Austin’s POV
Naaalala niyo pa ba yung una naming pagkikita ni Chel? Yung time na ang daming nakapalibot na chicks saming dalawa ni Drake Rui?
*FLASHBACK*
Second day palang namin. Kasabay ko si Drake sa pagpasok. E siyempre barkada ko yan saka malapit lang naman bahay namin sa isa’t isa. As soon as we entered the university, pinalibutan naman kami agad ng mga babae. Ewan. Para silang mga ewan. Ni hindi nga namin sila kilala eh. Bakit kami kilala nila? Sa bagay, nung highschool pa lang kami, varsity players na kami sa school. Siguro nag-aaral sila sa mga nakalaban naming school.
“AAAAAAAAAAAHHHHHHHH! Ang gwapo mo Papa Austin Liam!”
“Mas gwapo si Papa Drake Rui!”
“Mas gwapo si Papa Austin!”
“Si Papa Drake!”
Ano ba yan?! Pati ba naman kung sinong mas gwapo samin ni Drake pag-aawayan pa? Nag-smile na lang ako sa kanila. Naunang nakaalis sakin si Drake. Tapos mga ilang minuto lang sumunod na ako. Habang paalis ako, nakuha nung babaeng maganda ang tingin ko at tila walang pakealam samin ni Drake. Kahit na simple lang suot niya, ang ganda ganda parin niyang tignan. Nginitian ko siya habang papalapit ako sa kinaroroonan niya. Tapos, ayun nakaalis na ako. Nagpunta na ako sa room namin. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima. Limang minuto bored na agad ako. Umalis ako sa room. Ano pa ba ginawa ko? Edi nag-cutting class. At dahil bored ako, hunting muna ako ng chicks na pwedeng pampalipasan ng oras. Bull’s Eye! Tinawag ko yung babae. Siya naman, tuwang tuwa.
“Hey. Let’s go? I’m a bit bored. Let’s do something exciting.” Sabi ko.
Sumunod lang yung girl na di ko kilala. Kumbaga, she’s a complete stranger to me. Pero kilala ako neto. Medyo famous varsity player eh. Dinala ko siya sa may CR. Tutal, class hours pa naman. Wala naman makakakita sa gagawin namin. Binuhat ko yung girl sa may sink nung CR. I started kissing her. Pero wala naman akong balak gawin yung ano. Basta yung ano.
“Ah wag muna. Baka may makakita sa’tin.” Sabi nung babae sakin.
“Wala yan. Pano namang meron eh class hours pa. Tsaka di naman natin gagawin dito yun no. Kaya chill ka lang.” Sabi ko.
“Ah. Ok sige. Edi tuloy natin sa condo mo?”
Is she being serious? As if dadalhin ko to sa condo ko. Saka pano niya nalaman na may condo ako? Wala pa ako dinadala doon. Swerte mo naman. Di ko siya sinagot. Basta tinuloy ko na lang paghalik ko sa kaniya. Tapos, biglang may pumasok. Yung girl na nakita ko kanina. Yung sinabihan kong maganda kahit simple lang suot niya.
“Oops! Oh sorry. I didn’t mean to interrupt you with what you two are doing. I’m just concerned for both of you. What if ibang tao nakakita sa inyo? Or worst, mga instructor? PDA much kayo. Pag nagkataon, lagot kayo. You know what? You can continue with what you’re doing later. I really need to pee. A little privacy naman po.” Sabi niya.
Nakita ko yung kahalikan ko mukhang disappointed sa sinabi ni Ms. Sungit slash Ganda. Ako naman na-shock. P-pano na to. Nakita niya. Tss. Binitiwan ko yung babae saka ako umalis. Kung anong nangyare sa babaeng kahalikan ko? Di ko alam. At wala na akong balak alamin pa. I decided to go back to the room. Saktong may ina-announce yung girl na ubod ng puti at ganda. Classmate ko to pero di ko alam pangalan.
“...So guys, I’m expecting you to come this coming Saturday. Don’t miss it. It’ll be fun kung marami tayo, right? Again, I’m Iza Flynn. Sa Flynn’s Private Resort. 4 PM. Thank You.”