Rachel’s POV
Matapos kaming magkapatawaran ni Jinro, gumaan ang loob ko. Kung baga, parang nawala ang mga mabigat na dinadala ko. Papasok na ko sa campus… may banner kaagad na sumalubong sa akin sa gate. Sh*t! Nakaka-touch naman si Austin.
‘HAPPY 1ST MONTHSARY BABE. I LOVE YOU. – Babe mo, Austin Liam Lee’
Tapos sa gilid, maraming pictures ko. Buti hindi siya pinagalitan sa mga pinanggagawa niya. Ano bang meron? Tinanong ako ng guard na naka-duty ngayon. Parang statue lang akong nakatayo sa harap habang tinitignan ang nasa gate. Akala ko talaga nakalimutan niya.
“Ma’am kayo ba yung nasa picture?” Si manong guard. Tumango ako bilang sagot.
“Ang swerte niyo naman po.” Sabi niya habang naka-smile.
“Ano po bang meron? Buti kahit ano pong kalokohan ginagawa niya dito, hindi po siya sinisita? Sila siguro may ari ng university na to kaya ganyan.” Pagbibiro ko. Honestly, wala pa ako masyadong alam sa buhay ni Austin. Ni hindi ko pa nga nami-meet parents niya eh.
“Sila nga po.” Sabi ni kuya guard. Nanlaki na lang mata ko sa narinig ko.
“A-ano po?” Mautal utal kong tanong.
“Sila nga po may-ari ng Nitsua Alturas Universidad.” Sagot ni kuya guard.
“A-ahh? Ha-ha-ha. Alam ko po. Sige po, una na po ako.” I chuckled nervously.
Hindi ko naman talaga alam na sa university nila ako pumapasok. Sus! Austin. Bakit di mo sinabing inyo tong university na pinapasukan ko? May nakita akong signages. ‘This way’ sinunod ko mga yon and there nakapunta ako sa may stage sa pinaka-center ng campus. Si Austin… nakaupo habang may hawak na bouquet. He's so dreamy! Lumapit ako sa kaniya. Ang daming taong nakikichismis. Pustahan nasa bulletin board nanaman kami bukas.
[Play the song: Take Me As I Am by FM Static]
~ This time I finally see the reason why I can’t do this alone. It took some time and concentration to believe it, this I know. I need to build my faith sometimes, but I am so comfortable in line. I’m up, there’s no more time to try to mess with these designs. ~
Hinila niya ako papalapit sa kaniya tapos binigay niya sa akin yung bouquet.
~ Tonight’s complete, everyone’s asleep, and I wanna say this words to you. I’ll be your hands. Take me as I am. I just wanna be with you. Take me as I am ‘coz I’m going. I was too scared to start, and now I’m too scared to let go. Take me as I am ‘coz I’m growing, but it’s so hard to tell when I’m not used to this, so… Take me as I am ‘coz I’m going. I was too scared to start, and now I’m too scared to let go. Take me as I am ‘coz I’m growing, but it’s so hard to tell when I’m not used to this, so… ~
Hawak niya pa rin yung kamay ko. Ang daming nakatingin sa amin. Pero habang tinitignan ko siya… parang unti-unti na lang nawawala ang mga tao sa paligid namin. Hanggang sa parang kami na lang dalawa ang natira. Naka-focus lang ako sa mga mata niya.
~ I lift my voice to sing out. Let the sound of my heart ring out. These hands aren’t holding me down never again will I be without. I need to build my faith sometimes, but I am so comfortable in line. I’m up, there’s no more time to try to mess with these designs. ~
Sinasayaw na niya ako. Hindi pa naman ako marunong sumayaw.
“I’ll take the lead. Hindi naman kita papabayaan.”
He pulled me closer and we took one more step. We’re now on the rhythm. He takes the lead. Nakakasunod na naman ako. Sheez! Ang lakas ng tibok ng puso ko. I love him so much!