Austin’s POV
Hanggang ngayon, iniiwasan ko pa rin si Chel. Di ko pa siya kayang kausapin. Masakit pa rin kasi hanggang ngayon eh. Masakit kasi dito... dito sa dibdib. Kaya kaninang pinuntahan niya si Drake sa room, lumabas na lang ako. Nadaanan ko siya ngunit di ko siya kinausap, nginitian o tinignan man lang. Sakto naman na nakita ko si Gold. Remember her? D*mn! She’s a good kisser. Tinawag ko siya. Lumingon siya sakin, ngumiti, tsaka lumapit sa akin. Hinila niya ako sa may park ng university namin and there, we started the make out session. Nung medyo matagal na rin kaming naghahalikan, napalingon ako sa mga dumadaan, and to my surprise, sina Chel at Drake, heading to the canteen. Medyo huminto pa nga sila eh. Tinuloy pa rin namin yung ginagawa namin.
The next day, same old story lang naman. Eh yun na palagi kong ginagawa ngayon. Pinasukan ko lang yung isang subject then I went out with Gold. Naglaro lang kami sa TimeZone. Pampalipas oras. 3 hours din ata kaming nandon. Inantay pa kasi namin dismissal eh. Pagkatapos nun, bumalik na kami. Pinark ko uli yung kotse ko at bumaba kami pareho. Nasa may likod kami ngayon ng isang puno. We started making out again. I kissed her aggressively to the point na she’s moaning. Her hands were on my nape. My hands started to explore her body. D*mn! What am I doing?! Nilagay ko na lang mga kamay ko sa waist niya. Kinagat ko lips niya.
“Sh*t babe! Uh…” Ungol ni Gold.
Tuloy tuloy lang kami. Wala akong pakealam kung may makahuli man samin. Wala naman kaming ginagawang masama. We’re just making out. No more, no less.
“Ehem!”
Napatigil kami sa kung ano mang ginagawa namin. Tinignan ko kung sino yung istorbo. S-si Chel. Kinabahan ako kaso di ko pinahalata. Kailangan kong ipakita sa kaniya na wala akong pakealam.
“Oh Chel. Ikaw pala.” Bati ko.
“Wow. Buti kinausap mo ako ngayon at di mo ako iniwasan? We need to talk. I mean, just YOU and I, ALONE.” Am I in trouble?
“Gold. Leave us first.” Sumunod naman sakin si Gold. Iniwan niya kami. “So… What’s up?” I gazed at her.
“Jeez, Austin! Ilang months mo akong hindi kinausap or should I say iniwasan, then you’re asking me what’s up?! I should be the one to ask you that question! WHAT’S UP?!” I can tell she's upset. But I need to do this.
“Wala naman bago eh.” Sagot ko.
“FVCK! AUSTIN NAMAN! ANG DALANG MO NALANG DAW PUMASOK! MADALAS KA SA BAR! PALAGI KANG UMUUWI NG LASING! YOU’RE MAKING OUT WITH RANDOM GIRLS! YOU EVEN LEARNED HOW TO SMOKE! PVTA LANG AUSTIN! AKALA MO BA HINDI KO NALALAMAN MGA YAN! ANONG NANGYAYARI SAYO?! TELL ME WHAT YOUR FVCKIN’ REASONS ARE HINDI YUNG GANITONG INIIWASAN MO AKO!”
Napapano siya? Bat ganiyan siya maka-react? Di ba dapat matuwa siya kasi wala nang nang-aasar sa kaniya? Isa pa baka mabagwisan ko pagmumukha ng boyfriend niya. Ano na nga bang pangalan nung ugok na ‘yon? Ah tama. Jinro.
“Tapos ka na ba?” Tanong ko.
“ANO BA AUSTIN?! UMAYOS KA NGA! T*NGA LANG AKO DITO GANON?! WHAT’S THE MATTER WITH YOU?! TELL ME WHAT’S FVCKIN’ WRONG!”
Ikaw. Ikaw ang problema ko. At yung boyfriend mo! Tinignan ko lang siya. Nakatingin din siya sakin. Nanahimik kami saglit saka ako muling nagsalita.
“Bakit? Para ano pa? Ano ba kita?”
Ewan ko kung bakit yan ang nasabi ko sa kaniya. Natigilan siya. Tinitigan niya lang ako. Pagkatapos nun, bigla na lang tumulo mga luha niya. Sh*t! ano bang nagawa ko?! I hate myself!
“O-oo nga naman. Ano mo... ano mo nga ba naman a-ako?” Fvck! What the hell's wrong with me? With her?
