Luzy’s POV
"MS. DE LEON! GET OUT OF MY CLASS! NOW!"
Nako. Sabi na nga ba eh. 2nd day pa lang ganito na agad ang nangyari. Kung inimikan lang sana ako ni Chel, edi sana di ako napasigaw. Kung mamalasin ka nga naman oh. Ok lang. Maglilibot na lang ako. San kaya ako gagala? Hmm. Bahala na nga. Kahit saan nalang ako dalhin ng aking mga paa. Naglalakad ako ng nakababa ang aking ulo. Pano naman kasi, 2nd day pa lang napalabas na ako sa klase. Tapos bigla akong nabangga ng kung sino. Oh no! This can’t be happening... Wag niyong sabihin dito rin siya nag-aaral…
“I-ikaw pala.” Sabi niya.
“Yeah. S-so, how are you?” Pangungumusta ko.
Ilangan to the max kami. Ang awkward kasi eh. Pano it’s been six months since Charles Jordan Torres and I broke up. Saka I hate the way we broke up. It’s really unforgettable for me.
*FLASHBACK*
Now Playing: I Can’t Find the Words to Say Goodbye – Nina (repeat until this chapter end)
Today is January 16, 20xx. Our first anniversary. I love my baby so much. At dahil anniversary namin ni Charles ngayon, pinangakuan niya ako na magde-date kami. I’m so excited. 10 AM pa lang? Nako sana 6 PM na. Pinayagan na ako ni mama na lumabas kasama siya. Kilala na naman siya ni mama eh. She knows that he’s my boyfriend. Pano sa bahay siya nanligaw. Sweet right? Tutal maaga pa naman so naisipan ko bumili ng isusuot ko. Nagpunta ako sa mall. I asked our driver to drop me off there. Tumingin tingin ng magandang damit. Pinaghahandaan ko talaga ang date namin mamaya ng baby ko. After a while, eto may dala na akong paper bags. Ano kaya ginagawa niya ngayon? I hope he’s fine. Excited din kaya siya gaya ko? Basta ako, happy ako kasi umabot kami ng ganito katagal. Thankful ako kasi nakilala ko siya. Lagi niya ako pinapasaya. Everytime may problem ako, siya sinasandalan ko. Iniiyak ko sa kanya lahat. Dinadamayan niya ako maging sa happiness man o sadness. Naalala ko tuloy nung una kamming nagkakilala. Umiiyak ako nun. Di ko na matandaan kung ano dahilan basta alam ko umiiyak ako. Nasa bench ako nun ng park. Napadaan ata siya nun tapos inabutan niya ako ng handkerchief. So kinuha ko naman yun. Umupo siya sa tabi ko.
“You know what, you’re beautiful. Stop crying. Papangit ka niyan.” Aniya.
Napangiti ako sa sinabi niya. Tapos pinunasan ko na luha ko.
“By the way, I’m Charles. Charles Jordan Torres. And you are?” Pakilala niya sa sarili niya.
“Kate. Kate Luzy De Leon.” Inabot niya kamay niya sakin at nag-shake hands kami. Tas ayun na. hanggang sa naging magkaibigan kami. Then, friends turned to lovers. Back to reality. Flashback na nga to tapos may flashback pa sa flashback ko? So, pauwi na ako. Naglalakad na ako. I stopped at the food court first to buy some snacks, gawd I’m hungry! After that, sa exit sa may likod ng mall ako dumaan. Dun muna ako sa may mini park dun habang hinihintay si Manong Ben, driver namin. Papalapit na ako sa may mini park nang makita ko si Charles baby na may kasamang girl. Nagtatawanan sila. Naisipan kong lapitan sila. Kaso nung papalapit na ako sa kanila, biglang hinalikan ni girl si Charles ko. Nabitawan ko ang mga paper bags na hawak ko. And my tears started to fall. Napatingin si Charles sa may direction ko. I guess napansin niya ako. Tumakbo ako papalayo. Hinabol niya ako. He succeeded. Nahabol niya ako.
“Baby, let me explain. It’s not what you thi-…” Panimula niya.
“Stop. What I saw a while ago, was enough for me to conclude all these. Kung bakit ka nanlalamig sakin these past few weeks. You turned cold and now I know the reason why. I guess we need to end what we have. Anniversary pa naman sana natin ngayon. Ayoko na mahirapan at masaktan. Goodbye… Charles.” I left him dumbfounded. I ran away with tears on my face.
“Goodbye… Charles.”
Those are the last words I said before leaving him. Ang sakit... Sobrang sakit.
*END OF FLASHBACK*
“I-ikaw pala.” Sabi niya.
“Yeah. S-so, how are you?” Pangungumusta ko.
“I-I’m fine. How ‘bout you?” Sagot niya.
I bet he totally moved on. Sa six months ba naman mula nung naghiwalay kami, siyempre makakalimot na yan. Sa gwapo niyang yan, I’m sure he has a girlfriend.
“I feel better than before.” No, I'm not over you.
“Luzy, about yung incident six months ago-...” Please don't.
“Naku Charles, wala na yun. Ok na yun.” Pagputol ko sa sasabihin niya.
And the best actress award goes to Ms. Kate Luzy De Leon. Sige na. Ako na. But the truth is, hindi pa ako nakaka-move on. Hindi pa malinaw sakin ang lahat. Yet, tinapos ko na agad kung anong meron kami. Bigla ko nalang namalayan na may tumulo na palang luha sa mga mata ko. Nakatingin lang siya sakin na may namumuo ding luha sa gilid ng mga mata niya. Tinalikuran ko na siya at tuluyang umalis. Bahala na ang aking mga paa kung saan ako dalhin ng mga ito. Basta ang alam ko lang ngayon nasasaktan pa rin ako… hanggang ngayon.