Rachel’s POV
Hinahabol pa rin nila ako, so I ran as fast as I can. Kaso biglang… uh oh! Teka teka babagsak ako! Kaso ay naramdaman kong may sumuporta sa likod ko. Tinignan ko kung sino siya. S-si Austin Ausungot! Napayakap ako bigla sa kaniya saka nagpa-thank you. Nako kung di ako sinalo nito malamang nasa comma na ako!
“A-are you alright?” Pagaalala niya.
This was the first time I heard him stutter. He repeated the beginning of the first word he said. What happened?
“Yeah. I’m fine. Thank you for uh… saving me.” I assured him.
I saw him blushed. Oh my!
“T-that’s nothing.” He said.
“By the way. Friends?” Napagisipan ko na. Tutal he saved me.
Inabot ko sa kaniya kamay ko para makipag-shake hands. He took it.
“Friends.”
In-accept na niya yung alok ko sa kanya. Tapos sinabayan pa niya ng smile na gustong gusto kong makita sa kaniya mula nung una kong nakita ito. Yung bang pag ngumingiti siya nakakalimutan ko yung bad image niya. Sa tuwing ngumingiti kasi yang lalaking yan para siyang inosente. Parang anghel. At ngayon na niligtas niya ako, I saw his… other side. Aside from the fact na playboy siya, mabait naman pala saka gentleman. I might like that side of him. Buong gabi kami nagkulitan. Inabot na nga kami ng 1:00 AM nagkukulitan pa kaming dalawa. Ewan ko ba. Matapos yung insidenteng yun biglang gumaan yung loob ko kay Austin. At yung mga lukaret? Ayun, nasa kwarto na. Bangag na bangag na. Tumutulo na laway ng mga nun. Pano naman kasi, pagod sa swimming. Tapos inubos nila yung 5 bote ng Whiskey. Ang tindi nila noh? Di man sila matakaw sa alcohol. Bahala silang mamilipit sa sakit ng ulo nila niyan pagkagising nila.
Mabalik tayo kay Austin. Only child pala siya. Yung parents niya parehong nasa US. May company din sila dun. Seasonal lang dumarating yung parents niya. At siya? Nakatira siya sa bahay kasama mga katulong nila. Bigla naman nagsalita yung kolokoy na to.
“Uhm. Chel, gawa tayo ng rules. Since magkaibigan na tayo.” Sabi niya.
Ano namang naisipan ng lalaking to. Para saan naman yung rules na balak niyang gawin kasama ko?
“Para saan naman gagawin nating rules? Saka RULES? With the capital S? Bat parang ang dami naman ng kailangan natin gawin?” Pagtataka ko.
“Para naman sa atin yung rules eh. Saka isa pa trip ko lang. Oh sige. Isa nalang.” He laughed.
“Deal. Oh sige. State it at ako na mag-aapprove.” Sabi ko sa kaniya habang nakangiti.
“Ok. Here it goes. NEVER FALL FOR EACH OTHER. OR ELSE, THE ONE WHO BROKE THE RULE SHALL FACE THE PAINFUL CONSEQUENCE.” Pagkasabing pagkasabi nung rule, biglang tumawa ng malakas yung mokong. Pepektusan ko to.
“Aray! Why did you do that?!” Asar niyang tanong.
“Pano ang ingay mo. Sige call ako diyan sa rule mong parang ewan. Saka panong hindi kita pepektusan eh tulog na sila. Baka gusto mong tapalan ko bibig mong malaki?!” sabi ko na may halong pang-aasar.
“Tatapalan mo? Sige basta gamit bibig mo. Promise, tatahimik ako.”
Aba’t nag-cross heart pa ang loko. Pinektusan ko ulet.
“Lelang mo! In your dreams.” Sabi ko sabay tawa.
Nagtawanan na lang kami. Hanggang sa maramadaman na namin yung antok. Nagsipasok na kami sa kaniya kaniya naming room. Pagkapasok ko naman sa room namin, ganito nadatnan ko. Yung paa ni Paola, nasa mukha ni Luzy. Yung kamay ni Luzy, nasa ilong naman ni Krizza. Si Krizza, nakangagnga. Na-imagine niyo? Inom inom kasi tas naglalakad ng may palikong daan. Ang saya! Antok na talaga ako. Buti nagsama sama sila sa iisang bed. Sa bagay, queen size naman yung bed. At ayun, nakatulog na ako.