And with that, she walked away at tuluyan na ngang pumasok sa kotse niya. Naiwan lang akong nakatayo doon. Nag-isip. Pucha! Ang g*go ko para naman saktan siya! Napagpasyahan ko na pumunta na lang sa bar. My second home. Magpapakalasing nalang ako. Tang*na! Bakit ko ba nagawa yun?! Pagkarating na pagkarating ko sa bar, umorder agad ako ng kahit anong hard. Halo halo na din. Brandy, vodka, beer at kung ano ano pang malakas ang tama. Nilapitan na din ako ng mga babae.
“Hey babe.” Maland*ng pagkakasabi ng babae sa tabi ko. Hinarapan ko siya.
“What do you want?!” Naiinis kong tanong. Wala ako sa mood! Kasalanan ko to eh!
“I want… YOU.” Sabay halik sa akin. Tinulak ko siya palayo but she insisted. She’s coming back for more. Until…
“Pare girlfriend ko yang nilal*ndi mo!” Sinugod ako ng lalaki. Sinuntok ako. Dapat lang sakin to. I deserve this. Go on. More! Lakasan mo pa! Pinagsusuntok lang niya ako. Di ako lumaban. Ginusto ko to eh. Nung magsawa na siya, tumayo na ako.
“Tapos ka na ba, pare? First of all, hindi ako ang lumapit sa girlfriend mo. Siya ang lumapit. She said she wants me. Hinalikan niya ako at tinulak ko siya. But she kept on kissing me. Pangalawa, thank you bro, for the punches. I deserve those kase ang g*go ko. Salamat talaga.”
Nagbayad na ako. Di man ako nalasing pero worth it naman. Nasuntok ang g*go eh. I really deserve those. Minsan naisip ko, sana hindi ko na lang ginawa yung rule na yon. Ako din naman pala ang sisira. And right now, I’m facing the painful consequence. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko silang magkasama at masaya sa piling ng isa’t isa. Kaya napili ko nalang na iwasan siya para naman mabawasan ng kahit konti yung sakit na nararamdaman ko. Kaso mukhang nagkamali ako. Lumala lalo ang sakit. Sa mga oras na iniiwasan ko siya, di ko maiwasang ma-miss ko siya. Nasanay na kasi akong kasama siya. Namimiss ko ngiti niya. Yung tawa niya. Mga mata niya. Mga asaran namin. Mga kulitan, tawanan, lahat lahat. Namimiss ko ang buong... siya. Siya mismo ang namimiss ko.
“Pare, ano nagawa mo bang kunin ulit ang loob ni Chel?” Tanong nung lalaki.
Ibang Chel naman siguro pinag-uusapan ng mga to. Di naman siguro si Rachel Levine.
“Oo pare. Kami na ulit.”
Teka. Pamilyar yung boses ng lalaking yun ah. Kinutuban ako ng masama. Napagpasyahan kong makinig sa usapan ng may usapan kahit alam kong mali. Di na ako mapakali sa lugar ko. Sinilip ko kung sino sila. S-si Jinro?! At isa pang lalaki na mukhang gangster.
“Magaling ka naman pala eh! Panalo ka sa unang dare.” Sabi nung lalaki.
“Panalo ka sa unang dare.”
“Unang dare.”
“DARE.”
Ano?! Dare lang ang lahat?! Tang*ina niyo! Mga g*go!
Sinugod ko sila. Nag-black ang paningin ko. And I just saw myself punching Jinro.
“Tang*na mo! T*ngina mo! Kung alam ko lang g*go ka na ganito pala talaga, sana nung una palang nilayo na kita sa kaniya! HINDI KO SANA HINAYAAN NA MAGING KAYO ULIT! TARANT*DO KA ALAM MO YUN?! NAHULOG NA ULIT SIYA SAYO! AT NGAYON ANONG BALAK MO?! SASAKTAN MO SIYA?! MAGKAKAMATAYAN MUNA TAYO BAGO MO MAGAWA YON! FVCK!”
Sinasabi ko yan habang sinusuntok ko siya ng paulit-ulit. Nung makita kong duguan na siya. Itinigil ko na. Sinamaan ko ng tingin yung kasama ng ugok na to pagkatapos binalik ko ulit tingin ko kay Jinro.
“DI PA TAYO TAPOS, T*NGNA KA!”
Umuwi na ako. Pagkadating ko sa bahay, I tried to call Chel but she’s out of reach. Di ko siya ma-contact. So I decided na sabihin na lang sa kaniya bukas na bukas din.
2:23AM na pero di pa rin ako makatulog. Iniisip ko pa rin yung mga narinig ko. Iniisip ko kung pano ko ito sasabihin kay Chel ang mag ‘yon.
“Panalo ka sa unang dare.”
T*NGINA NIYO! MAKAKATIKIM KAYO SAKIN MGA UGOK!