Austin’s POV
Pinayagan na ako manligaw ni Chel. Dismissal na din sa wakas. Pinuntahan ko si Chel sa room nila.
“Oh Austin. Nandito ka pala.” Bati ni Chel.
“AYIIIIIIIIIIIEH!” – Sina Krizza, Luzy at Paola.
“Heh! Shupeeee! Ang iingay niyo. Mahiya nga kayo oyyyy.” Pagsuway ni Chel sa tatlo.
“Bakit? Friends naman kami.” Sabay sabay nilang sabi.
Nauna na yung Tres Marias. Kaming dalawa na lang ni Chel ngayon.
“Tara?” Aya ko.
“San tayo punta?” Tanong niya. Kinuha ko bag niya. Ako nagbuhat. Ayokong mabigatan siya.
“Sa mall. Samahan mo ko. May bibilhin lang ako.” Pagdahilan ko.
“Tss. Ikaw na lang. Di ako nakapagpaalam kina mama. Saka tinatamad ako.” Sabi niya.
“Sorry. Pero sasama ka sa ‘kin whether you like it or not.” Pinusan ko siya.
“OY! IBABA MO NGA AKO!” While she hits my shoulder.
“Wag ka magulo. Mahuhulog ka. Sige ka. Papangit ka.” Pangaasar ko.
“Pag ba pumangit ako, hindi mo na ako mamahalin? Hahanap ka na ba ulit ng bago mong chicks?” Ayan na siya.
“Kahit pumangit ka. Magka-wrinkles. Magkanda-bungi bungi. Hindi kita pagpapalit. Ganyan kita kamahal. Ayoko lang na masaktan at masugatan ka.” Tumigil na siya kakadada. Sumakay na kami sa kotse ko.
“Ano bang bibilhin mo?” Tanong niya.
“Basta. Secret.” I shushed her.
“Ano nga?” May pagkamakulit talaga si Chel pero OK lang. Teka...
“Wedding Ring natin. Papakasal na tayo.” Sagot ko. Natahimik siya saglit.
“T-teka. Mga bata pa tayo. Di pa pwede. Underage pa tayo.” Pfft! Hahaha! She really is gullible.
“Ikaw lang. 18 na ako. Legal age na ako. Dadayain na lang natin yung age mo.” Binatukan niya ako.
“Aray ko naman!” Bigat ng kamay neto.
“Umayos ka Austin!” She's one of a kind.
“Oo na po.” I surrendered.
Nang makarating na kami sa mall, dumeretso ako sa Red Ribbon. Bumili ako ng cake. Tapos bumili ulit ng bouquet.
Bumalik na kami sa kotse ko. Ihahatid ko na nililigawan ko.
“Susme. Akala ko naman totoong bibili ka ng wedding ring.” Bungad niya.
“Asus. Pakipot pa kanina gusto naman pala.” Sarap asarin e.
“H-hindi ah.” Ibinaling niya sa iba yung tingin niya saka niya dinaig yung kamatis sa pula. Hahaha.
“Oh Pinnochia, yung ilong humahaba. Aminin na kasi.” Pang-aasar ko. She makes me happy.
“CHE!”
Natawa naman ako sa babaeng mahal ko. Ang cute cute talaga lalo na pag napipikon. Hahaha.
Nakarating na kami sa bahay nila. Nag-door bell ako, saka lumabas si manang. Pinapasok niya kami. Sinalubong naman kami agad ni tita.
“Hi dear. Hi Austin, darling.” Si Tita Louisa.
“Hello po. Tita para sa inyo po pala.” Inabot ko yung cake at bouquet na binili ko para kay tita.
“Wow, hijo. Salamat. Upo muna kayo. Ilalagay ko lang to sa kitchen. Teka nga… anong meron bat may ganito ka pang nalalaman? Hindi ko naman birthday ha.” Sabi ni tita na may halong pagtataka. I just smiled. Nang makabalik na si Tita Loiusa mula sa kusina, umupo siya sa may harapan namin. Bale kaming dalawa ni Chel, magkatabi. Kaharapan namin si tita. Hinawakan ko kamay ni Chel sa harap ng mama niya. Napatingin naman samin si tita. Mukha siyang nagulat.
“Tita kasi po… magpapakasal na kami ni Chel.” Seryosong sabi ko kay Tita Louisa.
Aray! Binatukan ako ni Chel. Si tita, nanlaki mga mata niya.
“UMAYOS KA NGA! ‘TONG AUSUNGOT NA ‘TO!” Pulang pula nanaman mukha niya. Hahaha!
“Opo. Eto na nga.” Tingin kay tita.
“Nanliligaw po ako kay Chel kaya gusto ko po sana pati mga magulang niya nililigawan ko din po. Para naman po approve kayo sa relasyon namin if ever po na sagutin ako ng napakaganda at napakabait niyong anak. Kaya po sana, we’re on the same side. Sana po magustuhan niyo ako para sa anak niyo.” Sandaling nanahimik. Nakakabinging katahimikan…
“Asus. Approve naman kami sayo. Alam mo naman yan, hijo. Niligtas mo nang minsan ang buhay ng anak namin. Isa pa, napaka-thoughtful mo. Saludo ako sayo kasi alam mo, hijo, kokonti na lang ang mga lalaking handang ligawan pati mga magulang ng babaeng nililigawan nila. Mabait ka din naman. So, hijo, walang problema sa amin kung ligawan mo siya. Go lang.” Nakangiting sabi ni tita.
“Talaga? Salamat po.” Niyakap ko siya.
“Nga pala. Darating dad ni Chel next week. He’s hoping he’ll meet you. Sasabihin ko na din sa kanya na nililigawan mo na si Chel. Ano, asahan ka namin ha? Be there.” Tita invited me.
“Sige po.” Sabi ko naman.
Days passed at eto na. Makikilala ko na rin ang papa ni Rachel. Kinakabahan ako. Nagsuot na lang ako ng semi-formal na attire para naman ako na talaga ang gwapo. Dinner daw kami sa isang restaurant eh. 7PM ang dinner at… WHAT THE FVCK?! 6:53PM na! Nagmadali ako papunta sa restaurant. Good thing wala pa sila. Oh hindi! Nandito na pala sila. Ako na lang hinihintay! 1st impression ng dad niya sa ‘kin?! Pano na?!
“Hello po. Sorry po kung na-late ako.” Sabi ko.
“It’s ok. We just arrived here a minute before you came.” Siya ba ang papa ni Chel? Ganda ng lahi nila. Even though yung papa niya, hindi ganoon ka-fair yung skin niya, gwapo pa rin.
“Take you seat, hijo.” Umupo ako.
“By the way, I’m Chel’s dad, Daniel. Nice to finally meet you, Austin.” Kilala niya ako agad? “Oh and... thanks for saving my daughter.”
“Wala po yun.” Nagkamay kaming dalawa ni Papa… este Tito Daniel.
“Ok then. Shall we eat?”
Nung natapos na namin yung main course, dessert na din kami. Saka kami nagsimulang magkwentuhan.
“Honey. Austin wants to tell you something.” Tita Loiusa smiled. Tinignan ako ni Tito Daniel.
“What is it, hijo?” He asked.
“K-kasi po…” Kinakabahan ako. Hinawakan ni Chel kamay ko. “Nililigawan ko po si Chel. I mean, if it's OK with you po.”
“That’s great, Hijo. At least alam namin na mabuting tao ang nanliligaw sa anak namin.” Binaling niya kay Chel tingin niya.
“At ikaw, princess. Wag mo patagalin panliligaw niyan. Gusto namin siya para sayo. Di ba, honey? Saka isa pa, napaka-rare nalang ang mga lalaking handing isakripisyo ang buhay nila for a certain person. Grab him. Wag mo nang pakakawalan yan.” Tingin ulit sa akin.
“At hijo, isa lang naman hihingin namin sayo. Wag mong sanang sasaktan ang anak namin. Prinsesa namin yan eh. Pag sinaktan mo siya… lagot ka sakin.” He smiled at me.
“Opo. Wag po kayong mag-alala. Hindi ko po siya sasaktan. Asahan niyo po yan.” Sabi ko naman.
“Alam mo ba, honey, ang sabi niya nga nung pumunta si Austin sa bahay dapat pati mga magulang ng babaeng nililigawan dapat ligawan din. Oh di ba?! Ke bait bait na bata.” Si Tita Louisa.
“That’s really nice of you, hijo.” Pagsangayon ni Tito Daniel. They smiled. Pagkatapos noon, umuwi na kami. Ang saya lang kasi alam kong ok ako sa mga magulang ni Chel at hindi sila kontra sa panliligaw ko sa anak nila.