Chapter 32: "Gotta Go My Own Way"

11 0 0
                                    

Rachel’s POV

[Play the song: I Gotta Go My Own Way – High School Musical]

~ I gotta say what's on my mind. Something about us doesn't seem right these days. Life keeps getting in the way. Whenever we try, somehow the plan is always rearranged. ~

Ok. Wala ng atrasan to. I need to find my peace of mind. Gustuhin ko man siyang kausapin tungkol sa picture na yon kaso hindi ko magawa. Masyado pang masakit. Hindi ko pa kaya. Marinig ko lang pangalan niya tumutulo na luha ko. What more kung makita at makausap ko pa siya? Hindi ko siguro kakayanin. Heto na. Goodbye… Philippines. Ewan ko kung mag-eenroll pa ako sa second sem or dun na pagpapatuloy ang pag-aaral ko.

“Hindi ka na ba talaga namin mapipigilan?” Ang Tres Marias. Ngumiti ako ng mapait sa kanila bago ako sumagot.

“Mga lukaret… hindi na eh. Kailangan ako ni kuya. Wag kayong mag-alala. Araw araw ko naman kayo kokontakin through Skype. Ano? Ayos ba? Bibilhan ko nalang kayo ng mga pasalubong.” Sagot ko sa kanila.

“Aww. Loka. Kahit hindi na. Hindi namin kailangan ng mga pasalubong…” Sambit ni Krizza.

“Ako kailangan ko!” Nakangising sabi ni Paola.

“Shattap Pao! Gaga ka talaga.” Sabi ni Luzy habang tumatawa.

"Hey, I'm just trying to lighten up the mood here." Nagpout si Paola.

“Itutuloy ko na ha? Anyways, yun nga… hindi nga namin kailangan ng mga pasalubong mo. Ayos na saming maka-uwi ka dito ng buo at walang pinagbago.” Krizza said.

“Ayy ano ba yan. Para namang matatagalan ako dun. Kayo talaga… kaya nga love na love ko kayo eh.” Sabay yakap ko sa kanila.

“Hatid ka na namin sa airport, dear?” Alok ni Luzy.

“I hate to turn down the offer pero... thank you. Kaya ko naman. Salamat nalang mga bestie. Sige na. Baka ma-late pa ako sa flight ko. Babay na.” Sagot ko.

~ It's so hard to say, but I've gotta do what's best for me. You'll be okay. ~

Sumakay na ako sa cab. Alam ko naman na pag sumakay na ako dito, wala na talagang atrasan to. Kumaway na ako sa kanila. Tinitignan ko nalang cellphone ko habang tahimik na nakaupo sa cab. Ang cellphone ko na may napakaraming alaala niya ang naiwan. Mula sa wallpaper, hanggang sa mga text messages niya, at sa call logs.

~ I've got to move on and be who I am. I just don't belong here, I hope you understand. We might find our place in this world someday, but at least for now, I gotta go my own way. ~

Lumipas ang ilang minuto… nakarating na din ako sa airport. Pumasok at naghintay muna ako sa may lobby. Tanga tanga kasi e… hindi nakasunod yung oras ko sa phone at sa oras sa airport. Kaasar! Advanced ng 1 hour and 30 minutes yung sa phone ko kaya akala ko tuloy mahuhuli na ako sa flight ko. Hindi naman siguro ako maiinip. Maglalaro nalang muna ako sa phone ko hanggang sa dumating na yung oras ng pag-alis ko.

~ Don't wanna leave it all behind, but I got my hopes up and I watch them fall every time. Another color turns to grey. And it's just too hard to watch it all slowly fade away. I'm leaving today, 'cause I gotta do what's best for me. You'll be okay. ~

1 hour and 15 minutes passed.15 minutes more to go. Kailangan ko nang makita si Kuya.

~ I've got to move on and be who I am. I just don't belong here, I hope you understand. We might find our place in this world someday, but at least for now, I gotta go my own way. ~

Suddenly… My phone rang. Sasagutin ko ba?

Austin’s POV

Nakarating na ako kina Chel. Sasabihin ko na sa kaniya kung ano nangyari sa XO Bar kagabi. Sasabihin ko na sa kaniya lahat lahat. Mula sa pagte-text ni Iza na akala ko si Drake hanggang sa paghalik sa akin ni Iza. Itinulak ko naman siya di ba? At hindi ako nagkamali dahil loyal ako sa babaeng pinakamamahal ko. Nasabihan ko nga si Iza ng mga masasakit na salita, right?

“Luzy, Paola, Krizza? Si Chel? Andyan ba sa loob?” Tanong ko sa kanila. Nadatnan ko kasi sila sa may gate nina Chel eh. Teka… umiyak ba ang mga ‘to?

“Tinanong mo pa kami?! Girls teka lang ha. May kukunin lang ako sa kwarto ni Chel.” Akmang aalis si Krizza.

“Oh. Anong nangyari dun?” Tanong ko ulit.

“WALA! HINTAYIN MO NALANG SIYA! HMPF!”

Ang susungit. Anong nangyari sa kanila? PMS? Nako nako. Maya maya bumalik na si Krizza na may dala dalang kung anong mga papel… or should I say mga picture. Binato iyon sakin ni Krizza. Pinulot ko iyon saka nalang ako nagulat. Ako... ako to at si Iza… nung hinalikan niya ako. Hindi. Baka na-misinterpret niya ang nandito sa picture.

“Na... nasan si Chel? Ipapaliwanag ko to sa kaniya. It's not... it's not what you guys think.” Aligaga kong tanong.

“Gusto mong magpaliwanag sa kaniya?! Bakit?! Para ano pa?! Hala sige! Sundan mo sa US!”

What?! This can’t be happening. Hindi… baka masundan ko pa siya. Baka nasa airport pa siya. Nagmadali akong pumasok ulit sa kotse saka ito pinaharurot. Kinuha ko cellphone ko and I started calling her. Great! Nagr-ring pa. Sasagutin kaya niya?

“Bakit?! Anong kailangan mo?!” Iritable ang boses niya.

~ What about us? What about everything we've been through? What about trust? You know I never wanted to hurt you. ~

“Chel, babe. I can explain.” Panimula ko.

~ And what about me? What am I supposed to do? I gotta leave but I'll miss you. ~

“No! Don’t you dare! Wala na din naman dapat i-explain eh. Isa pa… bagay kayo.”

“No Chel. The picture… it was nothing. I can explain it to you right away. Basta diyan ka lang. Hintayin mo ko... please.” Pagmamakaawa ko.

“You don’t owe me an explanation. It’s ok. I’m leaving.”

~ So, I've got to move on and be who I am. (Why do you have to go?) I just don't belong here, I hope you understand. (I'm trying to understand) We might find a place in this world someday, but at least for now (I want you to stay) I wanna go my own way. ~

"All passengers boarding to LAX, flight PR678, please proceed to the gate."

Mas lalo kong binilisan ang takbo ng kotse ko. Hindi ko kayang mawala si Chel sa akin. Hindi ko kakayanin. Kaya please Chel. Don’t leave. Wait for me. We’ll fix this.

~ I've got to move on and be who I am. (What about us?) I just don't belong here, I hope you understand. (I'm trying to understand) We might find our place in this world someday. But at least for now, I gotta go my own way. I gotta go my own way. I gotta go my own way. ~

Rule Breaker No. 143Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon