Austin’s POV
“Iza? Ba... bakit mo naman ginawa yun?”
Nabigla talaga ako sa ginawa niya. Ano nanaman bang pumasok sa kokote neto at bigla bigla nalang nanghahalik? Peste! Pag nalaman pa to ni Chel… lagot ako!
“Sorry. Hindi ko na kasi kayang pigilan ang nararamdaman ko para sayo eh. Noong simula palang may gusto na ako sayo. Hindi ko lang pinaalam. Natatakot ako na baka i-reject mo din ako tulad ng iba. Kaso hindi. Na-inlove ka kay Chel. Ano bang nakita mo sa kaniya na wala sa akin? Austin matagal mo na akong nakakasama. Magkaklase tayo diba?" She's crying right now.
"Pinilit kong kalimutan ang nararamdaman ko para sayo kaso hindi ko magawa. Sa tuwing nakikita ko kayo ni Chel, nasasaktan ako. It's been 2 years. I've kept my feelings for you. Kaya s-sorry kung nagawa ko to. Call me a bitch or whatever you want at least naamin ko sayo na gusto kita. No… mahal na pala kita. Kahit alam kong may girlfriend ka na… wala akong pakealam. Love me back… please. I’m so desperate.” Sabi niya.
“Alam mo naman pala na may girlfriend ako… at best friend mo pa. Ano na lang mararamdaman niya kung nalaman niyang ganyan ang best friend niya?" Tinignan ko siya.
"Excuse me for my words… iisipin niyang wala kang pinagka-iba sa mga sluts diyan sa tabi tabi. Masisira pagkakaibigan niyo. Isa pa… I can’t love you back ‘cause mahal na mahal ko talaga si Chel. I won’t cheat on her at hindi ko siya ipagpapalit kahit na sampung beses pa ang ganda ng babaeng naghahabol sa’ken. Ipinangako ko na, na siya ang babaeng papakasalan ko. Kaya… sorry. I really can’t love you back just like you want. Now, will you excuse me? Hinahanap ko kasi si Drake.” Sabi ko naman.
Paalis na ako nang pigilan niya ako. Hinawakan niya ako sa may wrist ko saka nagsimula ulit magsalita. Humarap ako sa kaniya. Naiinis na ako sa kaniya. Hindi ko na siya kilala.
“Hindi mo makikita si Drake dito.” Umiiyak pa rin siya..
“At bakit naman hindi? Eh ka-text ko palang siya kanina. Kaya nga ako nandito ngayon kasi sabi ni Drake samahan ko siya.” Wala akong pake umiyak ka man.
“H-hindi siya ka-text mo kanina. A... ako. Ako yun. Hiniram ko phone niya.” Pagamin niya.
“T*ngna naman, Iza! May phone ka naman siguro bat ka pa manghihiram?! Iba ka! Iba ang trip mo! Sorry pero wala ako sa mood makisakay sa trip mong walang kwenta! Nagsayang lang ako ng oras! Sige dyan ka na!”
Aniversary namin ngayon ni Chel. Ganda na nga aura ko eh. Sinira niya! Kaya naman pala iba ang format ng text ni Drake. Ang tanga ko talaga! Bat di ko kaagad naisip yun?! Sumakay na ako sa kotse ko at saka ito pinaharurot. Ayokong malaman to ni Chel. Baka kung anong isipin nun. Pero hindi. I need to be honest. Sabi nga nila, “If you want a long term relationship, follow the simple rule. NEVER LIE.” I’ll tell Chel tomorrow. I bet she’s sleeping right now.
Someone’s POV
And boom! She did it well. Ano nalang kaya mangyayari niyan. I provoked her to tell her feelings for Austin. Though I got a bit irritated about her confession. Kasi naman. May isa pa pala akong kaagaw. At best friend pa ng Rachel na yun. Kung pano ko nagawang paaminin siya? Well, nakipag-close muna ako sa kaniya then I told her to spill her secret.
*FLASHBACK*
“Matagal ka na palang may gusto kay Austin. Bat di mo inamin sa kaniya? Kung nauna ka lang sanang magtapat, edi ikaw unang mamahalin nun.” Sabi ko.
“Wala na tayong magagawa. Ano bang laban ko sa best friend ko na mahal na mahal niya? Talo na din naman ako.” Akmang susubo na niya yung sandwich niya.
“Gaga. Akong bahala. Basta sundin mo lang lahat ng ipapagawa ko. Magiging iyo din siya. Ang tanong… kaya mo bang i-sacrifice ang friendship niyo?” Tanong ko.
“Kung para sa lalaking matagal ko nang mahal? OO KAYA KO!” Sagot niya. Selfish bitch.
“Sige. Ganito gagawin natin…”
*END OF FLASHBACK*
Rachel’s POV
This day was AWESOME! Austin made it very special. 2 years na kami. Ang saya lang isipin na ganito pala kami katatag. We never had a major fight ever since naging kami. Matapos akong ihatid ni Austin, nakatanggap agad ako ng tawag mula sa kaniya. He said he’ll go to XO Bar ‘cause Drake wanted to hang out with him. Sa bagay. Halos hindi na sila maka-gimik together. Ako kasi priority ni Austin eh.
*Knock Knock*
Si mama. May dala siyang foods para sa amin. Aww. Ang sweet talaga ni mama.
Umupo siya sa may gilid ng kama ko at inilapag ang dala niya. Excited akong tinanong ni mama kung anong ginawa namin. At doon, kinwento ko lahat. Kung gano kasaya ang naging araw ko. After kong ikwento kay mama ang lahat…natahimik na siya. Parang may mali kay mama. Hindi si mama ‘to.
“Ma? May problema ho ba?” Hindi umimik si mama.
“Ma, tell me.” Huminga siya ng malalim. Saka nagsimulang magsalita.
“Honey… ang kuya mo… naaksidente daw. Your dad called me a while ago. Hindi naman masyadong malala. Good thing he only got bone fractures. The problem is, walang mag-aalaga sa kaniya doon. You know your dad’s a busy person and I still got something to do with the opening of our company here. I was wondering if… you can go to LA for your kuya. He needs someone right now. Pero sa narinig kong kwento mula sayo kanina, mukhang hindi ka papayag.” My mom’s upset. Si kuya… naaksidente.
“No mom. I’ll go. Kuya needs me.” I hugged her tight. I’ll just tell Austin tomorrow.
Later on… tinext ko sila Luzy. Sinabi ko na kailangan kong umalis para asikasuhin si kuya. Gusto ngang sumama ni Krizza eh. Over talaga yun pagdating sa kuya ko. Tinamaan talaga ni cupid.
Pupunta sila dito bukas. Nako! Mahaba habang chikahan nanaman niyan bukas. At mahaba habang dramahan nanaman ang gagawin ni Krizza bukas. I’ll ready myself.
***
Good morning, world! Naghilamos na ako saka bumaba para batiin si mama at kumain ng breakfast kasama siya. Nang matapos na kaming kumain, dumating na ang Tres Marias. Sinama ko na sila sa kwarto ko. Kwetuhan lang kami hanggang sa biglang kumatok si mama. May dumating na sulat daw para sa akin. Kinuha ko naman iyon. Teka, sino namang magpapadala ng sulat? 20th century na. Uso naman ang e-mails ha?
“Girl, ano yan? Kanino galing?” Si Paola.
“-GC lang nakalagay eh.” Napakamot naman ako ng ulo.
Wala akong oras para sa mga ganito! Pagkabukas ko… pictures ang nakita ko. Pictures ni Austin na may kahalikang babae. Parang déjà vu. Ang babae… s-si… hindi! This can't be right! Si Iza?!
Nahulog sa may sahig ang mga picture nang hindi ko namamalayan. Kasabay non ang pagtulo ng luha ko.
“Oh my! What’s this?!” Tanong nila.
I broke down. Hindi ko na kayang magpigil ng luha this time. The one that I love the most… and my best friend… betrayed me. Oh fvck! I can’t take this! My best friend’s a bitch! Oh… scratch that. My EX-Best friend!
“Hey, girl. Si Austin… tumatawag.” Ani Luzy.
“Hayaan niyo lang. Aalis na ako bukas. Sembreak naman na eh.” Sagot ko.
“Aww girl. Akala namin nagbago na si Austin. 2 years na kayo and I thought he's changed.” Sambit ni Paola.
“Well, once a Casanova… always a Casanova. Bat di ko naisip agad yon? Sa bagay… nagtiwala ako sa kaniya.” Pinupunasan ko mga luha na pumapatak.
Niyakap nila ako. Nakaayos na naman lahat. Ready for the flight na ako. Maya maya… I bid goodbye to them. Paalam, Austin.