Chapter 33
Ang tagal din yata akong pinagtatawanan ni kuya nun. Paano, ayaw talagang ipaalis nitong lalaking to yung oversized t-shirt na pinasuot niya sakin eh. Grabe, mukha akong tange.
Eh bakit ganun, si Ate Andie rin naman naka 2 piece ah? Bakit ako lang yung kelangang magmukhang ganito? Rawr. Sa susunod nga na magbebeach kami…I’ll try to remember na wag siyang isasama.
“Nikki..”
Napatingin ako kay Ate Andie nun nang nakakunot yung noo. Natawa lang siya tapos tumabi siya sa akin. Medyo nirelax ko naman ng konti yung mukha ko kasi kanina pa ako mukhang natalo sa lotto eh.
“Pagbigyan mo na yang kapatid kong sira..”
“Eh pero…”
“Overprotective lang talaga siya…”
“Kaso ikaw din naman ah…?”
Natawa siya bigla nun tapos umiling iling. Hindi ko naintindihan yung binulong niya pero it sounded like,
“Ang dami talagang in denial ngayong panahon..”
Now, anong ibig sabihin naman niya dun??
Tumayo narin siya tapos lumusong sa tubig. Nakakainggit grabe. Napatingin naman ako sa right side ko nang may naramdaman akong tumabi sakin. Nagulat nga ako kasi hindi ko siya kakilala tapos ginigitgit pa niya ako. umusog ako sa left kaso may tumabi pang isang lalake. Tatayo na sana ako nun kaso bigla nila akong hinila pababa.
“Teka lang miss…enjoy pa tayo eh diba??”
“Bitiwan niyo nga ako…”
“Makikipagswimming ka lang naman samin eh..dali na.”
“Ano ba!”
Tinry ko ulit umayo ng mabilis at sinipa ko yung sand para mapigilan sila. Ayun, lalo yatang nagalit kasi hinabol nila ako. Grabe naman!
“Anong ginagawa niyo?”
Nagtago ako kaagad sa likod ni AD nun tapos yung mga lalaki kanina eh halatang inis na inis na.
“Sino ka ba ha?”

BINABASA MO ANG
Be Your Girl
Teen FictionJulia! Nahanap ko na siya!” Tinaasan ako ng kilay ni Julia tapos nag-cross arms siya. “Nahanap ko na talaga! ito na talaga yun promise! Siya na talaga yung true love ko! I’m sure of it!” “Ayan ka na naman eh. sinasabi mong true love pero hindi mo...