Rachel's POV
Umaga na. Date check: June 18, 20xx. Time check: 5:45 AM. Pasok namin ay 8:00 AM. Medyo mahaba-haba pa ang time para mag-ayos. I took a bath for 30 minutes and dressed up for 45 minutes. Then I went downstairs to greet my mom 'Good morning'. And to my surprise, my Kuya Ethan's here. How come he's here? Ah kaya siguro wala si mom kahapon kasi he fetched kuya from the airport. Mom has full of surprises. She never failed to surprise me. I missed kuya so much.
"Kuuuuuuyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!" I hugged my kuya tightly.
"Aww... R-rachel I can't b-breathe." He's slightly tapping my back.
"I missed you so much kuya. Can we please stay like this for a while?" I requested.
"H-hey calm down, sis. I missed you too." Matawa tawang sabi niya. Sobra kase higpit ng yakap ko. Tapos sumabat si mama.
"You two look cute. Come here and give your mom a very warm hug."
Aww. Si mom talaga oh. Niyakap niya kameng dalawa ng napakahigpit. Maya-maya binulungan ko si mom. I said 'thank you' to her. I didn't expect na uuwi si kuya. Last niyang vacation dito was a year ago. Nagkaroon kami ng salu-salo at nagkakwetuhan until...
"Mom, kuya, I need to go. Baka ma-late pa ako. Bye. Love you both."
They both nodded and signaled me to go. I arrived at the university at 7:30 AM. Well good thing hindi ako late. I started walking. As I walk, may kung anong pinagkakaguluhan doon. Quite weird, babae lahat ng nandoon. Ako naman tong si Ms. Curious, agad-agad na pumunta doon. Siyempre titignan ko kung anong meron doon at pinagkakaguluhan ng mga girls diba? So I went there and I saw 2 guys. Kaso nakatalikod yung dalawang guy. Nagtititili naman yung mga babaeng nandon. Well, except me.
"AAAAAAAAAAAHHHHHHHH! Ang gwapo mo Papa Austin Liam!"
"Mas gwapo si Papa Drake Rui!"
"Mas gwapo si Papa Austin!"
"Si Papa Drake!"
Nako ano ba naman yan. Pati ba naman yan pag-aawayan?! The eff! Bigla namang napaharap yung isang guy sa kinaroroonan ko at parang akmang aalis. Well, he's more like a prince. Ang amo ng mukha niya, yet mukha siyang masugit. After a minute, sumunod na yung kasama ni Prince Sungit. He also is handsome. Mas lamang nga lang ang isang ito kasi Smiling Face. He wears his killer smile. I repeat, KILLER SMILE while he's looking at me. As in pag nakita mo siyang naka-smile, mapapa-smile ka din. Nakakadala eh. Teka, bat nga ba niya ako tinignan with matching smile? Oh well, nevermind. By the way, nakarating ako sa room, 5 minutes after kong makita ang mga nagga-gwapuhang nilalang. Eto tulala pa rin kasi di ko makalimutan ang smile nung isang guy kanina. Di ko namalayan na kanina pa pala ako kinakausap ng mga kaibigan ko.
"HOY BABAITA! KANINA KA PA NAMIN KINAKAUSAP HA?! TAPOS PAG TATANUNGIN KA NAMIN, KUNG DI KA SASAGOT, BIGLA KA NALANG NGINGITI. BALIW NA ATA ANG ISANG 'TO." Pasigaw na sabi ni Luzy.
Oo nababaliw na ako. Nakakabaliw kasi yung ngiti ni... ano nga ba pangalan nun? Yung kasama ni Prince Sungit? Ah basta. Di pa rin matanggal sa isip ko yung smile niya while staring at me. Sh*t! He's driving me to insanity.
"H-ha? Ano ulit yun Luzy?" Tanong ko.
"Ano ba yan girl, kanina ka pang pagpasok mo ganyan. Para kang timang." Sabi ni Paola.
"Tinakasan ka na ba ng katinuan mo?" Sabat ni Krizza.
"T-teka isa-isa lang naman. Mahina ang kalaban." Sabi ko habang nakangiti pa rin.