Chapter 7
Maaga akong pumasok nung sumunod na araw. Ewan ko ba, kapag nasa bahay ako eh nadedepress ako sa fact na hanggang ngayon eh wala paring imik si Kuya Nike. gusto kong awayin yung gumawa nito kay kuya kaso hindi ko kaya. Hindi ko kasi alam kung saan siya nakatira.
Habang naglalakad ako eh nag-isip na ako ng bagong way para mapalapit kay AD. Minsan nawawalan ako ng pag-asa pero siyempre, it doesn’t mean na I should give up.
Pagkadating ko ng school eh may mga tao kagad na naglapitan sa akin. Mostly, girls. Sino pa bang lalapit sakin kundi yung FANS ni AD?
“Yan, yan yung malanding lumapit kay AD nung isang araw! Amp! Feelingera eh!”
Nagtaka naman ako nun. Inacknowledge ako ni AD tapos naging feelingera ako? Di kaya mga sarili nila yung tinutukoy nila? Hindi na sana ako magpapaapekto dun sa ginagawa nila kaso may isang bruha sa kanila na hinarap yung paa niya sa harapan ko kaya nadapa tuloy ako. Syempre, nasira yung poise ko, at syempre, nakakahiya.
Tinignan ko siya ng masama nun tapos sunod ko nalang nalaman eh may sabunutan fest na sa may harapan ng high school building. Ang unfair nga eh. isipin mo, 5 against one. Ewan ko pa nga kung makakalabas pa ako ng may buhok after nito.
Kinamalas malasan ko eh may nakakita pang teacher samin kaya ayun, detention ang bagsak naming lahat. syempre, para hindi na magkagulo pa or what, hiniwalay nila yung detention ko sa detention nila.
Nung lunch time eh nilabas ko lahat ng pagkainis ko kay Julia. Feeling ko nga eh narindi siya sa kakareklamo ko. syempre, after nun eh saka lang ako lumapit kay AD. Ayoko kasi na lalapitan ko siya tapos may dala dala akong problema. Baka mamaya lalo akong madown or anything.
“Bakit ganyan itsura mo?”
“May detention kasi ako mamaya…”
Napa-aahhh siya nun. Teka, di man lang niya itatanong kung bakit? Eh kaya nga ako nagkaroon ng detention eh dahil sa kanya.
“Yung mga fans mo kasi eh. nang-aaway.”
Tumango tango lang siya nun na parang wala lang sa kanya. hindi na ako nagpumilit na magkwento kasi hindi rin niya ako nun pinapakinggan.
Nakabuntot lang ako sa kanya nun at syempre, dumami na naman yung masasamang tingin ng mga babae sa akin. Nung malapit na magbell eh nauna na akong umalis. Ni walang bye o ingat man lang galing sa kanya. Oh well, isa yun sa mga babaguhin ko.
Kahit na free time kami eh medyo ang boring ng araw ko. puro kasi mga preparation tapos ang dami masyadong trabahong kelangan tapusin. Nakakasawa na nga eh, kung hindi lang dahil kay AD matagal na akong tinamad pumasok.
Nung detention naman eh wala. Nagpulot lang ako ng tuyot na dahon sa grounds ng high school building tapos nun eh pinauwi na ako. Medyo sumakit pa nga likod ko nun kasi yuko ako ng yuko.

BINABASA MO ANG
Be Your Girl
Teen FictionJulia! Nahanap ko na siya!” Tinaasan ako ng kilay ni Julia tapos nag-cross arms siya. “Nahanap ko na talaga! ito na talaga yun promise! Siya na talaga yung true love ko! I’m sure of it!” “Ayan ka na naman eh. sinasabi mong true love pero hindi mo...