Chapter 19

137 2 0
                                        

Chapter 19

 

 

 

Nashock ako nun sobra. Hindi ako makakilos, hindi ako makaimik. Hello!? Ito yata yung first time na may nanligaw sakin.

“Was that a joke?”

 

Napahinga naman siya ng malalim tapos umikot yung mata niya at umiling iling siya. 

“Ilang beses ko ring pinractice sa mirror yun tapos tatanungin mo lang ako kung joke ba yun? Wow ha.”

 

Natawa ako sa kanya nun tapos pinalo ko siya. Mahilig nga akong mamalo.

“Err, sorry na ah. First time kasing may gumawa sakin nito eh.”

 

Naging soft yung expression niya nun tapos tumingin siya sakin ng diretso. Nagblush nga ako nun eh, sa di malamang dahilan. Medyo sumikip din yung dibdib ko at para bang hindi ako makahinga. 

Hindi kaya..?

Paano si AD?

“Tsaka ayaw mo nun, at least ngayon, hindi ikaw yung naghahabol.”

Ayoko namang pumayag nang yan ang dahilan. Hay, ang gulo.

“Can I think about it first? Bukas ko nalang sasabihin yung sagot ko.”

 

“Sure.” Ngumiti siya nun tapos hinatid na niya ako pauwi. Nagulat pa nga ako nun kasi may nakita  akong isang napakapamilyar na kotse na nakapark sa harap ng bahay namin. pagpasok ko naman eh andoon si AD sa sala at kasama si Kuya…pareho silang naglalaro ng PSP.

“Wow, kelan pa naging game center tong bahay natin Kuya??”

 

Tumawa sila pareho nun tapos umupo naman ako sa chair sa tapat nila.

“Anong nangyari sa date niyo?”

 

Umirap ako nun tapos tumingin ako sa kanya ng diretso. “It wasn’t a date okay?”

 

Tumawa siya nun na para bang hindi siya naniniwala sa pinagsasabi ko. what’s with him?

“Ito naman, hindi naman ako magagalit kung may date ka eh. It’s normal for teens your age.”

 

Napa-ugh nalang ako nun. There’s no point in explaining. Ayaw din naman kasi nilang maniwala sa pinagsasabi ko eh. 

Nung paalis na si AD eh tinawag nila ako pababa. Ihatid ko daw hanggang sa may gate. Nako naman, ang sarap na ng paggamit ko ng pc sa taas tapos papababain lang nila ako?? Tss.

Be Your GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon