Chapter 12

141 2 0
                                        

Chapter 12

 

 

 

Last day na ng foundation week ngayon. Closing na at awarding para sa events. Sobrang winiwish ng section namin na manalo ng free day kasi balita namin eh sa EK daw yung punta namin. syempre, sayang din naman yun kasi libre na nga. 

Dumating na naman si Kyle nung araw na yun at nakipagbonding na naman. Nabring up niya ulit yung topic ng modelling pero gaya ng sagot ko dati eh no parin ang sinabi ko sa kanya. hindi kasi ako ganoon ka-interested eh.

Nung dumating yung closing ceremony eh tumugtog yung band nina AD. Ang galing talaga nila…ang galing niya sobra. Hindi ko maalis yung tingin ko sa kanya nung mga oras na yun kasi sobrang…I was drawn to him. para bang, ayaw huminahon ng heartbeat ko.

“you’re in love with him.”

 

Nagulat ako kay Kyle nun. 

“Love nga ba talaga o infatuation?”

 

Nagsmirk lang siya nun tapos naglean sa may wall. 

“Wow, I haven’t even started yet tapos ngayon talo agad ako?”

 

Medyo naguluhan ako sa sinabi niya pero hindi ko nalang pinansin. Pagkatapos tumugtog ng band nina AD eh nagsimula na yung awarding. As expected, panalo yung class niya. nung dumako na sa mga 3rd year eh sobrang kabado yung class namin.

“The winner of the events for the 3rd year is…class…3…B!”

 

Napatalong kaming lahat nun kasi hindi talaga namin inexpect na mananalo kami. Magaganda rin kasi yung event ng iba. Yung event naman ng class nina Julia eh may kanyang panalo rin kaya damay sila sa free day.

Wait, panalo yung section ni AD…saka yung amin…so…woah. Kaso nga lang…hay..

Nagyaya yung mga classmates ko na victory party daw sa bahay nung isa pa naming classmate. Syempre game kaming lahat kaya pumunta kami. Nagpaalam lang ako kay Julia nun. Okay lang naman sa kanya kasi may date naman sila nung boyfriend niya.

Palabas na sana ako ng school nun nang makita ko si AD na kasama si Gladys. 

Bakit parang parati yata silang magkasama nitong mga araw?

Sasakay na sana ako ng trike nun nang makita ako nung gremlin na yun tapos nagsmirk pa siya. Grabe nga eh, gusto kong ingudngod yung muka niya sa lupa kaso baka madumihan yung lupa, kawawa naman.

Nung nakarating na ako dun sa bahay ng classmate ko eh nagbabasaan sila. May iba nagtutulakan sa pool at may ibang nang-aambush.

“Oh tanggalin niyo na yung phone ni Nikki dali!”

 

Be Your GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon