Austin’s POV
Bakasyon na. 3 months na din akong nanliligaw kay Chel. Ewan ko ba bat hindi pa ako sinasagot neto. Lahat na ata ng gimik na pwedeng gawin para mapasagot siya, ginawa ko na. Sobra na nga akong nag-effort. Pero ok lang naman. Handa akong maghintay para sa sagot ni Chel. I’ll give her a plenty of time to think naman eh. Ayokong i-pressure siya.
Nandito nanaman ako sa bahay nila. Lagi lang naman akong nakatambay sa bahay nina Chel. Nangungulit. Nanggugulo. Kawawa naman si Babe.
“CHEL MY BABY! CHEL KO! CHEL NA MAHAL NA MAHAL KO! GISING NA! I LOVE YOU!”
Ayaw pa rin bumangon ha?! Sige sige. Isang try pa.
“CHEL! SUNOG!”
Wala pa rin epekto?! Tulog mantika talaga ang mahal kong ‘to. Ah! Alam ko na. Papalapit ng papalapit na labi ko sa labi niya. Pikit na ako. Eto na. Konti pa. 1 inch na lang.
Sinapak ako! Aray!
Sayang! 1 inch nalang. Di pa ako pinagbigyan.
“AT ANONG BALAK MO, HA PANGET KA?! NANAKAWAN MO PA AKO NG HALIK AH! LAYAS! CHUPE KA DYAN! LUMAYAS KA SA KAMA KO! BUSET! ANG AGA AGA BINUBULABOG MO AKO! SA TINGIN MO BA HINDI PA AKO NAGISING SA INGAY MO KANINA?! ANONG AKALA MO SA ‘KIN, BINGI?! NAGTUTULUGTULUGAN NA NGA LANG AKO! KULANG PA TULOG KONG BAKULAW KA! LAYAS!” Heavy machine gun mode!
“Sorry na mahal ko. Patawarin mo ako sa pagkakasalang nagawa ko. Nararapat lang na ako’y parusahan. Ok lang kahit bugbugin mo ako… BASTA GAMIT LIPS MO!” Alam ko asar na asar na to.
“MANIAC! ALIS! LAYAS!” Pinagbabato na niya ako ng unan.
“MAHAL MO NAMAN.” Papalapit ulit ako sa kaniya. Hinawakan ko magkabilang kamay niya. Napapikit siya. Lumayo na ako.
“Got ya! You should have seen your face! Akala mo hahalikan kita?! Asa!” Tumawa ako ng malakas.
“CHE! MANIAC!” She's pissed pero mukha niya kamatis.
“I LOVE YOU TOO, BABY SUNGET.”
Umalis na ako sa kwarto niya. Haha. Ang sarap talaga niyang pikonin. Pag napipikon siya, lalo lang ako na-iinlove sa kanya. I love you, Rachel Elizah Levine.
Rachel’s POV
“CHEL MY BABY! CHEL KO! CHEL NA MAHAL NA MAHAL KO! GISING NA! I LOVE YOU!”
Jeez! Ang aga aga pa Austin! Let me sleep some more! Kunwari hindi ko na lang narining.
“CHEL! SUNOG!”
Maaamoy ko naman kung may sunog. Wala naman akong naaamoy na usok ha. Chusero tong lalaking mahal ko. Kaso naramdaman ko na papalapit siya. Oh no! Don’t tell me…
Sinapak ko siya! Balak niya akong nakawan ng halik! Pervert suitor! Bawal pa. Di ko pa naman siya sinasagot ah!
“AT ANONG BALAK MO, HA PANGET KA?! NANAKAWAN MO PA AKO NG HALIK AH! LAYAS! CHUPE KA DYAN! LUMAYAS KA SA KAMA KO! BUSET! ANG AGA AGA BINUBULABOG MO AKO! SA TINGIN MO BA HINDI PA AKO NAGISING SA INGAY MO KANINA?! ANONG AKALA MO SA ‘KIN, BINGI?! NAGTUTULUGTULUGAN NA NGA LANG AKO! KULANG PA TULOG KONG BAKULAW KA! LAYAS!” Sabi ko naman. Well, more likely sinermon ko siya.
“Sorry na mahal ko. Patawarin mo ako sa pagkakasalang nagawa ko. Nararapat lang na ako’y parusahan. Ok lang kahit bugbugin mo ako… BASTA GAMIT LIPS MO!” Aba’t?!
“MANIAC! ALIS! LAYAS!” Pinagbabato ko na siya.
“MAHAL MO NAMAN.” Papalapit ulit siya sa ‘kin. Hinawakan niya magkabilang kamay ko. Napapikit naman ako. Can’t be. Hindi pa kami. Bawal pa kiss.