Chapter 16: "Why Would I?"

7 0 0
                                    

Rachel’s POV

7:30PM nang makarating ako sa bahay, tinext ko kaagad si Jinro.

To: Jinro

Sa bahay na ako. Pumunta ka dito. I need you now. Please. 😭

--------

Tinawagan naman ako kaagad ni Jinro. Tinanong niya ako kung anong nangyari. Sabi ko sa kaniya sa bahay nalang kami mag-usap. So after a few minutes, nakarating na rin siya. Niyakap naman niya ako kaagad. At doon, tinanong niya ako kung anong nangyari. Siyempre hindi ko naman sinabi sa kaniya yung totoo. Sabi ko lang miss ko lang siya kaya pinapunta ko siya. Tapos kiniliti niya ako. By 8PM, nagpaalam na siya sakin. May pupuntahan pa daw eh. So ako naman, nagmukmok pagkaalis niya. Grabe. Sobrang gulo ng isip ko ngayon. Di ko magawang matulog. Tss.

11:49PM na ah. Sino pa ba tong tumatawag?!

Incoming Call From: Jinro

Siya lang naman pala. Sinagot ko na. Si bey lang naman pala eh.

“Hello?” Sagot ko.

(Nasaan ka?)

“Sa bahay. Bakit ba?” Tanong pa e sa bahay naman ako bago niya ako iwan para pumunta kung saan.

(Nasa labas ako.) Why so late?

“Ha?! Sa labas? Kelan pa? Bat di ka tumawag kaagad?”

(Wala kabang balak papasukin muna ako ha babe?) Nagsusungit pa.

Sungit neto! May dalaw ka?”

(As if naman magkakaroon ako. Tss. Babe papasukin mo na ako. Lamig sa labas eh.) Pustahan naiinis na to oh.

“Sige babe eto na.”

Lumabas na ako ng room ko. Bumaba na ako saka ko siya pinagbuksan. Niyakap niya ako ng mahigpit. Anong meron? Bakit ganito to sakin ngayon? Kinikilig nanaman ako.

Why is he all bloody? "What happene—"

“Do you love me?” Bigla niyang tanong.

"Hang on. Let me clean those up first. What the hell happened to y—"

"Do you love me? Answer me please."

 Seriously? What’s wrong with him? Bakit bigla bigla nalang siyang naging ganiyan? Kinakabahan ako ngayon. Pero hindi ko alam kung anong dahilan. Alam mo yung feeling na parang may masamang mangyayare sa mga susunod na araw? Ah! Ewan!

“Y-yes. Why’d you suddenly asked me that? Are you doubting my feelings for you?” Is he?

Sa sinabi kong iyon, mas lalong humigpit yung yakap niya sakin. Yung feeling na ayaw na niya akong pakawalan. Pero kahit na yakap niya ako, hindi ko ramdam na safe ako. Ibang iba pag si Austin ang kayakap ko. Parang hindi ko na alam kung ano talaga ang nararamdaman ko. O kung sinong mahal ko. Hindi ko naman pwedeng mahalin si Austin kasi nga may napagkasunduan kami.

“Sabi mo yan ha? Mahal mo ako. Now tell me, do you trust me?” Jinro asked.

“If you love a person, you also trust him. Of course I trust you.” It's true.

“Ako lang paniniwalaan mo ha?” Jinro.

Ano kayang ibig sabihin ng sinabi niyang ‘yon? May kutob akong hindi maganda eh. Hayaan na nga ‘yang kutob kutob na yan. Mahal ko nga siya di ba? We went inside and took care of his wounds.

Pagkatapos ng dramahan namin, kumain muna kami ng midnight snack kasi 12:14MN na. After naming kumain, nagdecide ako na dito ko nalang siya sa bahay patulugin. May guest room naman kasi kami. Kinatok ko si mama tsaka ko siya pinagpaalam. Um-oo naman si mama. Alam na naman niya kung anong meron kami ni Jinro eh. Saka isa pa, matagal na nilang kilala si Jinro. So after nun, nagpaalam na ako kay Jinro tapos pumasok na ako sa room ko at natulog.

Rule Breaker No. 143Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon