Rachel’s POV
One month na ang nakakalipas mula nung nag-umpisa ang first semester. Medyo boring yung ibang subjects namin. Nalalapit na ang Prelims. Kelangan mag-aral ng puspusan. Bawal bumagsak. Target ko ang 1.0 ngayon or 1.50 man lang. Para naman maging proud sakin sina mama at papa. Si kuya kasi pinagmamalaki na. Bukod kasi sa gwapo at mabait, super talino pa niya. After 3 years, tatawagin na namin siyang Dr. Nathan!
So yun nga, malapit na prelims namin. Makikinig na akong mabuti sa mga instructor namin. Nagk-klase kami ngayon. Si Ms. Sicat yung instructor namin this time. Communication Arts ulit. Nasa kalagitnaan na kami ng discussion ng biglang pumasok si Sir Quiazon. Siya yung namamahala sa events sa school. Ano naman kayang sadya niya dito?
“Ms. Sicat, excuse me.” Sabi ni Sir Quiazon.
“Yes sir?” – Ms. Sicat.
“We’re in need of students who are good at painting. Kailangan kasi namin ng mga participants from different courses. Malapit na kasi ang Foundation Day at nagr-rush na kami. Kahit ilan lang mula dito.” – Sir Quiazon.
Nag-nod naman si Ms. Sicat. Ibinaling saamin ni Sir Quiazon yung attention niya.
“Guys, kahit ilan lang sa inyo. Para sa inyo din to kasi pag walang participants mula sa section niyo, kailangan niyong bayaran mga expenses para sa mga materials na gagamitin ng mga kasali.” Dagdag pa ni Sir Quiazon.
Nakakatakot naman. Sayang naman pala allowance namin pag nagkataon. Kailangan talaga namin magkaroon ng representative/s mula sa section namin. Isa isa naman kaming nagreklamo kay Sir Quiazon. Eh pano naman kasi wala naman ata talagang marunong magpaint sa section namin except sakin. Ang kaso ayaw ko magpaint para sa isang competition. Nakakahiya kaya. And iniisip ko din kung ano sasabihin ng mga taong makakakita sa work ko. I only paint because I want to. Pampalipas oras ko lang to everytime I get bored. Di ko sinasadyang tamaan yung maliit kong sketch pad. Suddenly…
Nahulog ito at isa isang lumitaw yung mga drawing ko may color man o wala. Pinagtinginan ako ng mga classmate ko and at the same time, sina Sir Quiazon and Ms. Sicat. Oh no. I know that look. AYOKONG MA-EXPOSE!
“Isa ka pa naman sa mga nagrereklamo, eh marunong ka naman pala. Ikaw na isasali na kita.” – Sir Quiazon.
“Pero sir ---.” – Pagangal ko.
“Wag ka na nga kumontra Chel. Ayaw naming magbayad.” – Tres Marias.
“Kaibigan ko ba talaga kayo? Nahihiya ako.” I said while pouting.
“Chel? Wala ka naman dapat ikahiya eh. Ang gaganda kaya ng mga gawa mo.” Sabi ni Sir Quiazon habang tinitignan isa isa yung mga ginawa ko. Palipat lipat ng page.
‘Chel Sali ka na.’
‘Please.’
‘Yokong mabawasan yung baon ko.’
‘Bilis na.’
‘Um-oo ka na kasi.’
‘Sayang allowance pang-gimik oh.’
Ang mga classmate ko talaga. Kahit kailan mga baliw! Bahala na nga.
“Sige na. Sige na." Tumingin ako kay Sir Quiazon "Sir sige na po sasali na ako. Nakakahiya naman po sa mga kaklase ko baka wala na silang pang-gimik. Ha-ha-ha.” I said that as sarcastic as it can be. Pahamak talaga. Kung bakit naman kasi natamaan ko pa yung sketch pad ko. Kahit kailan talaga wrong timing. CARELESS CHEL!