Someone's POV
Apat na buwan. Apat na buwan na din pala ang nakalipas mula nung magpasukan. October na ngayon. Kung sino ako? That's for you to find out. Hindi ko sasabihin sa inyo dahil baka masira ang plano ko at magsumbong kayo sa kanila. Kung hindi niyo man ako magustuhan, well... WALA AKONG PAKEALAM! I just want to ruin their happiness. I don't want them to be happy. I'm the one who's suffering here.
"Babe ano ka ba naman. Mamaya nalang kasi. May quiz pa kami." That girl. She stole him away from me. Pinapanood ko sila sa malayo. Ang saya nilang tignan.
"Haaaay. O sige na nga, babe." Pagsuko ng lalaking mahal ko. "Pagpapaalam na kita kay mama ha?" Ako dapat ang sinasabihan niya ng ganyan.
"Sige na. Sige na. Ba-bye na, babe. Pasok na ako. Baka ma-late ako. I love you." Sabay halik. Ang sakit! Ang sakit sakit!
"Sige, babe. Ingat ka. Sunduin nalang kita mamayang dismissal niyo. Mahal mo ko? Sorry pero... MAS MAHAL KITA. Sige babe. Pasok ka na then, I'll go ahead. " Nawasak nanaman mundo ko. Hinalikan niya ang babaeng yon sa noo. Hinintay niya muna siyang makapasok pagkatapos sumakay na siya sa kotse niya saka tuluyang umalis.
Austin... bakit? Ano bang meron sa kaniya na wala ako? Handa ko namang ibigay ang lahat para sayo ah. Handa kong isuko ang lahat mahalin mo lang ako. Bakit hindi mo ako nagawang mahalin? Akala mo ba bumitiw na ako noon? Hindi. Hindi ako bumitiw. Kumuha lang ako ng tamang tyempo para madispacha si Chel. Akala ko noon mawawala na siya. Bakit hindi pa siya tinuluyan ng mga gangster na yon? Malinaw yung kautusan ko na gawin ang lahat ng paraan para mawala na yung Chel na yon. We even threaten Jinro, her ex. Ang saya ko na sana kaso nakaligtas pa siya. Ang masaklap pa... si Austin mismo ang nagligtas sa kaniya.
*FLASHBACK*
Papunta kami sa may bar ako noon kasama ang pinsan ko nung makita namin si Chel at Austin na mukhang masaya. Durog nanaman ang puso ko. Matagal ko nang gusto si Austin kaso hindi niya ako pansin. Kasi si Chel lang ang gusto niya. Si Chel lang ang nakikita niya. Alam kong hindi pa sila nagkakaaminan pero kitang kita sa kanila na mahal nila ang isa't isa.
Nung makarating kami sa loob ng bar... pina-order ko na si Ken, pinsan ko. Ilang minuto na din siyang wala. Nakaka-asar. Ang tagal naman niyang umorder. Pinuntahan ko na siya. may nakita akong kasagutan niyang lalaki. Asar na asar si Ken.
"Natatandaan mo ba ako?!" Bungad ni Ken.
"Hindi. Bakit? Sino ka ba?" Kalmadong tanong ng lalaki.
"Ako lang naman ang inagawan mo ng girlfriend noon! Si Dianne Garcia!" Si Ken. Hanggang ngayon ba naman hindi pa patay ang issue na yan? Namutla yung lalaki.
"A-anong kailangan mo?"
"Hindi ba ang sabi ko sayo you'll going to pay? At ngayong nagkita ulit tayo... simulan na natin ang pagpapahirap. Sino ba sina Hannah Patricia Cortez at Rachel Elizah Levine sa buhay mo?" Si... si Chel?! What a coincidence! Nice! Sige kuya Ken. Ituloy mo balak mo. Hindi kita pipigilan.
"P-panong..."
"I hired a private investigator a day after Dianne and I broke up." Cool na sabi ni Ken.
"Now, get that Rachel for me. I want her. Kailangan makuha mo muna ang loob niya. Hindi bat ex mo siya at si Hannah ang GF mo ngayon? Wag kang mag-alala... hindi malalaman ni Hannah to. Here's her number. Now go. Text her. Make her fall for you again. Pag nagawa mo yun, ibibigay ko na ang huling instruction pagkatapos bayad ka na sa ginawa mo. Nakuha mo?!"
Nung magsimula ang lahat ng pinaplano ni Ken, napansin kong bigla bigla na lang umiwas si Austin kay Chel. Hindi na niya ito sinasamahan. Dati hindi sila mapaghiwalay, ngayon... eto na sila. Salamat kay Ken. Eto na ang chance ko. Sa tamang timing, mapapansin na niya ako.
Ilang months na din ang nakalipas at naging sila na ni Jinro (talking about Chel. Duh?!). Bumalik si Austin sa dati niyang gawi. Kaso mukhang mas malala pa ngayon to. Madalang na lang siya pumasok, puro cutting, laging nasa bar, loves to make out with random girls, and lastly, he learned how to smoke. At dahil doon, napalapit ako sa kaniya.
Nung time na ginawa na ni Ken yung huli niyang plano... nung una panatag ako. Kaso sa huli... wasak nanaman ang puso ko. Doon ay nagkaaminan na sila at pagkalipas ng ilang buwan, naging sila na. Naka-post pa yun sa bulletin board namin. And so... I left a comment.
"HOW DID SHE MADE HIM FALL FOR HER? SERIOUSLY? SHE'S NOT SO PRETTY. AUSTIN'S A CASANOVA. I'M SURE HE'LL ALSO LEAVE HER EVENTUALLY. - GC"
*END OF FLASHBACK*
Ok... here's a clue. Isa ako sa mga naging babae niya nung mga oras na sirang sira ang mundo niya dahil kay Chel. That bitch! I hate her! So much that I want to kill her and tear her into pieces just like a sheet of paper! Umuwi na ako sa bahay and there, sinalubong ako ni Ken.
"Oh. Bat ganyan nanaman mukha mo, couz?" Si kuya Ken.
"Wala ka na don!" Wala ako sa mood, kuya.
"Sila nanaman ba?" Kuya Ken. Tumango ako.
"Ang sakit kasi. Ang sakit dito sa tuwing nakikita ko silang magkasama at mukhang masaya." It fvcking hurts so much!
"Kung ayaw mong masaktan, couz, iwasan mong mahalin ang mga taong alam mong nilandi ka lang. Past time. Pampalipas oras. Look what happened to me? I spent ages in the Rehab. Don't be like me. Tignan mo... tignan mo kung gano ka ka-miserable ngayon."
"Whatever!" I walked out. Tinamaan nanaman ako sa mga words of fvcking sh!t ni Ken.
Pumasok na ako sa kwarto ko. Nahiga sa kama at nag-isip isip ng kung ano ano.
"Kung ayaw mong masaktan, couz, iwasan mong mahalin ang mga taong alam mong nilandi ka lang. Past time. Pampalipas oras. Look what happened to me? I spent ages in the Rehab. Don't be like me. Tignan mo... tignan mo kung gano ka ka-miserable ngayon."
"Tignan mo... tignan mo kung gano ka ka-miserable ngayon."
Shit! Tama na! Oo na! Tanga na kung tanga! Miserable na kung miserable! Wala akong pakealam! Basta dapat sa akin lang si Austin! Akin lang!
Makaka-isip din ako ng plano para mapaghiwalay kayo at tuluyan na maging akin si Austin! I deserve him! I deserve him more than you do! Your happiness will be destroyed in no time! Maghintay lang kayo! Babawiin ko siya! Babawiin ko siya!