Rachel’s POV
The next day, after sinabi sakin ni Austin ang mga katagang “Ano ba kita”, at after naming magka-dramahan ni Jinro ko, sinamahan niya ako sa school. Sa amin nga siya natulog diba? Ang saya nga eh. Kahit na di kami magkatabi, alam ko na nadiyan lang siya sa kabilang room. After that night of drama, pansin ko lang na mas lalo siyang naging sweet. Parang nagugustuhan ko din. Kaso parang may kulang.
“Sis!” – Yung tatlong palaka. Este yung Tres Marias.
Nag-wave sila sakin tapos ako naman, nginitian ko sila.
“Let’s go. Sabay sabay na tayong pumasok.” Silang tatlo.
I nodded. Nag-paalam na din ako kay Jinro. Hinintay ko pa siyang makalabas ng campus then I went inside the room. Wala pa yung professor namin kaya eto, daldalan nanaman kami.
“Sis. What happened to Austin? He surely changed a lot.” Malungkot na sabi ni Krizza.
“Yeah. He has changed.” Pagsang-ayon ni Luzy.
“I agree.” Sabi naman ni Paola.
“Now, can you please tell us what happened to him? PLEASE. We’re all bothered.” Sabay sabay nilang sabi.
“Guys, I really don’t know what happened. I’m sorry.” Sagot ko sa kanila.
“Sis naman. Sa ating apat, sayo siya mas malapit. Kaya wag mong sabihin sa amin na hindi mo alam ang reason kung bakit siya nagkaganon.” Mukha silang disappointed.
“Alam niyo, hindi ko na siya maintindihan. Sinubukan ko na din siyang kausapin kahapon. Anong napala ko? Wala! Isang malaking pagkakamali ang kausapin ko siya. Tinanong ko kung anong nangyayari sa kaniya. Alam niyo ba kung anong sagot niya? Tanong din ang mga binato niya sakin.” Tumulo nanaman ang mga taksil kong luha. I paused for a while, then started talking again. “Mga tanong na bumasag sa akin. Mga tanong na naging dahilan kung bakit ako umiyak kahapon, at umiiyak ngayon…”
Nag-break down na ako. Tuloy tuloy na lang umagos ang mga luha ko. Niyakap na lang ako nina Paola, Krizza, at Luzy. Tinry nila akong patahanin. Kaso wala pa rin. Hanggang sa dumating na yung prof namin. Napansin siguro niya ako.
“Ms. Levine? Are you OK?” – Professor. Pinunasan ko na mga luha ko then I answered her.
“Yes ma’am. I’m OK. I’m sorry po.” Sagot ko.
“OK. Basta pag naramdaman mo ng hindi mo na kaya, lumabas ka muna at pumunta sa clinic. Magpahinga ka ha?” Mukhang concerned si prof. Saka parang doble yung meaning nung sinabi niya ah. So ayun na nga. Nagstart na yung discussion niya.
Discussion the whole day. Kaso lumilipad ang utak ko. Hindi ako makapagfocus. Hanggang sa nag-dismiss na. Good! Uwian na sa wakas. Dumaan muna ako sa room nina Iza. Wala nanaman siya. Baka naman nauna na umuwi? Nag-wave lang ako kina Drake at Iza tsaka na dumeretso sa school parking area. Pagkadating ko dun, iba ang nadatnan ko.
“C-chel?” Si Austin. Kayakap nanaman babae niya. Sh*t bat parang may kung anong tumusok nanaman sa puso ko. Di ako makapagsalita. Nakatayo lang ako sa harap nila.
“Sige Austin una na ako. Maiwan ko na kayo ha?” Sabi nung girl. Iniwan na niya kami. Kaming dalawa nalang ni Austin ang nandito. Nagsalita nanaman siya.
“A-ahh Chel. Ano... ano kasi eh…” He paused. “C-can we talk?”
“We’re already talking and already having a conversation. So, what now?” Sagot ko. Naiinis na ako sa kaniya, sa babaeng may kulay Gold na highlight sa buhok, sa nakita ko kanina.
“May kailangan kang malaman.” He said. Nako. Ano nanaman ba to?
“Ano naman yun? Pwede kung may dapat kang sabihin, sabihin mo na kasi nagmamadali ako.” Sh*t ka! Sh*t ka!
“K-kasi ano…” He sighed. I looked at him. Ano ba kasi? “Hindi ka naman talaga mahal ni Jinro. Dare lang ang lahat.”
