Chapter 4
Pagkaminamalas ka nga naman oh!
“Ikaw naman kasi eh, masyado kang atat.”
Inikot ko lang yung mata ko nun tapos nagpout. Great, what’s could be better than detention?
“Pero okay lang yan. May good news ako sayo na pwedeng ibahin yung opinion mo about your detention.”
Tinignan ko naman siya nun. Ano bang pwedeng mag-iba ng opinyon ko tungkol sa detention??
“Nalaman ko na nakakuha ng detention si AD kasi ikatlong late na niya to sa linggong to.”
Grabe, 3 lates? Sobra naman yata----hold on. KASAMA KO SIYA MAMAYA SA DETENTION!? WOW!
“Gagi! Jackpot!”
Tinawanan ako nung katabi ko nun. Now I can’t wait for detention!
Hindi ako mapirmi sa upuan ko nun. Iniisip ko palang na masosolo ko si AD mamaya sa detention eh tuwang tuwa na ako. Muntikan pa nga akong mapatalon sa tuwa kung hindi lang ako pinigilan nung katabi ko eh madodoble pa sana yung detention ko.
Nung uwian eh ako yata ang pinakaunang pumunta sa detention room. Sana konti lang kami sa araw na yun para solo ko talaga siya.
“You should look up to Miss Dizon here, Mr. Domingo. Kita mo, on time siya.”
OH my gosh. Ayan na siya!
Tumingin sakin si AD nun tapos bumalik yung tingin niya sa teacher na magbabantay samin.
“Uhm..miss, ilan po kaming may detention ngayon?” nag-ayos siya ng folder nun tapos tinignan ako.
“Ah, kayo lang ni Mr. Domingo.”
OH MY GOLLYWOW. Panaginip lang ba to? Kung oo, sana hindi na ako magising!
Sinamahan kami ni Miss nun sa may library. Dun kasi kami na-assign. Simple lang naman yung pinapagawa samin. Isosoli lang namin yung mga books na nakalagay sa trolley tapos ayun na, pwede na kaming umuwi. Sobrang tuwa ko naman kasi two full trolleys pa yung nandoon kaya matatagalan yung bonding time namin ni AD my loves ko.
“You may start.”
Tahimik lang kami nun. Walang imikan. Medyo nabingi nga ako sa sobrang tahimik niya kaya I started a conversation.
BINABASA MO ANG
Be Your Girl
Teen FictionJulia! Nahanap ko na siya!” Tinaasan ako ng kilay ni Julia tapos nag-cross arms siya. “Nahanap ko na talaga! ito na talaga yun promise! Siya na talaga yung true love ko! I’m sure of it!” “Ayan ka na naman eh. sinasabi mong true love pero hindi mo...