Rachel’s POV
Hinatid ako ni Austin sa bahay. Nung makarating na kami, sinalubong kami agad nina Mama. She hugged me tightly. She’s crying.
“I know what happened. Are you ok honey?” Tumango ako bilang sagot sa kaniya.
“Thanks to Austin. Buti na lang nai-ligtas ka niya.” Mom's really thankful.
“Thanks bro.” Niyakap ni Kuya Nathan si Austin.
Niyaya muna namin si Austin sa loob ng bahay. Di pa kami kumakain. Hello?! 1:42AM na kami nakabalik dito. Ang layo ng pinanggalingan namin eh. Pinagluto kami ni mama. Pagod kaming dalawa ni Austin sa byahe. Pagkatapos naming kumain, akmang aalis na si Austin nang…
“No, dear. Stay here. Dito ka na matulog. Nakakahiya naman kung magd-drive ka pa pauwe. Alam kong pagod ka na at inaantok kaya stay here. Baka kung ano pang mangyari sayo habang nagd-drive ka. Stay in the guest room.” Mom offered.
“Pero, Mrs. Levine…” Magdadahilan si Austin kaso sumingit uli si Mama.
“Call me tita.” My mom smiled at him.
“Tita… baka po kasi hinahanap na ako sa ‘min. Saka wala po akong dalang extrang damit.” Sabi ni Austin.
“I insist. Give me the phone numbers of your parents. Ako na bahalang magpaalam sa kanila.” Said Mom.
“And bro, you can borrow clothes from me. Besides, di ka na naman iba sa amin.” Singit ni kuya.
“Oh sige na nga po. Nakakahiya naman pong tumanggi sa inyo.” Di na nakatanggi si Austin.
Hinatid ko na siya sa Guest Room. Hawak niya mga damit na pinahiram sa kaniya ni Kuya. Bago siya makapasok sa room, I hugged him again.
“Thank you... for saving me.” Sabi ko sa kaniya. He smiled at me. Then he kissed me again on my forehead. Nabigla nanaman ako sa ginawa niya.
“Wala ‘yon. Basta isa lang naman hinihiling ko sayo di ba… wag kang lalayo sa tabi ko.” I smiled. Tsaka na ako nagpaalam sa kaniya. Pumasok na ako sa kwarto ko at natulog.
*KINABUKASAN*
“QWERTYUIOPASDFGHJKL…ZXCVBNMASDFGHJKLQWERTYUIOP”
Ano ba yan?! Ke aga aga… ang ingay! Nagtakip ako ng tenga gamit ang unan ko. Kaasar! Pagod ako saka puyat! Pano na lang ang kagandahang taglay ko?! Char!
“QWERTYUIOPNDKCBQJSVASDFGHJKL…ZXCVBNMASDFGHJKLQWERTYUIOPKNSCIWGJBXAJ.”
“QWERTYUIOPWMVLKQCEOGHVASDFGHJKL…ZXCVBNMASDFGHJKLQWERTYUIOPMOXBASGECA.”
“QWERTYUIOPASNVHQPEASDFGHJKL…ZXCVBNMASDFGHJKLQWERTYUIOPXOASHCWUACKNAL.”
Arggggggh! Tumayo na ako. Tingin sa orasan. WHAT?! 6:53AM pa lang?! Iba din! Naghilamos na ako. Saka bumaba.
Pagkababa ko…
“Girl!”
“Sis!”
“Bakla!”
Ang Tres Marias. Sus kaya naman pala maingay! Mga Megaphone! Parang nasa palengke lang ha?!
“Ano bang meron at ang aga aga nambubulabog kayo?!” Iritang tanong ko. Sinira nila ang tulog ko! Napatingin ako sa door ng guest room. Bumukas kasi bigla. Ah! Oo nga pala… si Austin, dito natulog. Dumeretso siya sa may sala kung san kami ng Tres Marias.