Chapter 27: "Bothered"

4 0 0
                                    

Rachel’s POV

Lumipas ang mga araw at June 24 na ngayon. 1st monthsary namin ni Austin. Nako po. Magugustuhan kaya niya yung gift ko for him? Kasi naman eh. Simple lang siya. Isang wrist watch. Color Black. Since favorite color niya yun. Meron din ako. Kaya parang couple wrist watch na din to.

*Babe may message ka. Basahin ko ha? Wag kang kokontra!  I love you.* Boses ni Austin ang message tone ko. Hahaha. Siya kasi eh.

***

From: Babe

Babe una na ako ha? Hintayin na lang kita sa campus. I love you babe. 😉

***

*scroll down scroll down scroll down*

Wala na? Hindi man lang ako binati? Early in the morning and he made me feel sad. Eto na ba? Hanggang dito na lang kami? Hindi man lang naalala ang monthsary namin? May babae na ba siya? Wag naman. Naalala ko nanaman yung comment na nasa bulletin board noon.

‘HOW DID SHE MAKE HIM FALL FOR HER? SERIOUSLY? SHE’S NOT SO PRETTY. AUSTIN’S A CASANOVA. I’M SURE HE’LL ALSO LEAVE HER EVENTUALLY. -GC’

Iiwan na ba niya ako? Hindi. Nagpa-I love you siya eh. Oo tama. Mahal ako nun. Hindi ako iiwan nun. Masyado lang siguro akong nagb-bother kaya nagiging pessimist na din ako. Tama na nga. Ayoko ng mag-isip ng masama. Nakakasawa na din. Haha. Makapagreply na nga.

***

To: Babe

Sige.

***

Nakakayamot talaga.

***

From: Babe

Ayy. Walang sagot?

***

To: Babe

Bakit? Tanong ba yun? 🙄

***

From: Babe

Oo. Alam kong hindi tanong yon. Pero babe, alam mo bang pag hindi sinagot ng isang tao yun, masakit? 😥

***

Drama naman ng lalaking to! Buti nalang mahal ko. Kung hindi kanina ko pa binara.

***

To: Babe

Oo na. Sorry na. I love you more.

***

Nagbihis na ako. Nagpaalam na ako kila manang at Mama. Sumakay na ako sa kotse ko. Mga 25 minutes din ang biyahe papuntang school. Maya maya, nag-park na ako. Naglakad na papuntang campus. Teka. Nasan na ba ang phone ko?! Naiwan nanaman sa loob ng kotse?! Jeez! Buti hindi pa ako late.

I was running my way back to the parking lot when I bumped onto someone. Oh no! Mga gamit ko! Ang hassle naman netong araw na ‘to! Pinulot ko na mga gamit ko. Tinulungan naman ako ng nakabanggaan ko. Thank you naman!

Now. May masama talagang nangyari…

“Jinro?!”

Sa dinami dami ng taong dapat makabanggaan ko, siya pa?! At hello?! Ilang months ko din siyang hindi nakita mula nung incident na yun. Nung na-kidnap ako at muntik ma-rape. Oh! Scratch that. Hindi basta rape. Gang rape.

“C-chel?”

Hindi na ako nakapagpigil pa. Nung makita ko mukha niya… bumalik lahat. Galit. Sakit. Pagsisisi. Pagsisisi na sana hindi ko na lang ulit siya pinagkatiwalaan. Ng dahil sa kaniya, nagkagalit kami ni Austin. Nasabihan ko pa siya ng kung ano ano. At higit sa lahat… nahirapan akong magtiwala at magmahal ulit. Pinagsasampal ko siya.

Rule Breaker No. 143Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon