Chapter 26: "Officially Mine"

5 0 0
                                    

Austin’s POV

Sa wakas at kami na ni Chel. I promise hindi na ako magloloko. Takot ko na lang magalit si Chel. Ewan ko ba. Napatino niya ako. Sa dinami dami ba naman ng mga babaeng nakilala ko, akalain mong siya pa pala ang makakapagpatino sa akin? Siya na masarap asarin, siya na pikon, siya na baliw, siya na mabait, siya na maganda, siya… na nakapagpatibok ng puso ko. Hindi ko inaakala na magkakamabutihan kami.

Nag-flashback sa utak ko ang lahat mula sa una naming pagkikita. Mula noong nginitian ko siya, noong nakita niya ako sa CR ng babae, noong nakita niya akong may mga kahalikan ulit kaso hindi ako pinansin at tumuloy tuloy lang sa kotse niya, noong natapunan niya ako ng juice, noong kumanta siya, noong naging magkaibigan kami, noong kinukulit kulit ko lang siya hanggang sa nagkaroon kami ng misunderstandings.

Sa dinami dami ng masasamang traits na nakita niya sa akin, hindi ko na in-expect na magkakaroon ng “kami”. Dahil akala ko noon, hanggang friends na lang kami. Na habangbuhay ko na lang itatago ang nararamdaman ko para sa kaniya. Akala ko hindi niya masusuklian ‘yon. Hindi naman kasi sa nag-eexpect ako na mahalin ko lang siya, mamahalin na din niya ako pabalik. Di ba?

“Oh, babe. Nandito ka na pala? Ang aga mo ha?” Bungad sa ‘kin ng babaeng mahal na mahal ko.

“Siyempre naman. Ayokong pinaghihintay ang mahal ko.” Ngumiti siya saka namula.

“Babe… sige… uhm… bihis lang ako. Wait lang ha?” Sabi niya.

Naghintay ako sa may labas. Pagkatapos ng ilang minuto, bumaba na din siya. Simple lang naman ang suot niya. Bibili lang naman kami ng mga gagamitin sa pasukan.

“Let’s go, babe.”

Umalis na kami papunta sa National Book Store.

***

Pasukan na. Hinihintay ko ngayon sa labas ng bahay si Chel. First day ng school ngayon. Sabay kami dapat ng girlfriend ko. After 5 minutes, dumating na siya. Binati ko siya ng ‘Good morning’ sabay halik sa noo. Pinagbuksan ko siya ng pinto pagkatapos sumakay na ako.

“Anong meron babe? May pa-eyeglasses eyeglasses ka pang nalalaman diyan. Mukha kang nerd pero ~asdfghjkl.” Sabi niya habang nasa biyahe kami. Di ko narinig yung bulong niya. Tss.

“Wala naman babe. Mukha ba talaga akong nerd? Tss. Atleast mahal mo.” Saka ko siya nginitian. Namula nanaman siya. Ang cute niya talaga.

Nung makarating na kami sa university, bumaba agad ako saka pinagbuksan ulit ng pinto si Chel. Inalalayan ko pa nga eh. Holding hands pa kami niyan.

“TAMA NGA YUNG NASA BLOG! SILA NA! OH NO! THIS CAN’T BE! PANO NA AKO?!”

“OH EM JI! NO!”

“SALUHIN NIYO KO! MAHIHIMATAY NA AKO!”

“NO!”

“MGA TAKSIL! AKIN LANG SI PAPA AUSTIN!”

Nanlilisik na mga mata ni Chel. Naku po. Masama to. Tinanggal niya yung salamin ko. Saka niya ako hinalikan. Possessive girlfriend ko. And I love her.

“Sh*t! Sayang. Balak ko pa naman ligawan si Chel. Kaso naunahan na tayo.”

“Oo nga. Akala ko ako mauuna sayo.”

“Pare walang ganyanan.”

“Takte pre! Bakit?!”

“Akin siya!”

“Hindi! Akin siya!”

Lumapit ako sa kanila. Sabay sabing…

“WALA NI ISA SA INYO ANG NAGMAMAY-ARI SA KANIYA. AKIN  SI CHEL.” Hinalikan ko siya. “Pano ba yan? Quits na tayo. Bigla bigla ka na lang kasi nanghahalik eh. Gumanti lang babe.” I smiled playfully.

Rule Breaker No. 143Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon