Chapter 8: "We're Friends"

15 0 0
                                    

Austin's POV

Umaga na. Nagsi-uwian na yung iba. At ako? Pauwi pa lang. Si Chel kaya naka-uwi na din ba? Ready to go na ako. Nung malapit na ako sa gate nung resort, sinalubong ako ni Iza. Ayos!

"Hey. Are you going home na?" tanong niya.

"Yeah. Si Chel? Umuwi na ba?"

"Hmn. Oo. Kakaalis lang nila." she answered.

"Ganun ba? Kunin ko yung number niya pwede ba?" I asked politely.

"Wow. Mukhang friends na kayo ah." she had a smile on her face.

"Ah. Oo kagabi lang."

"Uh... that's nice. Oh eto." Bat parang na-frustrate tong isang to?

Binigay na niya yung number ni Chel sakin. Mamaya ko nalang siya it-text pagkauwi ko. Kanina pa kasi ako hinihintay ni manang eh. Ang sabi ko kasi kay manang mga 10 AM nasa bahay na 'ko. Eh halos 11 AM na. Napuyat kasi kami eh. At least nag-enjoy naman. Eh kasama ko si Chel. Magdamag kami nagkwentuhan.

Nagdrive ako papuntang mall. Ibibili ko ng pasalubong si manang para naman matuwa sa 'kin. Kahit na ganito ako may puso din naman ako. After 20 minutes, nasa bahay na ako. Sinalubong ako ni manang at pinagbuksan ng gate. Pagkababa ko sa kotse, agad ko binigay sa kanya yung favorite niyang kainin. Ang mahiwagang ensaymada ng Red Ribbon. Nakita ko naman agad sa mukha ni manang yung saya. Tapos nag-thank you siya sa 'kin. Pagkarating ko sa room ko, naligo ako, nagbihis, saka dumeretso sa kama ko. Higa lang tapos bigla kong naalala si Chel. Teka mai-text nga to. Miss ko na agad. Pag tinamaan ka nga naman.

To: Chel ❤️

Hi :)

-end-

Ilang minuto pa at nagreply na siya.

From: Chel ❤️

Who is this?

-end-

To: Chel ❤️

Hulaan mo. 🤣

-end-

From: Chel ❤️

Sorry but I don't have time for this. Tsaka hindi kita kilala. Bye.

-end-

Wow. Ang sungit pa rin naman talaga. Lalo na pag sa mga di niya talaga kilala. Mareplyan nga.

To: Chel ❤️

Sungit naman. Eh kasama moko magdamag tas sasabihin mo sakin na di moko kilala? Ouch, Chel, that hurts. 😭

-end-

From: Chel ❤️

Ah. Austin?

-end-

Grabe. Ang tipid magrely. Babaeng to talaga.

To: Chel ❤️

Hm. Yeah. So musta? Miss na kita 😘

-end-

I mean it. Miss ko na agad siya.

From: Chel ❤️

Di mo naman kasi agad sinabi. Nasungitan tuloy kita. Ok lang naman ako. Eh ikaw? Ako? Miss mo? Lelang mo. Chickboy ka! Hahaha 🤣

-end-

Ouch. Dati Playboy. Nagyon naman, Chickboy. Di ba pareho lang naman yun? Ugh! Pag ako naiwasan ko mga babae Who You ka sa 'kin. Asa pa akong mah-who you kita. Di kaya kita kaya kalimutan.

Rule Breaker No. 143Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon