Chapter 20: "Ruined Valentine's Day"

12 0 0
                                    

Rachel’s POV

Anong petsa na ba? February 14 lang naman. Anong meron? Valentine’s Day na. Di man ako excited, di ba? Si Jinro kasi eh. Sabi kasi niya may surprise siya sakin. Early in the morning, nandito na agad ako sa school. Open gate ngayon. Kahit sino, pwede pumasok. Kahit hindi dito nag-aaral. May fair kasi ngayon eh. Since Valentine’s Day ngayon, siyempre hindi mawawala ang mga booth. Merong marriage booth, kissing booth, jail booth at kung ano ano pa. Pero eto ang pinakagusto ko. May mini carnival ngayon dito. Mag-eenjoy talaga ako. Tapos mamaya magc-concert yung Silent Sanctuary. Oh diba? Best Fair Ever!

Maya maya… nagsidatingan na din sila. Natatanaw ko na din ang Tres Marias. Oh. Apat pala sila. Kasama si Sean Paul. Umeeksena nanaman si Paola. Hahaha. Hayaan na nga. Minsan lang to. Yung dalawa naman mukhang nalugi. Pano naman kasi, may hawak na bouquet si Paola. Inggit yung dalawa. Hahaha.

“Hey guys.” Bungad ko sabay kaway. Nilapitan na naman nila ako.

“Sis. Look oh. Si Paola may kaharutan. Kami… wala.” Sumbong ng dalawa sa akin.

“Hayaan niyo. Tatlo na naman tayong walang kaharutan eh.” Sabi ko naman sabay tawa.

“Gaga. Mamaya meron ka na rin niyan. Hu-hu-hu.” Nagkunwari pang umiiyak tong si Krizza.

“Oo nga no?” Sabay tawa ko. Nagpout naman silang dalawa. Ang cute talaga ng mga kaibigan ko.

Gosh! Teka… totoo ba tong nakikita ko? S-si Kuya Nathan ba talaga to? Bakit hindi ko siya  nakita kanina bago ako umalis sa bahay? Pakana nanaman siguro to ni mom para i-surprise ako. How sweet.

“Kuya!” Sinalubong ko siya. Niyakap ko ng mahigpit. Ilang months na din kasi ang nakalipas mula nung bumisita siya dito. Nag-stay lang kasi siya for a week then bumalik nanaman siya sa LA. At dahil niyakap ko nanaman siya ng mahigpit… ayun. NAGREKLAMO NANAMAN. Loko loko kasi si Kuya. Ang hilig magpa-miss. Hinila ko si kuya papalapit sa kung saan nadon ang barkada.

“Guys. Kuya ko nga pala. Kuya Nathan, kilala mo naman siguro si Sean Paul.” Kuya nodded.

“Hey bro. Long time no see. How are you?” Si kuya talaga. Ang hilig mag-english. Nasa Pilipinas po tayo. Hello?!

“I’m doing good.” Tapos nag-fist bump sila.

“Ehem. Ehem. Pwede ko na bang ituloy? Kuya, Sean Paul?” Sabat ko naman. Nag-nod naman sila.

“Kuya, eto nga pala si Paola. Nililigawan ni Sean Paul yan. Ganda niya diba? Eto naman si Luzy. May pagka-bitter yan pero maganda din siya.” Sinamaan ako ng tingin ni Luzy. “Sorry sis. Ah kuya, eto nga pala si Krizza. Model yan.” Nag-hi naman si kuya. Tapos, nag-blush naman si Krizza. I smell something really nice. Nilapitan ako ni Krizza saka bumulong.

“Ang gwapo naman ng kuya mo. Ang hot pa ng dating. Bakit di mo siya pinakilala sa amin noon pa?” Nag-smirk lang ako. May naisip akong kalokohan. Tutal wala naman date si kuya at si Krizza, sila nalang dalawa.

“Kuya. I want you to date Krizza.” S-si Kuya at si Krizza… parehong nag-blush! Raging hormones alert!

“Is that ok with you?” Tanong ni kuya kay Krizza. Nag-oo naman siya. Ayan na. kinikilig ako sa kanila.

Si Luzy na lang ang walang date ngayon. Inaya ko na silang maglakad lakad. Papunta na kami ngayon sa may stage. Sabi kasi ni Jinro, pumunta ako dun eh. Habang naglalakad kami papunta dun, may nakabangga naman si Luzy. Malas ni dear. Wala na ngang date, nabangga pa ng kung sino. Medyo madami na din kasing tao eh. Pagkaangat ng mukha nilang dalawa, nanlaki pareho ang mga mata nila. Bat ganiyan reaksyon nila?

“L-luzy?” Sabi nung lalaki. Di makatingin si Luzy sa lalaki.

“I-I’m sorry. Patawarin mo na ako please.” Di pa rin umiimik si Luzy. Kami naman, clueless. Ano ba naman kasing meron dito?

“Di kita titigilan. I will prove to you that I’m a better person now. Please… another chance. Please. Give me another chance. Hindi mo na ba ako mahal? Nakalimutan mo na ba talaga kung anong meron tayo noon? Mahal na mahal pa rin kita. Sorry kung nagpaka-gag* ako noon. Please. Isa pa. Itatama ko na mga mali ko.” Sabi ulit nung lalaki. Si Luzy naman umiiyak na. Ano ba talaga meron sa kanila? Wala akong maintindihan.

“Ok. This will be your last chance, Charles. Wag lang puro salita. Mahal pa din naman kita.” Then they hugged each other. Sus. Ang drama nila. Atleast di na siya bitter. May date na kaming lahat. Sean Paul at Paola, Krizza at Kuya Nathan, Ako at si Jinro, and last but not the least, Luzy at Charles. Naglakad na uli kami papunta sa may stage.

“When I see your face,

 there’s not a thing that I would change.

 ‘Cause you’re amazing.

 Just the way you are.

 And when you smile,

 the whole world stops and stares for a while.

 ‘Cause girl, you’re amazing.

 Just the way you are.”

That voice… I knew it! Ano nanaman bang kalokohan to?! Jinro talaga. He never failed to surprise me. Mga pakulo talaga ng lalaking to oh. Iba! Habang papalapit kami sa may stage… isa isang lumalapit sa akin yung mga nandon tapos binibigyan nanaman nila ako ng roses. Yung mga kasama ko naman, kinikilig na. Nauna pa sila sa akin. Haha. Nung matapos na yung kanta niya, bumaba na siya tapos lumapit sa akin tsaka inabot sa akin yung bouquet ng pink and white roses. Napangiti naman ako.

“Will you run away with me, babe?” Tanong niya. Medyo natawa ako sa tanong na yun.

“Of course… I will… not.” Sagot ko naman. Nalungkot naman siya. Ang epic ng mukha niyang gwapo. “Magr-run away tayo? Eh alam mo namang nadito sila, nanonood sa atin. Hindi na run away yun. Kasi naman alam na din nila. Let’s just get out of here.” Tumakbo na kami palayo.

“BYE GUYS! SEE YOU LATER.” Sigaw ko naman. Para naman kaming tanga.

Nasa labas na kami ng campus. Lakad ang banat namin ngayon ni Jinro. Lakad lakad lakad. Hanggang sa… may van na tumigil sa may harapan namin. Kasunod nun ang pagbaba tatlong lalaki. Sh*t! Ano bang nangyayari dito?! Hinatak kami papasok sa van.

Rule Breaker No. 143Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon