Austin’s POV
[Play the Song: God Must Have Spent A Little More Time On You – Boyce Avenue Cover]
2 years na kame ni Chel ngayon. Sobrang pasalamat ko at hindi pa kami nagkaroon ng major fight. Puro mga maliit na bagay lang kaya kaagad naming naayos. We had a lot of ups and downs but... here we are. Happy.
“Babe tara dun tayo!” Hinila niya ako papunta sa kung saan.
Nung makapasok kami… sa isang tattoo parlor pala niya ako dinala. Wag mong sabihing papa-tattoo siya?! Nako!
“Babe naman! Bat tayo nandito?!” Inis na tanong ko.
“Papa-tattoo tayo! Ano ka ba?! Halika na, babe!” Sagot niya.
“Babe, ayokong magpa-tattoo kahit isa sa atin!” Sabi ko.
“Henna lang naman! Ang KJ mo talaga kahit kelan! Diyan ka na nga!” Inis na siya. I knew she's upset kaya hinila ko siya pabalik dito.
“Sige na, babe. Wag ka na magtampo. Halika na… pa-tattoo na tayo.” Sabi ko.
~ Your love is like a river, peaceful and deep. Your soul is like a secret that never could keep. When I look into your eyes I know that it’s true, God must have spent a little more time on you. ~
Nilapitan kami nung isang crew. Binigay niya sa amin yung mga designs na pwede. Si Chel naman, excited na tumingin. Ang saya kapag alam mong napasaya mo ang taong mahalaga sayo ano? Mababaw lang naman kasi kaligayahan niya, that’s what I like about her. Hindi siya maarte at hindi siya takot makita ng ibang tao na may ganong side siya. She is... she. Kung ano siya noon, ganun pa rin siya ngayon. Hindi siya nagbago.
“Babe, tignan mo to. Ang ganda diba? Eto na lang akin ha?” Sabi niya ng nakangiti.
“Sige babe.” Sagot ko.
“Yes! Thanks babe.” Niyakap niya ako. Napa-ngiti ako. Umupo na siya at saka nagsimula na yung artist. Binaling ko na din yung tingin ko sa mga designs.
~ Your love is like a river, peaceful and deep. Your soul is like a secret that never could keep. When I look into your eyes I know that it’s true, God must have spent a little more time on you. ~
Napa-ngiti ako. Naisip ko nanaman siya. Kahit nasa malapit ko lang siya… namimiss ko pa rin siya. Ewan ko ba. Basta ang saya lang.
“Magkano per letter dito?” Tanong ko dun sa artist.
“100 po, sir.” – Artist.
Sinulat ko sa papel yung ipapagawa ko. Saka ko ibinigay. RACHEL. Yan ang papalagay ko. Mahal ko lang kasi talaga si Chel. Akin lang siya. Selfish ba? Hindi naman masamang ipagdamot ang taong mahal na mahal mo diba? She’s my angel. My miracle.
~ Your love is like a river, peaceful and deep. Your soul is like a secret that never could keep. When I look into your eyes I know that it’s true, God must have spent a little more time on you. On you. On you. On you. God must have spent a little more time on you. ~
Hindi ko muna papakita kay Chel to. Gusto ko surprise. Sana naman mas lalo ko pa siya mapasaya. Sa loob ng mahabang panahon na nagsama kami, parang hindi ko na kayang mawala pa siya sakin. From hate turned to love. Parang ganito yun… enemies turned to friends then to lovers. See? Malayo na ang narating namin. We both felt hate, but eventually di namin namalayan na minahal na pala namin ang isa’t isa. Hindi ko na talaga siya kayang pakawalan. Aantayin ko nalang ang tamang panahon tapos aayain ko na siyang magpakasal. Promise. Sige ipabugbog niyo ko pag ginago ko siya.
***
Natapos na kaming magpa-tattoo. Si Chel naman tuwang tuwa. First time niya daw kasi magpa-Henna. Para siyang bata. Pinakita niya sa ‘kin yung pinagawa niya. Sa may wrist lang naman niya. Para siyang bracelet. Ok naman.
“Babe, tignan mo oh. Napansin mo ba pangalan mo sa ibaba?” Tanong niya.
“May pangalan ko pala? Hindi ko man napansin kaninang tinitignan ko.” Sabi ko naman.
“Oo nga. Eto oh.” Sabay pakita ulit. Nakita ko nga sa ibaba ang pangalan ko. Maliit nga lang kaya hindi ko napansin.
“Oo nga, babe. Ang ganda. Pinaganda ng pangalan ko.” Biro ko..
“Whooooo! Mahangin nanaman!” Sambit ni Chel habang parang pinapaypayan ang mukha niya gamit ang kanyang mga kamay.
“Hindi naman mahangin ah. Ang init nga. Ang hot ko kase. HAHAHA.” Pangaasar ko..
“Sira ka talaga!” Twang tawa si Chel. Ang ganda talaga niya.
“Mahal mo naman.” Sabi ko sabay halik sa noo.
“Oo na.” Nginitian niya ako. Ang ganda niya talaga. Lalo na pag naka-smile siya. Nahuhulog ako lalo sa kaniya.
“Tara na nga. Sakay tayo dun.” Pag-aaya ko.
“Sige, babe. Halika na.”
Sinakyan namin halos lahat ng rides. Hanggang sa mapagod kami. Nagpahinga muna kami. Gumagabi na rin. Naisipan ko munang ayain siyang kumain bago kami umuwi, kaya naman nagpunta kami sa mga food chains na nandoon. Ang dami niyang nakain. Kanina pa ako natatawa sa kaniya. Ang takaw takaw niya hindi naman siya tumataba.
“Oh ano? Tawa ka pa. Parang di na nasanay. Isa pa nga rice tsaka ng inasal. Wait moko dito. Order lang ako ulit.” Oh di ba? San ka pa makakahanap ng ganitong girlfriend? Bibihira nalang mga ganitong klase ng babae. Napakatotoo ni Chel. Kaya nga mas lalo ko tong minamahal eh.
“HAHAHA! Oo na. Titigil na po. Pft… BWAHAHA!” Sinamaan niya ako ng tingin.
“Ewan ko sayo!”
“Sorry na. Ikaw kase eh. Pfttt!" Sinusubukan ko pigilan tawa ko kaso ayaw talaga e. "Ehem ehem. Ok tama na. Sorry ulit babe. Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita kahit na ang lakas lakas mong kumain.” Nilapitan ko siya tapos hinalikan ulit sa noo.
“Paparefill-an ko na din yang Iced Tea mo. Baka mabilaukan pa yung asawa ko sa kakatawa.” Nakita ko siyang namula. Maya maya lumapit na yung waiter dala yung order namin. Nagsimula na ulit siyang kumain. Uminom nalang ako habang hinihintay siya. Kahit kelan talaga… napapasaya niya ako kahit sa mga maliit na bagay lang.
***
Hinatid ko na siya sa bahay nila. Pagkababa namin, nagmano agad ako sa mama niya. Hinayaan ko muna silang makapasok bago ako tuluyang umalis.
From: Drake
Bro , punta ka sa condo ko dala kang foods .. De joke ! Puntahan mo ko sa bar .. Hintayin kita .. Wag kang granada , ok ?? 😉
***
Bakit parang nag-iba format ang gagong to? So gay!
***
To: Drake
Saang bar? Gago ka! Ang daming bar dito! Saka anong meron?
***
From: Drake
Sa XO Bar .. Wala lang .. Gusto ko lang makita ka .. Samahan mo naman ako ..
***
To: Drake
Dude, are you gay? Nabakla ka na ata sa kagwapuhan ko? Bro, hindi tayo talo. Gago ka talaga. Teka paalam lang ako sa GF ko.
***
From: Drake
Wag ka na magpaalam .. Basta hintayin kita ha ?? K.bye ! 😉
***
Seriously? Tinawagan ko na si Chel para magpaalam. Sabi niya ok lang daw. Si Drake naman kasama ko eh. Dumeretso ako sa XO Bar. Pagkadating ko dun, hinanap ko si Drake. Nasan na ba yung gagong yun?! Hinahanap ko parin siya nang biglang may humila sa akin saka ako hinalikan. Tinulak ko naman siya. Pagkakita ko sa kung sinong humalik sa akin…
“ANO BA?!” Pinagmasdan ko siya. “Iza?”
Si Iza? Bestfriend ni Chel? Bakit? Bakit niya ako hinalikan?