Parang nagpanting yung tenga ko sa narinig ko. “HA?! ANO BANG PINAGSASASABI MO?! ANO BANG TRIP MO NGAYON HA?! ANG MANIRA NG RELASYON NG MAY RELASYON?!” Ano nanaman bang pinagsasabi niya?! Ang sweet nga ni Jinro sa ‘kin eh. Di ba?!
“Believe me, Chel. I heard everything. Pauwi ako nun galing sa bar.” He's trying to explain. But I don't want to hear it.
“EH GALING KA NAMAN PALA SA BAR NUN?! YOU MUST BE INTOXICATED THAT TIME AND MAYBE YOU’RE JUST SEEING OR HEARING THINGS! SO PLEASE, WAG KA NANG MANIRA!” Eh sira naman pala ‘to eh! Galing palang bar! Eh natural, nakainom yan!
“No. Hindi ako lasing that time. What I saw and heard, were true. And why would I lie to you? Believe me Chel. Please believe me.” Ayan nanaman siya.
“YOU REALLY WANT ME TO BELIEVE WHAT YOU’RE TELLING ME?! I’M SORRY BUT I WON’T BELIEVE YOU! SINISIRAAN MO LANG KAMI! LET’S JUST STOP THIS NON-SENSE CONVERSATION!” Paalis na ako kaso nahawakan niya wrist ko.
“Please Chel. Believe in me. Kahit ngayon lang. Paniwalaan mo naman ako oh.” Fvck!
“Why would I believe you?! Saka, ANO BA KITA?! Teka nga! Let go of me!” Sabi ko habang binabawi ko yung kamay ko na hawak niya.
Sa wakas, binitiwan na niya ako. Pagkabitaw niya sa ‘kin, sumakay na ako kaagad sa kotse ko. Kasabay ng pag-andar ng kotse ko ay ang pagtulo ng mga luha ko.
Sa bahay…
“Oh dear. What happened? Why are you crying? Hush.” Si mama.
Patuloy lang ako sa pag-iyak. Si mama, pilit akong pinapatahan.
“Tell me what you’re problem is, honey.”
“Ma…” humagulgol nanaman ako.
- Sa Kwarto -
“Ma... bakit ganito? Ang sakit na... ma.” I sobbed.
“Shhh. Tahan na anak.” – Mama.
“Ma kahit... kahit gustuhin ko... kahit gustuhin ko mang tumigil sa... sa kakaiyak, hindi ko... hindi ko magawa.” I can't stop it.
“Bakit napano ka ba? Bakit ka umiiyak, nak?” Tanong ni mama.
“Ma... nasasaktan na kasi ako eh. Hindi ko nga... hindi ko nga alam kung bakit ako nasasaktan.” It fvcking hurts.
“Si Jinro ba, nak?” Mama.
Tumigil na ako sa pag-iyak.
“H-hindi po.” Sagot ko.
“Eh kung hindi siya, sino?” Mom asked. Huminga muna ako ng malalim bago sumagot kay mama. Since kilala na din naman niya si Austin.
“S-si Austin po.” Tinignan ako ng maigi ni mama.
“Mahal mo ba?” Bigla niyang tanong.
“H-hindi ko po alam.” Yan lang nasagot ko.
“Isipin mo ng maigi, honey. Habang maaga pa, linawin mo na ng sa ganon, hindi ka na nasasaktan at nahihirapan pa. Ang hirap kasi talaga pag maganda.” Nakuha pang mag-joke ni mama.
“Pero on a serious note, honey, better think about what you really feel or who you truly love. Kasi nak, ang pinakamalaking pagkakamali sa buhay ng isang tao, is holding on to something that was lost a long time ago. Malay mo, hindi mo na pala talaga mahal si Jinro. Iniisip mo na lang na mahal mo pa siya kahit hindi na. That is the reason kaya some people were confused about what they really feel. Hindi mo lang pala napapansin na si Austin na pala talaga ang nagpapatibok ng puso mo at hindi na si Jinro. Kaya nga siguro nasasaktan ka ngayon, kasi mahal mo na siya. You’re not just aware of it. So think. Kaya mo yan, honey.” Mahabang litanya ni mama. Ang dami kong natutunan. Ang laking tulong ni mama. Now, all I have to do is think.
Ilang beses na ba akong nasaktan ng dahil sa kaniya? Madaming beses na rin. Siguro nga… mahal ko na siya. Kaso may kasunduan kami. Now, I fell for him. And I’m facing the most painful consequence. Pero kahit ganon, hindi ko pa rin mabitawan si Jinro.