Chapter 20
Sender: Kyle Message: Gud am ü
Ganyan, uma umaga eh parati siyang may text sa akin. Actually, hindi nga lang umaga eh. meron sa tanghali, at saktong 12 noon pa, tapos meron sa gabi. Minsan kapag lunch time namin eh magtetext yan ng bon appetiti, akala mo kung sinong French. Hahah.
“Ang sweet naman ni Kyle.”
“Yeah..sweet.” binasa ko lang yung hand-out ko nun. Exams na namin nung araw na yun. Syempre, kahit papaano eh nakapag-aral naman ako ng maayos. Yung ibang hindi maturo ni Julia eh si KUYA AD na yung nagturo. Ewan ko sa kanya, nagprisinta siya eh, wala naman akong nagawa. Good Idea rin daw kasi yun sabi ni Kuya Nike.
Yeah sure.
“Matanong nga kita Nikki, ikaw ba eh pinapaasa mo lang yang si Kyle?”
Napatingin ako kaagad kay Julia nun. Ako? pinapaasa si Kyle?
“Paano mo naman nasabi?”
“well, for one, halata namang si AD parin ang laman niyan eh.” sabi niya sabay turo sa may dibdib ko.
Napabuntong hininga nalang ako nun. “I know it sounds mean pero, I like him naman eh. yun nga lang, hindi katulad nung pagkagusto ko kay AD.”
“Hay…alam mo? Wag mong sayangin yung pagkakataon. Ayan na si Kyle eh. may magmamahal na sayo, bakit hahanapin mo pa yung hindi ka naman mahal?”
Ang ouch naman nun.
“kapag nagmamahal ka naman ng tao eh hindi dahil mahal ka rin niya.”
Umirap lang si Julia nun at pagkatapos eh nagpatuloy na kami sa pag-aaral.
Nang matapos yung exams eh medyo nakahinga ako ng maluwag. Syempre, bawas burden din yun. 3 down, 4 to go. Hay, buhay, bakit ba pagkahirap hirap mo?
Sender: Kyle
Message:
Exms nyo pla tas Txt aq ng txt. Xri po.
Nagreply naman ako na wala lang yun. Wala lang naman talaga eh, kahit naman may katext ako o wala eh hindi naman ako kaagad nag-aaral.
Nagulat ako kasi biglang nagring yung phone ko nun.
Kyle calling...
Sinagot ko naman kaagad nun.

BINABASA MO ANG
Be Your Girl
Roman pour AdolescentsJulia! Nahanap ko na siya!” Tinaasan ako ng kilay ni Julia tapos nag-cross arms siya. “Nahanap ko na talaga! ito na talaga yun promise! Siya na talaga yung true love ko! I’m sure of it!” “Ayan ka na naman eh. sinasabi mong true love pero hindi mo...