si Paola.

“Paola! Ang ganda mo.” Sabi ni Luzy.

“Paola buti nalang naisipan ni Chel to.” Sabi naman ni Krizza.

“Ah. Eh.” Speechless si Paola.

“Hey hey. Girls, stop that. Haha. From the start naman, alam naman natiin na maganda talaga si Paola. Di nga lang nag-aayos. Tinulungan ko lang siya ng konti.” Sabat ko habang nakangiti.

“Tama nga naman.” Pagsang-ayon ng Two Broke Girls.

Si Paola, ayun, nagb-blush lang. Ang c-cute talaga ng mga kaibigan ko. 30 minutes after, nakarating na kami sa Private Resort nina Iza. Ang bongga ng party. Invited pala lahat ng friends namin and yung mga classmate niya. At siyempre, dahil nga invited lahat ng friends namin, di pwedeng mawala si Sean. Kami kayang tatlo ang mga magb-bestfriends. Kaya nga pina-ayusan ko si Paola para naman pag pinakilala ko siya kay Sean ay magiging madali na ang lahat. Sila ang magiging FUTURE LOVEBIRDS ng aming tropa. Di ba sinabi ko naman nung una, paglalapitin ko silang dalawa? Ayun, nasa loob na kami ng resort at overnight kaming tropa dito. Napansin ko agad si Sean tsaka ko kinausap. “Hey Sean. Glad you’re here.”

Rule Breaker No. 143Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon