Rachel’s POV
Ilang beses na ba akong nasaktan ng dahil sa kaniya? Madaming beses na rin. Siguro nga… mahal ko na siya. Kaso may kasunduan kami. Now, I fell for him. And I’m facing the most painful consequence. Pero kahit ganon, hindi ko pa rin mabitawan si Jinro. Though I’m bothered about dun sa sinabi ni Austin kanina.
“Hindi ka naman talaga mahal ni Jinro. Dare lang ang lahat.”
“Believe me, Chel. I heard everything. Pauwi ako nun galing sa bar.”
“No. Hindi ako lasing that time. What I saw and heard, were true. And why would I lie to you? Believe me Chel. Please believe me.”
“Please Chel. Believe in me. Kahit ngayon lang. Paniwalaan mo naman ako oh.”
“Paniwalaan mo naman ako oh.”
“Paniwalaan mo naman ako oh.”
Sh*t! Stop! Tama na!
“Dare lang ang lahat.”
“Paniwalaan mo naman ako oh.”
Paano ako maniniwala sayo?! Sa mga ipinaparamdam sakin ni Jinro these past few days, parang ang hirap maniwala kay Austin, sa sinabi niya, na hindi naman daw talaga ako mahal ni Jinro, na dare lang ang lahat, na pinagpustahan lang nila ako. Hindi. Hindi ako maniniwala. Ayokong maniwala. Iba yung ginagawa ni Jinro sa sinabi sa akin ni Austin kanina. Pinaparamdam sakin ni Jinro na mahal niya ako. Ibang iba talaga sa sinabi ni Austin na hindi niya ako mahal eh. Hindi. Hindi talaga ako maniniwala. Sinisira lang kami ni Austin. Oo tama. Sinisiraan niya lang si Jinro. Oo alam ko na niloko ako dati ni Jinro. He fooled me before. Pero sabi niya nagbago na siya. Oo. Nagbago na siya. Hopefully.
Jinro’s POV
Nasa bar nanaman ako. Nag-iinom nanaman ako. Hindi ko naman ginusto to eh. Ayoko mang gawin to, pero kailangan. Nandito na din naman ako sa sitwasyong ito, paninindigan ko na. Naumpisahan ko na eh. May usapan kami ngayon ni Ken, yung kasama ko nung araw na nakita at narinig kami ni Austin. May ipapagawa nanaman daw sakin. Hindi maganda ang kutob ko dito. Fvck! Bat naman kasi pumayag payag pa ako dito?! Kahit papano, mahalaga pa rin sakin si Chel. Minahal ko din naman siya. Kaso may mangyayaring hindi maganda kapag hindi ko ginawa mga pinapagawa sakin.
Pressure. Malaking pressure yun para sa kin. Wala akong gustong masaktan. Pero they left me no choice.
“Isa pa nga, please.” Sabi ko dun sa bartender.
Naka-anim na ata ako. Maya maya, dumating na si Ken kasama yung apat pa na g*go. Sinenyasan nila ako. Binayaran ko na yung mga nainom ko tapos sumama na ako sa kanila. Sumakay ako sa van nila. Papunta kami ngayon sa isang park na kung saan wala ng tao. Doon na nila sinabi sakin yung kailangan kong gawin.
“… ano? Kaya mo?” Si Ken.
“WHAT?! THAT'S FVCKING BULLSH*T, KEN! AYOKO!” Sigaw ko kay Ken. Hindi. Hindi ko kaya yun. Hindi ko gagawin yun.
“Ayaw mong gawin? Oh sige. So ibig sabihin, this will be the end for her? Say goodbye to your precious girlfriend.” D*mn you, Ken!
“W-wag. Sige. Gagawin ko na. Wag niyo lang gagalawin si Hannah. Labas niyo siya dito. Please lang. Teka bat si Chel pa kase?! Can't it just be someone else?” Fvck! I can't do it. Not with Chel. But I can't let that happen to Hannah.