Chapter 6
“Teka sino siya?”
“Close ba sila ni AD?”
“Aba himala may close si AD na babae! Lower batch pa!”
Amazing ang powers ko no? inggit sila eh.
Tinignan lang ako ni AD nun tapos lalakad na sana. Hinila ko yung kamay niya nun tapos ngumiti ng napakalaki.
“Wala man lang Hi? Hello? O kaya Good morning din?? Ito naman oh, binabati ka na nga nung tao eh.”
Halatang naiinis na siya nun. Huminga siya ng malalim bago tumingin ng diretso sakin at hinila yung kamay niya.
“Morning.”
At pagkatapos nun eh umalis na siya.
Oh diba? Panalo!
Naging pag-uusap ng mga tao yung eksena namin ni AD kanina. Syempre, bihira ka lang makakita ng babaeng makakapagpagawa kay AD ng ganun. Ewan ko ba, feeling ko pinagbigyan niya lang ako kasi he wants to get rid of me. I don’t mind, at least naparespond ko siya diba? Yun ang mahalaga.
“Bilib na ako sayo.”
“Huwat? Ngayon lang? Matagal na to no! nagkataon lang na talagang special si AD kaya nabibilib ka.”
Yung mga lalaking nagustuhan ko kasi dati eh hindi kasing sungit ni AD. At syempre, hindi ako ganoon ka “straightforward” nung mga oras na yun kaya hindi ko masyadong napakita sa kanila yung pagiging persistent ko.
“Tara na, bago ka pa dumugin ng fans club niya.”
Lumakad na kami ni Julia nun papunta sa floor ng 4th year. Maraming tao ang nagtinginan, I admit, naconscious ako…hindi kasi ako sanay na tinitignan eh. feeling ko tuloy naipit yung palda ko sa underwear ko or something.
“Masanay ka na Nikki, you brought this upon yourself.”
Napabuntong hininga ako. I know. Hindi na niya kelangang ipaalala. Medyo okay naman yung class namin. actually, tingala nga sila sa akin kasi ako palang daw ang pinakaunang babaeng naglakas loob na gumawa ng ganoon. At syempre, isa pang factor yung pagiging mas bata ko sa kanya. ang hectic palang maging fan ni AD.
Nung lunch time eh may mga kaklase akong nanghila sakin sa soccer field. Sinenyasan ko nalang si Julia nun na sumunod. Wala akong magagawa eh, ang higpit na kasi ng hawak sa braso ko kaya hindi ako makawala.
BINABASA MO ANG
Be Your Girl
Roman pour AdolescentsJulia! Nahanap ko na siya!” Tinaasan ako ng kilay ni Julia tapos nag-cross arms siya. “Nahanap ko na talaga! ito na talaga yun promise! Siya na talaga yung true love ko! I’m sure of it!” “Ayan ka na naman eh. sinasabi mong true love pero hindi mo...